Dahil nasa hospital pa ang ilang miyembro nang Task force Wolf. Lumapit si Andrew sa Presidente nang bansa upang humingi nang back up para sa kasong kinakaharap nila ngayon. Ngunit maging ito at ang mga General ay hindi rin makapagbigay nagagarang tulong para sa mga lugar na may bomb threat lalo na at nasa sports complex pa ang ilang pulis at Sundalo dahil sa pag sabog na naganap doon. May ilang mga bombsquad na ipinadala sa Shopping Mall at sa Kingdom hotel at ilang miyembro nang SWAT Team dahil ang ilan ay nasa head quarters dahil sa Bomb Threat din sa lugar na iyon. Naka alerto din maging ang mga Miyembro nang NAVY at Airforce para agad na makaresponde kapag may nangyaring hindi maganda. Si Guiller naman at ang ibang tauhan niya ay kasalukuyang hinahanap si Anica. Dahil nasa dalaga a