Inabutan ni Anica sina, Daniella Michelle at Aurora sa kusina na naghahanda nang almusal. Noong nasa mansion siya. Parati niyang nakikita ang mga katulong na gumagawa noon. Ngayon lang niya Nakita ang mga babae nang pamilya na siyang gumagawa nang almusal sa kusina. Napansin din niyang magkasundo ang tatlo.
“M-magandang umaga po. May maitutulong ba ako?” tanong ni Anica sa tatlo. Maaga siyang nagigising kaya naisip niyang magpunta sa kusina at tumulong sa mga maid. Bago siya pumasok sa school. Ayaw naman niyang isipin nang pamilya ni Don Edmund na isa siyang pabigat at asal prinsesa.
“May alam ka ba sa pagluluto?” tanong ni Aurora.
“Sa pamilyang ito. Dapat isa sa mga kayang gawin nang asawa nang isang Bryant ay ang maghanda nang pagkain. Mabuti nalang itong si Daniella ay magaling pala sa kusina.” Wika ni Michelle na tuwang-tuwa kay Daniella.
“Oo naman po. Eh si mama, gusto rin niyang ipinaghahanda si papa nang pagkain. Tinuruan niya din kami ni Natasha dahil gusto niya hindi kami maging pabigat sa mapapangasawa naming.” Wika ni Daniella saka tumingin sa kanya nang makahulugan.
“I am lucky ikaw ang mapapangasawa ni Zane.” Wika ni Michelle.
“Kung gusto mong tumulong. Ito.” Wika ni Aurora kay Anica at iniabot sa dalaga ang lalayan na may lamang hiniwa-hiwang parte nang manok.
“I-prito mo, Siguro naman marunong kang magprito?”
“Po?” gulat na wika ni Anica.
“Anong po. Kanina nagtatanong ka nang maitutulong mo. Huwag mong sabihing hindi mo kaya.” Ani Aurora. Napatingin siya kay Daniella at she saw her smirk. Alam nitong wala siyang alam sa pagluluto. Ilang beses siyang napagalitan noon ni Melissa dahil muntik na niyang masunog ang kusina nila.
Napakagat labi si Anica saka tinanggap ang lalagyan saka naglakad papalapit sa pinaglalagyan nang kawali. Lumapit naman si Daniella saka binuksan ang stove kung saan nito inilagay ang kawali. Saka nilagyan nang mantika.
“Ah!” tili ni Anica nang tumalsik sa kamay niya ang mantika nang ilagay niya ang isang piraso nang Manok. Agad din siyang lumayo dahil nagsisitalsikan ang mantika sa kanya. Iyon naman ang Nakita ni Aurora at Michelle.
“Ano bang ginawa mo!” asik ni Aurora saka lumapit sa kanya at kinuha ang lalagyan nang ipi-pritong manok. “What a useless girl. Hindi ka ba tinuruan nang mama mo na magluto? Simpleng pa piprito natatakot ka. Doon ka nalang at tumulong kay Daniella sa paghiwa nang gulay.” Wika ni Aurora.
Hindi naman kumibo si Anica saka lumapit kay Daniella. Tahimik naman nitong ipinasa ang kutsilyo sa kanya at ang gulay na hihiwain. At dahil wala naman siyang alam. Ilang beses na nagkahiwa-hiwa ang daliri niya ngunit hindi naman niya magawang mag reklamo. Nasa kamay pa niya ang hapdi mula sa mantikang tumalsik. At nakikita niyang masaya si Daniella na nakikita siyang parang tanga.
Bakit kasi naisipan ko pang tumulong. Wala naman akong alam dito. Wika nang isip nang dalaga.
“Ang galing ko naman. Simplang agad ako sa dalawang sister in law ni Shin.” Wika ni Anica habang nasa silid nila ni Andrew at ginagamot ang mga hiwa sa daliri niya at ang paso mula sa talsik nang mantika.
“Nakakahiya naman. Wala akong maitulong sa kusina.” Wika nang dalaga.
Dahil hindi umuwi nang isang linggo ang binatang si Andrew. Isang lingo ding pinakisamahan ni Anica sina Aurora, Michelle at Daniella. Kahit na sa tuwing nasa harap sila ni Don Edmund ay tila maamong tupa ang tatlo kapag sila nilang lumalabas ang tunay nang kulay nang mga ito.
Ipinapakita nang tatlo na wala siyang kayang gawin at isa lang siyang malaking pabigat at Andrew at sa pamilya nila.
“Gusto pa sana kitang makasama dito kaya lang alam kung kailangan niyo ring lumipat ni Shin sa bahay niyo.” Wika ni Don Edmund nang sunduin siya ni Andrew upang umuwi na sa bahay nila sa military compound.
“Huwag ho kayong mag-alala dadalaw ako dito nang madalas.” Wika naman ni Anica. Ngunit sa isip niya hindi na siya makapaghintay na umalis kung hindi lang dahil sa matanda hindi siguro niya nagawang makatagal nang isang buong linggo sa mansion.
“Mag-iingat kayo.” Wika ni Edmund saka bumaling kay Andrew. Tumango naman ang binata. Nang magpaalam si Anica sa matanda ay saka siya sumakay sa kotse. Kahit gusto niya ang ama ni Andrew. Ayaw din naman niyang manatili sa lugar na hindi siya komportable.
**
Dalia! Tommy! Ramil!” gulat na wika ni Anica nang lumabas sa kotse at makita na sa harap nang pinto nang bahay ni Andrew sa military compound ay nag-aabang ang tatalo. Nang dumating sila si Rafael ang Nakita niyang nagbukas nang gate. Hindi na rin naman siyan nag taka, baka nasa compound lang din ang bahay ni Rafael at parati naman silang magkasama ni Andrew kaya hindi na nakakapagtakang naroon ito.
“Ate Anica.” Masiglang wika ni Dalia at Tommy saka tumakbo papalapit sa kanya at agad siyang niyakap. Sa labis na pagtataka ay napatingin siya kay Andrew na nilapitan ni Ramil. Nakita naman niyang iniabot ni Andrew ang bag nila kay Ramil.
“Kumusta ka.” Ngumiti wika ni Ramil sa kanya. Bagay na ikinagulat niya. Dati naman ay hindi ito ngumingiti at tila pasan ang mundo. Napansin din niyang tila malakas na ito. Mukhang nakabawi na mula sa nangyari sa kanya noon.
“M-masaya akong makita kayo. Anong nangyari? Kailan pa kayo----”
“Simula nang makalabas ako sa Hospital. Dito na kami tumira kasama si Sir Andrew.” Wika ni Ramil.
“Alam mo Ate. Bumalik na rin kami sa school. Pati si Kuya Ramil nag-aaral na rin.” Masayang wika ni Dalia.
“Talaga.” Masiglang wika ni Anica saka bumaling kay Ramil. “Masaya akong malaman na nag-aaral kana ulit.”
“Dahil iyon kay Sir Andrew. Kapag nakatapos ako nan High school ngayong Taon. Pwede na akong pumasok sa military.” Wika ni Ramil na pinamulahan dahil sa hiya habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Anica.
This brat. Wika nang isip ni Andrew habang nakatingin kay Ramil. Bakit tila hindi niya gusto ang pamumula nang mukha nito? Alam niyang hindi nagkakalayo ang gulang nina Anica at Ramil. Nasa Senior high school si Ramil ngunit sa pagkakaalam niya ay isang taon itong natigil sa pag-aaral.
“Halika Ate. May ipapakita kami sa iyo.” Wika ni Tommy at Dalia saka inakay si Anica papasok sa bahay naiwan sa labas sina Rafael, Andrew at Ramil.
“Mukhang hindi ka naman magkakaproblema kay Anica at sa mga bata.” wika ni Rafael sa binata.
“Mukhang gustong-gusto rin nila si Anica.” Wika ni Ramil. Nakatingin sa dalagang papasok sa bahay kasama ang dalawang bata. Hindi naman sumagot si Andrew kundi ang tumingin lang sa mga ito na pumasok sa loob nang bahay.
“Magiging bahay nang isang pamilya na rin itong bahay mo.” Wika ni Rafael sa kaibigan. Simula kasi nang itinayo ang bahay na iyon at tumira doon si Andrew. Umuuwi lang ang binata doon tuwing darating ang tagalinis.
**
Kanina ka pa ba?” Tanong ni Rafael kay Claire nang dumating siya sa isang restaurant. Naka-upo si Claire sa isang mesa na nag-iisa kaya naman agad siyang lumapit dito. Nag-usap kasundo silang mag kita sa restaurant dahil sa isang bagay na gustong pag-usapan ni Claire. Nagulat pa nga siya nang bigla siyang tawagan nang dalaga at sinabing gusto nitong makipag kita sa kanya. Hindi naman sila close noong nasa pareho silang college. At alam din niyang mahilig mag-isa ang dalaga kaya naman Malaki ang ikinagulat niya sa tawag nito.
“Claire!” tawag nang boses kay Claire dahilan upang mapalingon si Rafael at Claire sa pinanggagalingan nang boses. Nakita nila ang isang grupo na papalalapit sa kanila. Agad namang tumayo si Claire sa kinauupuan niya upang salubungin ang mga dumating.
Nakilala ni Rafael ang dumating na grupo. Mga high school classmate pala iyon ni Claire. Nakipagkita ang mga ito sa dalaga dahil sa isang. Nalaman niya na noong nakaraang araw. Isinugod sa hospital ang isa sa mga dating high school classmate ni Claire at doon sila tila nag karoon nang renioun kaya naisip nilang magkita-kita.
Pansin na pansin ni Rafael na tila asiwa si Claire sa mga dating classmate. Marahil ito ang dahilan kung bakit siya nito pinapunta sa lugar na iyon. Bakit tila pakiramdam niya napipilitan ang dalaga na ngumiti sa mga ito.
“Claire bakit hindi mo naman kami ipakilala sa kasama mo? Boyfriend mo?” Tanong nang isang babae kay Claire saka tumingin kay Rafael.
“Malabo yun. She is too busy with her work. Mukhang sa hospital na ang buhay niya.” Natatawa namang wika nang isa pa.
“He—” putol na wika ni Claire saka tumingin sa binata.
“I am her friend and her college senior.” Agaw ni Rafael sa sasabihin ni Claire. “Rafael Ramirez. Nice to meet you.” Magalang na wika ni Rafael saka nakipagkamay sa mga kaibigan ni Claire.
“Nice to meet you too.” Wika nang isang lalaki. “We really thought na hindi magkakaroon nang kaibigan itong si Claire. Kahit noong high school mahilig siyang mag-isa.” Wika pa nito.
Simple lang na ngumiti si Claire. Naging maayos ang naging dinner nang dating magkakaklase. Matapos silang mag dinner nagyayapa ang mga ito na magpunta sa club ngunit tumanggi si Claire dahil night duty siya ngayon. Ganoon din naman si Rafael. Maaga pa siyang gigising dahil sa kanilang special training bago sila sumabak sa isang bagong assignment.
“Thank you dahil hindi ka tumanggi sa paanyaya ko.” Wika ni Claire habang sakay siya nang kotse ni Rafael at inihahatid nang binata patungo sa hospital.
“Walang problema. Pero bakit tila hindi ka masaya na makasama ang dati mong mga ka klase mukhang mabait naman sila.”
“Gaya nang sabi nila hindi ako ang tipo nang taong magkakaroon nang maraming kaibigan. And we were not close to begin with. It was a coincidence that we meet in the hospital.” Wika ni Claire.
“Do you always think you don’t need friends or people to survive?” Tanong ni Rafael na nakatingin sa kalsada.
“Hah?” takang tanong ni Claire saka napatingin sa binata.
“Walang kahit sinong tao ang pwedeng mabuhay nang mag-isa. May be you are asking why now? Why would they talk to me? Hindi ka ba masaya na naalala ka nila matapos ang mahabang panahon?” tanong ni Rafael.
“I think your comment is unnecessary. You even don’t know me well.”
“Yeah you are right. I don’t know you that well.”
**
Bakit bukas ang ilaw sa kusina?” tanong ni Andrew nang pumasok sa bahay nila. Malalim na ang gabi nang dumating siya kaya naman iniisip niyang tulog na ang lahat maging si Anica. Ngunit na bigla siya nang dumating at madatnan ang bukas na ilaw nang kusina. Hindi niya binuksan ang ilaw sa sala saka naglakad patungo sa kusina. Sa may pinto Nakita niya si Anica na nakaupo sa Mesa habang nasa harap nang pagkain na tila hindi maganda ang pagkakaluto. Kita din niya ang momoroblema nang dalaga.
Ang totoo niyan, nag pa practie siyang magputo para maipaghain naman niya nang pagkain si Andrew. Sa bahay nila si Ramil ang nagluluto ay ang binatang si Ramil. Wala naman kasi siyang alam sa kusina at hindi siya nahihiya na siya sa binata dahil doon. Ngunit kahit anong gawin niya. Kahit ang simpleng pag prito nang hotdog ay nasusunog pa niya.
“Anong ginagawa mo dito nang ganitong oras?” biglang wika ni Andrew na dahilan upang magulat si ANica at mapatayo saka kinabig ang pagkain patungo sa likod nito.
“Ano naman yang nasa likod mo?” Tanong ni Andrew saka naglakad patungo sa dalaga.
“Wala ito.” Ngumiting pilit si Anica. “Sabi mo hindi ka uuwi ngayon.” Pag-iiba niya nang usapan.
“Hindi ako makatulog sa kampo. Kaya umuwi ako.” Wika nang binata. “Nagluto ka ban ang pagkain?” wika nang binata saka napatingin sa kalat na nasa preparation table nang kusina. “Yan ba ang itinatago mo? Hindi mo na kailangang gawin yan. Nakita ko na.” wika nang binata saka hinawakan ang kamay ni Anica at kinuha ang pinggan sa likod nang dalaga.
“Kakaiba ang pagkaing ito.” Wika ni Andrew habang nakatitig sa niluto ni Anica. Ang kulay at ang karne ay halos wala nang pinagkaiba dahil kapwa sunog.
“May kanin ka ba diyan? Gutom na ako hindi pa ako nakakapaghapunan.” Wika ni Andrew saka naupo at inilapag sa harap niya ang niluto ni Anica.
“Huwag mong sabihing kakainin mo yan. Baka malason ka.” Wika ni Anica saka tinangkang kunin ang pagkain nguit pinigilan ni Andrew ang kamay niya.
“It’s all right. Pwede mo ba akong ikuha nang kanin?” masuyong tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. Napakagat nang labi naman ang dalaga saka binitiwan ang pinggan at naglakad patungo sa rice cooker upang ikuha nang kanin ni Andrew.
“Omorder nalang kaya tayo nang matinong pagkain.” Wika ni Anica saka inilapag sa mesa ang pinggan na may kanin. Bago naglakad patungo sa Ref para kumuha nang tubig.
“How was it?” Tanong nang dalaga nang makitang kinakain nang binata ang niluto niya. Nakikita niyang sa unang subo nito he was taking his time to chew the food. Tiyak na mahirap nguyain ang gulay at karne.
“It taste a little different.” Wika nang binata na napaubo pa. agad naman niya itong binigyan nang tubig.
“Huwag mo nang pilitin ang sarili mong kainin yan.” Wika nang dalaga.
“This is the first time I ate the food your prepared. I won't dare waste a single drop.”
“You don’t have to force youself. Baka hindi ka mapasok bukas.” Wika nang dalaga.
“I am not weak you know.” Wika nang binata saka muling nagsimulang kumain. Napakagat labi lang ang dalaga habang nakatingin sa binata. Kahit na tila pinipilit nito ang sarili na kumain wala itong sinayang kahit isang piraso.
“Salamat sa pagkain.” Wika nang binata matapos kumain.
“Are you feeling okay?” Tanong nang dalaga.
“Should we take a night walk?” tanong nang binata
“Ha?” gulat na wika nang dalaga.
“Dahil nabusog ako sa kinain ko. Hindi ako agad makakatulog. Let’s take a walk outside.” Wika nang binata saka inilipit ang pinagkainan at naglakad patungo sa lababo.
“Ako nang----” wika nang dalaga at sinubukang kunin kat Andrew ang mga huhugasang pinggan.
“Let’s clean this kitchen first shall we?” wika ni Andrew saka tumingin sa nagkalat na mga balat nang gulay. Napakagat labi naman ang dalaga saka tumango. Matapos nilang linisan ang kusina. Saka naman sila lumabas nang bahay.
“Okay lang bang malakad tayo nang ganitong oras nang gabi?” Tanong ni Anica nang lumabas sila nang gate.
“It’ll be alright. Kasama mo naman ako. At isa pa nasa military compound tayo. 24 hours ang patrol dito at mga security camera.”
“Sir!” sabay na wika nang dalawang sundalong naka uniporme na nakasalubong nina Anica sabay saludo sa binata. Ito ang patrol group na sinasabi ni Andrew. Maliwanag din ang paligid kaya hindi nakakatakot na maglakad. Nang sumaludo sa binata ang mga sundalo sumaludo din ang binata sa mga ito. Matapos sumaludo ay nilampasan nan ang mga ito sina Anica. Napalingon pa ang dalaga sa mga ito habang papalayo.
Dahil nasa mga sundalo ang atensyon niya hindi na niya napansin ang dinadaanan niya. Hindi niya napansin ang bato na nasa harap niya dahilan upang madapa ang dalaga. Isang impit na sigaw ang narinig ni Andrew nang lingonin niya ang dalaga Nakita niya itong nakaupo sa daan. Agad din niyang napansin ang bato sa gilid nang paanan nito.
“Really now. What a troublesome person.” Wika nang binata saka lumapit sa dalaga at kinuha ang bato sa paanan nito saka itinapod sa gilid nang daan.
“What?” takang tanong ni Andrew nang nakatingin lang si Anica sa kamay na inilahad niya. “Wala ka bang planong tumayo diyan?” Tanong ni Andrew sa dalaga.
“Ah---” putol na wika nang dalaga. Tila umurong ang dila niya habang nakatingin sa kamay nang binata.
“Come on.” Wika nang binata na hinawakan ang balikat nang dalaga saka itinayo.
“Ah.” Daing nang dalaga nang makaramdaman ang kirot sa paa niya nang itayo siya ni Andrew. Bigla namang natigilan ang binata nang dumaing ang dalaga.
“Did you sprain your legs?” tanong nang binata saka napatingin sa paa nang dalaga habang nakaalalay ang kamay nito sa Balikat nang dalaga. “Stand Still.” Wika nang binata saka yumuko upang tingnan ang paa nang dalaga.
Nang hawakan niya ang paa nang dalaga maramdaman niyang bigla itong napaigtad saka napahawak sa likod nang damit niya. Nag-aalala namang napatingin ang binata sa dalaga.
“I think we should head back home.” Wika nang binata saka tumayo.
“AH!” sigaw nang dalaga nang biglang kumulog at kumidlat saka yuko habang hawak ang tenga niya. Takang napatingin si Andrew sa dalaga. Sunod-sunod ang kulog at kidlat at halos hindi na tumatayo ang dalaga sa kinauupuan. Nakikita din nang binata ang pangingining nang katawad nito.
Biglang natigilan ang dalaga at nagmulat nang mata nang maramdaman ang bagay na tumabon sa kanya. Bigla niyang binitiwan ang tenga niya saka napahawak sa camouflage jacket na naka tabon sa kanya.
“A-Anong ginagawa mo?” takang tanong nang dalaga habang nakatingin sa likod ni Andrew sa harap niya. Yumuko ang binata habang nakatalikod sa kanya dahilan upang magtaka ang dalaga.
“Hop in. We’re going home.” Wika nang binata at bahagyang lumingon.
Biglang napahawak sa likod nang binata si Anica nang biglang kumulog at kumidlat. Ramdam nang binata ang panginginig nang dalaga habang nakahawak ito sa likod niya. Dahil sa reaksyon nang dalaga. Agad na ginagap nang binata ang kamay nang dalaga saka ipinulupot sa leeg niya. Saka agad na kinarga ang dalaga sa likod niya. Nabigla ang dalaga dahil sa ginawa nang binata at huli na nang makareact siya dahil nakatayo na ang binata. Nabigla siya sa ginawa nito kaya muntik na siyang makabitiw at mahulog agad naman niyang iniyakap ang kamay sa binata.
“Don’t move. You might fall.” Wika nang binata sa malambing na boses. Lalong napahigpit ang hawak niya sa binata dahil sa muling pagkulog at pagkidlat.
“Not too tight. Gusto mo ba akong malagutan nang hininga?” wika nang binata dahil sa biglang pag higpit nang hawak nang dalaga sa leeg niya.
“S-sorry.” Wika ni Anica saka niluwagan ang hawak sa leeg niya. Dahil nakatalukbong sa ulo ni Anica ang Jacket ni Andrew hindi niya namalayan na nakarating na sila sa bahay nila. Nabigla ang dalaga nang bigla niyang maramdaman ang paglapag nang paa niya sa lupa marahan naman niyang inalis ang kamay sa leeg ni Andrew. Saka inalis ang jacket nang maramdaman na binitiwan siya ni Andrew.
Nakatayo na si Anica nang biglang itakbong muli sa ulo ni Andrew sa ulo niya ang Jacket sabay pihit sa kanya patungo sa pinto. Hindi naman siya nakakilos sa sunod na ginawa nang binata nasa likod siya nito nang inabot nito ang seradura nang pinto. Sa lapit nang katawan nila. Pakiramdam ni Anica ay nakayakap sa kanya ang binata. At tila gustong lumabas nangpuso niya sa tindi nang kabog nito. Nang bumukas ang pinto. Naramdaman niya ang marahang pag-alalay ni Andrew sa kanya papasok. Nang makapasok sila ay agad na isinara nang binata ang pinto. Agad naman niyang tinanggal ang Jacket nang binata na nakatalukbong sa kanya sabay lingon sa binata.
“T-thank you.” Wika nang binata sa dalaga.
“Mas mabuti pang tingnan natin yang paa mo baka may naipit na ugat.” Wika nang binata sa dalaga saka lumapit dito.
“I’ll----” biglang putol na wika ni Anica nang bigla siyang pangkuhin ni Andrew. “Wh-what are you doing doing?” gulat na tanong nang dalaga saka napatingin sa binata.
“What else could it be. Dadalhin ka sa kwarto.” Wika nang binata na nasa hagdan ang mga mata.
“K-kaya ko----”
“Don’t be stubborn.” Wika nang binata saka umakyat sa hagdan karga-karga ang dalaga. Hindi naman kumibo ang dalaga at napakagat labi lang. Nang makapasok sila sa silid nila. Marahan siyang inilapag nang binata sa kama sabay yuko upang makita ang paa niya. Iiiwas sana niya ang paa niya ngunit agad itong nahawakan nang binata.
“Just sit still.” Wika nang binata saka tumingin sa kanya bago bumaling sa paa niya. Marahan nitong hinilot ang paa niya nang ilang minuto. He was gentle while he was holding her feet. Magaan din ang kamay nang binata. Wala siyang naramdamang sakit habang hinihilot nito ang paa niya.
Ilang sandali pa ay tumayo ang binata.
“I’ll be back. Kukuha lang ako nang ice pack.” Wika nang binata saka tumalikod sa dalaga saka lumabas nang silid nila. Ilang sandali pa nang bumalik ito ay mag dala na itong cold pack at inilapat sa paa nang dalaga.
“I’ll do it.” Wika nang dalaga saka hinawakan ang cold pack na inilagay nang binata sap aa niya.
BIgla namang napahawak ang dalaga sa braso nang binata nang muling kumulog at kumidlat gumuhit pa sa binata nila ang kidlat mula sa kalangitan. HInawakan ni Andrew ang kamay nang dalaga saka marahang tinanggal sa balikat niya.
“Hold this.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay nang dalaga sa cold pack at tumayo saka naglakad pantungo sa Terrace at isinara ang pinto at ang bintana maging ang kurtina.
“Is this okay?” Tanong nang binata.
“Sorry.” Apologetic na wika nang dalaga saka bahagyang tumingin sa binata.
“You don’t have to be sorry.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa pinto nang closet nila. “Tumawag ba sa iyo ang lolo Menandro mo?” Tanong ni Andrew sa dalaga nang makalabas ito mula sa closet nila. May dala itong pampalit nang damit saka naglakad patungo sa banyo.
“Hindi. Bakit?” tanong ni ANica saka tumingin sa binata.
“I think we have to visit him.” Wika nang binata saka pumasok sa banyo. Bigla namang napaisip ang dalaga. Nang dumating sila sa bansa sa mansion nang mga Bryant sila unang tumuloy at nanatili sila doon nang isang linggo.