Sir!” Sabay-sabay na wika nina Rafael at nag iba pang miyembro nang Task force Wolf saka sumaludo sa binata nang pumasok si Andrew sa hotel room kung saan sila naroon. nang pumasok si Andrew Nakita niya ang mga naka set up na Computer. Sa isang monitor nakikita niya ang isang lalaki na pamilyar sa kanya. Ito ang Lolo ni ANica na si Antonio De Luna na ngayon ay kilala sa pangalang Antonio Sutherland.
“Andrew. Alam ba nang asawa mo na iniimbestigahan mo ang lolo niya?” tanong ni Rafael sa kaibigan saka sinundan ito nang maglakad ito patungo sa monitor kung saan naroon si Joyril. Tatlong araw na nauna sa kanya ang mga tauhan niya sa lugar na iyon. Nakatanggap siya nang tawag mula sa presidente na nang rerequest ang UN nang special force para imbestigahan ang isang Mafia Group sa Italy at si Andrew ang napiling maging commanding officer nang surveillance team na iyon.
“She doesn’t have to know. Kakakilala lang niya sa lolo niya. She will be devastated if she found out about his dark works.” Wika ni Andrew.
“So you have come to care for her.” Wika ni Rafael.
“Don’t get it wrong. As a member of peacekeeping forces. Innocent civilian should not be dragged into this mess.” Wika ni Andrew.
“Yeah. If you say so.” Wika pa ni Rafael. “Anong plano mo ngayon?”
“Let’s continue to tail them. Make sure na hindi nila kayo mapapansin lalo nan ang kanang kamay ni Antonio De Luna. He is not just a simple lawyer.” Wika nang binata. “Other UN troopes are also tailing them let’s make sure we are discrete. We have to make sure we have enough evidence against him.”
**
Hijo. Kanina ka paba naghihintay?” tanong ni Don Antonio nang lumapit kay Andrew na nasa loob nang isang restaurant. Nang makita siya nang binata ay agad itong tumayo mula sa kinauupuan upang salubungin ang matanda. “Maupo ka. Pasensya na at medyo natagalan ako.” Wika nang matanda saka naupo sa isang bakanteng upuan sa harap ni Andrew.
“Pwede ka namang dumalaw sa mansion bakit kailangan pa nating magkita sa labas.” Wika nang matanda sa binata.
“I will go straight to the point. Hindi ako nakipagkita sa inyo bilang asawa nang apo niyo. Kundi bilang isang alagad nang batas.” Wika nang binata. Bigla namang napatingin ang matanda sa binata.
“So, you have already found out my real identity.” Wika nang matanda. “Anong plano mo ngayon? Sasabihin mo sa apo ko? Alam mo ba ang magiging epekto nito sa kanya? Kaya mo ba dinala dito ang apo ko?”
“Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanya. Hindi ako ganoong kalseng tao. Hindi rin involve si Anya sa kung ano man ang trabaho ko o ang ginagawa ko bilang alagad nang batas. Pero bilang asawa niya, Kinakausap kita ngayon para sabihing pag-isipan mong Mabuti ang mga ginagawa mo. Habang maaga pa, mas mabuting itigil mo na ito. Huwag mong saktan ang anak at apo mo.” Wika nang binata.
“You are really interesting. Kahit alam mong lolo ako nang asawa mo. Talagang ipapatupad mo ang batas.”
“Nakilala ako ni Anya nang ganito. Hindi ko babaguhin ang mga prinsipyo dahil lang sa nag-asawa ko. Alam ni Anya kung ano ako at ang mga prinsipyo ko.”
“Talagang hanga ako sa prinsipyo mo Hijo. Sana lang hindi dumating ang araw na ang prinsipyo mo ang maglagay s aiyo sa panganib maging ang buhay nang mga malalapit s aiyo. Ito lang din ang sasabihin. Mahalaga sa akin ang apo at anak ko. Ano man ang ginagawa ko ay walang kinalaman sa kanila. Gagawa ako nang paraan na hindi madamay ang anak at apo ko sa mga ginagawa ko.” Wika nang matanda.
“I appreciate your concern. Pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at ang organisasyon ko. Hindi ako tatagal nang ganito katagal kung hindi ko alam kung papaano patakbuhin ang Negosyo ko.” Wika nang matanda.
“Sa susunod na magkita tayo hindi na bilang asawa nang apo ninyo kundi isang autoridad na magpapatupad nang batas.” Wika nang binata.
**
Shin!” wika ni Anica nang dumating ang binata sa Hospital kasama si Rafael at ang iba pang miyembro nang Task force Wolf. Nasa labas sila nang operating room nang mama niya. Nang makita niya ang binata. Nang makita niya ang binata doon lang tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigil.
“An---” putol na wika nang binata nang makalapit sa dalaga. Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang niyakap nang dalaga sabay hikbi habang nakayakap sa kanya. Dahil sa nangyari, panandaliang nagulat si Andrew ngunit agad din namang nakabawi at niyakap din ang dalaga saka marahang tinapik ang likod nito at hinaplos ang buhok sa upang pakalmahin.
Kakagaling lang nina Andrew sa isang operasyon kasama ang ilang miyembro nang UN special forces upang pigilan ang isang malaking away sa pagitan nang dalawang malaking grupo nang mafia. Ang away na iyon ay sa pagitan nang Grupo ni Don Antonio at nang isa pang malaking mafia. At dahil sa away na iyon. Malubhang nasugatan si Don Antonio na ngayon ay nasa operating room. Habang ang Abogado naman nito ay hindi malaman kung nasaan na. marami ding mga tauhan nang Don ang nasugatan at namatay dahil sa nangyari.
Napatingin din si Andrew kay Alice na nakaupo at tila nakatingin sa kawalan.
“Are you okay now?” masuyong tanong nang binata kay Anica nang bahagya itong humiwalay sa kanya. Masuyo di niyang pinahid ang luha sa mga mata nito.
“Here. Maupo ka muna.” Wika ni Andrew saka inakay ang dalaga upang maupo. Masuyo nitong hinimas ang ulo ni Anica saka lumapit kay Alice.
“I’m sorry sa nangyari.” Wika ni Andrew kay Alice saka hinawakan ang kamay nito. Alam niyang may kasalanan din naman siya sa nangyari. Nahuli sila nang makarating sa lokasyon. Hindi nila agad nalaman na may alitan pala sa pagitan nang dalawang grupo. Naging focus sila pag-iimbestiga sa grupo ni Don Antonio.
“Wala ka namang kasalanan. Dati pa alam ko nang mangyayari na ito. Hindi ko akalaing their issues has escalated to this situation.” Wika naman ni Alice.
Ang dahilan kung bakit siya naglyas noon ay dahil sa uri nang trabaho nang ama niya. Naisip niyang ngayon na bumalik siya makukumbinsi niya ang ama niya na tigilan na ang ginagawa nito. Lalo pa at lumalaki na ang away nito sa kabilang grupo na ngayon nga naging isang Malaki nang gyera. Natatakot siya na mangyayari ang bagay na ito.
**
Kumusta na ang lolo ni Anica?” Tanong ni Rafael kay Andrew nang dumating ito sa hotel room kung saan naroon ang grupo niya. Nakita niyang abala ang mga ito sap ag-aayos nang mga gamit nila. Dahil tapos na ang kanilang trabaho doon kaya babalik na sa bansa ang miyembro nang task force nai turn over na rin niya ang mga paper works sa UN. Sila na ang bahalang mag follow dito lalo na sa paghahanap nang mga miyembro nang grupo nang kabilang Mafia at sa abogado ni Antonio.
“Sir!” wika nang mga tauhan niya at tumayo saka sumaludo sa kanya.
“Continue what you are doing.” Wika ni Andrew saka sumaludo sa mga ito. Saka naman muling bumalik sa ginagawa nila ang mga tauhan ni Andrew. Bumaling naman si Andrew sa kaibigan.
“Nasa ICU pa rin siya. Sabi nang mga doctor kailangang obserbahan sa loob nang 24 hours. May mga internal organ na na damage dahil sa mga tama nang bala. The next 24 hours will be critical for him.” Wika ni Andrew.
“Si Anica at ang Ina niya?”
“Nag check in sila sa isang Hotel. Hindi ko na muna pinabalik sa mansion dahil baka sumugod doon ang mga miyembro nang kabilang grupo.”
“I just hope they will be okay. Babalikan mo ba sila? Alam mo hindi mo naman kami kailangang samahan sa Airport. Kaya na naming ang sarili namin.”
“Alam ko naman yun. Nagpunta lang ako dito para ibigay sa ito ‘to” wika ni Andrew at ibinigay ang isang USB drive sa kaibigan agad namang tinanggap ni Rafael saka takang napatingin sa kaibigan.
“Mga files yan tungkol sa Grupo ni Antonio at sa nakalaban nila, gusto kong pag-aralan mo ang Files na iyan. Baka may makuha tayong lead tungkol sa nangyari.” Wika ni Andrew.
“May iba ka bang iniisip tungkol sa nangyari?” tanong ni Rafael.
“Hindi pa ako sigurado. But I want you to look into this file. Sabihin mo sa akin kung ano ang palagay mo. Sa ngayon hindi pa ako makakabalik dahil sasamahan ko pa si Anya dito.” Wika nang binata.
“Sige ako nang bahala dito. Yeah Mabuti pa ngag samahan mo dito ang asawa mo. Kailangan ka niya ngayon.” Wika pa ni Rafael. Simple namang tumango si Andrew at napatingin sa mga tauhan.
**
Nang pumasok si Andrew sa silid nil ani Anica sa hotel kung saan sila nanatili Nakita niya ang asawa niya na natutulog. Napatingin siya sa asawa habang tulog ito. Pansin na pansin niya ang pamumugto nang mata nito dahil sa kakaiyak.
“This brat.” Wika ni Andrew saka lumapit sa dalaga saka naupo sa kama at inayos ang kumot nang dalaga. Nang maayos ang kumot nang dalaga napatingin siya dito saka hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nang dalaga.
“You’ve been through a lot. I’m sorry kung hindi ko sinabi saiyo ang tungkol sa lolo mo at sa tunay niya pagkatao. I don’t want you to get her. But here you are, you get hurt because of what happen.” Wika nang binata saka hinaplos ang mukha nang dalaga.
“I am not sure if I am the right man to say this. But I will do everything to make sure that you will never be hurt again.” Wika nang binata. Tatayo na sana ang binata nang biglang hawakan nang dalaga ang braso niya. Dahil sa ginawa nang dalaga ay biglang nabuwal ang binata at napahiga sa tabi nang dalaga.
“When you tend to so clingy when you sleep. Clumsy girl.” Wika ni Andrew saka hinaplos ang mukha nang dalaga. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nang dalaga ngunit lalo namang humigpit ang hawak nang mga ito sa kanya. Dahil hindi naman binitiwan ni Anica walang ibang nagawa si Andrew kundi ang matulog sa tabi nito.
Mahinang napaungol si Anica sabay mulat nang mata. Napakurap-kurap siya nang makita ang mukha nang binata na malapit sa kanya. Napansin din niya ang pagkakayakap nito sa kanya at siya din ay nakayapos sa binata. Napakagat labi ang dalaga saka marahang tinanggal ang kamay nang binata na nakayapos sa kanya ngunit sa halip na matanggal niya ang kamay nang binata ay lalo lamang humigpit ang pagkakahawak yakap nito sa kanya.
“Shin.” Mahinang wika ni Anica saka tinapik ang braso nang binata. Ilang ulit niyang tinapik ang binata dahil natagalan bago ito magising.
“Shin.” Biglang tumaas ang boses ni Anica dahilan upang biglang magising si Andrew. Nang mapansin nang binata ang kanyang pagkakayakap sa dalaga. Agad naman siyang kumawala nang makita ang mukha nang dalaga. Agad ding naupo ang dalaga nang lumayo ang binata.
“I’m sorry.” Wika nang binata. Hindi naman kumibo si Anica bagkus ay napatingin lang sa binata. Ito ang pangalawang beses na nagising siya sa tabi nang binata. Hindi niya niya maintindihan kung anong nangyari at bakit magkatabi na sila.
**
Nakahinga nang maluwag ang pamilya ni Alice dahil nakaligtas sa critical na sitwasyon si Antonio. Dahil din sa nangyari kaya naman naging mahigpit ang siguredad sa hospital para sa pagbabantay sa matanda. Hanggang ngayon din wala pa ring balita kung saan naroon si Atty. Brambilla. Sinabi niya Andrew kay Alice na maging maingat sila lalo na at hindi nila alam kung nasaan ang binatang abogado at sinabi din niyang hindi maganda ang nararamdaman niya pagkawala nito.
“Mama sigurado ka bang okay ka lang dito? Ayaw mo bang samahan kita?” tanong ani Anica sa mama niya. Kahit nasa hospital pa ang lolo niya at sinabi nitong bumalik na sila ni Andrew sa bansa.
“Oo naman. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya naman akong ipagtanggol nang mga tauhan ni papa. Saka, nag-aaral ka pa. babalitaan nalang kita sa tungkol sa lolo mo. Huwag ka nang mag-aalala sa akin.” Wika ni Alice sa anak saka bumaling kay Andrew.
“Andrew. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Wika nito.
“Huwag kayong mag-alala. Kapag may nangyari tawaga niyo ako kaagad.” Wika nito kay Alice.
“Oo gagawin ko yan.” Wika ni Alice saka bumaling kay Anica. “Huwag mong masyadong bigyan nang problema si Andrew ha. Maging mabait ka sa biyanan mo at sa pamilya niya. Tawagan mo ako.” Wika ni Alice saka hinaplos ang pisngi nang anak. Tumango naman si Anica saka niyakap ang mama niya.
Ayaw sana niyang iwan ang mama niya lalo na at nasa hospital pa rin ang lolo niya at hindi nila alam kung anon ang mangyayari. Maging siya ay nabigla dahil sa nalamang totoong katauhan nang lolo niya. Lalo na dahil sa gulo nito sa ibang Mafia group na naging dahilan nang gulo at sa pagkaka ospital nito.
Kahit wala na sa panganib ang lolo niya hindi niya maiwasang hindi mag-alala dahil hindi pa nila alam kung nasaan ang leader nang kabilang grupo maging ang kanang kamay nang lolo niya ay hindi rin makita.
“Ikaw nang bahala sa anak ko.” Wika ni Alice sa binata. Tumango naman si Andrew. Pasimpleng nilingon ni Anica ang mama niya habang papasok sila sa boarding area ni Andrew. Mabigat sa loob na iwan niya ang mama niya ngunit kailangan din niyang bumalik dahil nag leave lang siya sa school nila at may trabaho din si Andrew.
**
Nang makabalik si Anica at Andrew sa bansa agad silang tumuloy sa mansion nang mga Bryant dahil sa request nang matandang si Don Edmund na manatili sila sa mansion nila nang isang linggo bago sila lumipat sa bahay ni Andrew sa Compound nang mga Military officers.
“Okay ka lang bang bumalik ka dito sa mansion?” Tanong ni Andrew nang bumaba sila sa kotse. Napansin niyang napatingin ang dalaga sa malaking bahay. Noong na engage sila dahil sa kasunduan ni Edmund at Menandro dito din tumira si Anica.
“Dito rin nakatira si Daniela habang naghihintay sila sa araw nang kasal nila.” Wika ni Andrew sa dalaga. Alam ni Anica na sa mansion nakatira lahat nang miyembro nang pamilya ni Edmund mula sa anak nito hanggang sa mga apo. Sa laki nang mansion kasya kahit ilang apo pa meron ang matanda. Sa pagkakaalam ni Anica, tanging si Andrew ang hindi tumitira sa mansion.
“Are you gonna be okay? Magkikita kayo ni Daniella halos araw-araw.” Wika ni Andrew sa dalaga.
“Isang linggo lang naman tayo dito. Hindi naman siguro kabawasan sa akin kung magkikita kami. Dati naman kaming nagkasama sa mansion ni Lolo Menandro.” Wika ni Anica. Tumango naman si Andrew at kinuha nag hawak namalita sa dalaga saka nagpatiuna. Tahimik namang sumunod ang dalaga sa asawa niya.
Nang pumasok sila sa pinto nang entrance nang mansion sabay pa silang nagulat nang nasa living room lahat nang miyembro nang pamilya kasama si Edmund na halatang naghihintay sa kanila.
“Welcome home Hija.” Wika nang matanda kay Anica saka lumapit dito at niyakap ang dalaga. SImpleng napangiti ang dalaga saka niyakap ang matanda. Alangan naman siyang napatingin sa mga kapatid ni Andrew at sa anak nang mga ito. Naroon din si Zane at Daniella na tila hindi gusto ang makita siyang naroon.
“TIyak na napagod kayo sa biyahe. Ipinahanda ko na ang silid ni Andrew. Naghanda rin kami nang salo-salo para sa pagdating nang bagong miyembro nang pamilya.” Wika nang matanda. Tumango lang si Anica. Tila hindi siya masasanay sa ipinapakitang lambing sa kanya nang matanda. Nahihiya tuloy siya kay Daniella.
“Masyado niyo namang ipinapakita na giliw na giliw kayo sa asawa ni Andrew.” Wika ni Francis. “Akala ko naman kung ano ang pinaghandaan niyo. Kinailangan mo pang ipa cancel lahat nang mga meetings namin dahil dito.”
“Ano ka ba naman, Hindi naman ibang tao si Anica, SIya ang asawa nang Kapatid niyo. Ganoon din naman ang gagawin ko kung magpapakasal ang mga apo ko.” Wika nang matanda.
“Salamat po sa pangtanggap niyo sa ‘kin.” Wika ni Anica sa matanda.
“Siyempre naman. Matagal ko nang gustong makitang magkaroon nang asawa itong si Shin. Masaya akong sa huli ay kayo din ang nagkatuluyan. Sa totoo lang nalungkot ako noong, hindi natuloy ang kasunduan namin ni Menandro at natigil ang pagpapakasal ninyo. Mabuti na lamang at kayo pala ay para sa isa’t-isa at hindi na kailangan nang kasunduan upang magpakasal kayo. Masaya akong maging miyembro ka nang pamilya.” Wika nang matanda. Simpleng ngiti lang ang tinugon ni Anica.
**
Sorry, hindi kita masasamahan dito. I had an urgent call.” Wika ni Andrew kay Anica nang inihatid siya nang dalaga sa labas nang mansion. Bigla kasi siyang nakatanggap nang tawag mula sa General nang armed forces at pinagre-report siya sa kampo. Sinabi nitong may urgent silang kailangang gawin.
“Wala naman akong magagawa. Eh trabaho naman ang pupuntahan mo. Kahit pigilan kita hindi ka rin naman papipigil.” Wika nang dalaga.
“Good thing that you know. Are you gonna be okay?” tanong nang binata.
“Oo naman.” Ngumiting wika ang dalaga.
“Don’t act so tough, clumsy girl.” Wika ni Andrew saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga at kinusot iyon. Napalabi naman ang dalaga saka pasimpleng tinanggal ang kamay nang binata sa ulo niya.
“Pwede ba, bakit ba ang hilig mong gusutin ang buhok ko. At isa pa, kung ano-anong tawag mo sa ‘kin. Minsan kinikilabutan ako saiyo. Hindi ko alam kung ikaw pa ba yung kilala kong demon General.”
“This is still me. I only do this things to a clumsy girl.” Wika nang binata.
“Sige na umalis ka na baka hinihintay ka na ni General.” Wika nang dalaga sa binata. “Mag--- Mag-iingat ka.” Wika nang dalaga saka ibinaba ang tingin. He smirk at simple kinusot ang buhok ni Anica saka umalis.
Inihatid nang tingin Anica ang sasakyan nang binata. Nang makalayo ang sasakyan nang binata napatingin siya sa mansion saka napabuntong hininga. “Paano naman ako haharap sa pamilya niya. Mukha namang hindi ako gusto nang mga kapatid niya. Maliban nalang kay Don Edmund. Wala na atang ibang tumatanggap sa akin dito.” Wika nang dalaga saka napabuntong hininga.
“Buti naman alam mong hindi ka tanggap dito.” Wika ni Daniella na bigla na lamang lumapit sa kanya. Nakita din nito nang magpaalam si Andrew sa dalaga. Hindi nito nagustuhan ang pagiging malambing nang binata kay Anica.
“Daniella.” Mahinang wika nang dalaga. Just my luck. Ngayon kailangan ko ring makisama sa kanya dahil sa iisang bahay kami titira. Wika nang isip nang dalaga.
“Mukhang naging malapit kayo ni Andrew sa halos isang buwan niyong honey moon. Ang swerte mo naman dahil si Lolo Menandro at Edmund ay tila giliw na giliw sa iyo. Tuwang tuwa ka naman dahil sa pagtingin nila.” Naiinis na wika ni Daniella.
“Hindi ko naman hiniling na bigyan nila ako nang pansin.”
“Don’t act like an Hypocrite!”
“Hindi ko gustong makipag-away saiyo.” Wika ni Anica saka nilampasan ang Kapatid. Ngunit bigla siya nitong pinigilan.
“Hindi pa ako tapos makipag-usap saiyo.” Wika ni Daniella saka hinahawakan ang buhok ni Anica. Dahil sa ginawa nang kapatid. Naging mabilis ang reflex nang dalaga saka umikot at itinulak si Daniella dahil sa ginawa niya. Bumagsak sa damuhan ang dalaga na siyang inabutan ni Zane, at nang iba pang miyembro nang pamilya.
“Daniella!” gimbal na wika ni Zane saka nilapitan ang Fiancee at tinulungang tumayo.
“Ano naman ang ginagawa niyong dalawa?” asik ni Michelle ang asawa ni Luke na Ina at ama ni Zane. Napatingin naman si Michelle sa dalagang si Anica. “Kabago-bago mo dito gumagawa ka nan ang eksena. Alam kung hindi kayo magkasundo ngunit huwag niyong dalhin sa bahay na ito ang pagiging wala niyong Delekadesa.” Asik ni Michelle.
“Tita Michelle. Pasensya na. Gusto ko lang naman sanang kumustahin si Anica. Pero bigla niya akong itinulak.” Umiiyak na wika ni Daniella saka yumakap kay Zane. Napaawang naman ang labi ni Anica sa Narinig.
Pwede kang artista. Wika nang isip ni Anica.
“Ngayon natin makikita ang tunay niyang ugali.” Wika ni Paula. Ang bunsong anak ni Francis at Aurora.
“Ano ba naman kayo. Para tayong hindi pamilya dito.” Wika nang matanda na pumagitna na sa kanila. “HIja. Tayo na sa loob. Alam kong napagod ka. Magpahinga ka nalang muna.” Wika ni Edmund saka inakay si Anica papasok sa mansion. Ang iba naman ay inis na napatingin sa dalaga dahil sa trato nang matanda sa kanya. Kahit sa ibang manugang nito o apo ay hindi ganoon ang trato nang matanda.
“Talagang ipinapakita ni Papa kung sino sa mga anak niya ang kinikilingan niya. Maging sa manugang niya.” Wika ni Aurora ang Asawa ni Francis.
“Are you okay?” Tanong ni Zane sa fiancée.
“Yeah.” Mahinang wika ni Daniella ngunit sa loob niya ay labis ang poot nanararamdaman niya para sa kapatid.