CHAPTER EIGHT
✧FAITH ZEICAN LEE✧
MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Chloe sa pamilya ko habang nasa living room kami rito sa bahay. Matapos kasi ang dinner date namin ay naisipan naming pumasyal dito dahil sa request ni Mommy noong nakaraan na dalhin ko rito si Chloe. When I mentioned it to Chloe, she had no objections; instead, she was delighted.
Mag-iisang oras na rito si Chloe at puro si mommy ang kakuwentuhan niya. Katabi ni mom si dad, pero madalang itong kumibo dahil tulad namin ay hindi kami maka-relate sa usapan nilang puro pampaganda. Chloe will be launching a new cosmetics product in the coming months. It's her own business, and I feel quite proud that her name will be featured on the products. She plans to call it CHLOE'S.
"Sana next time ma-meet din namin si Poppy." Natahimik kaming lahat sa biglang sinabi ni Hope na 'yon. Magkakatabi sila nila Love at Summer, pero tulad ni daddy ay madalang silang kumibo simula pa kanina dahil hindi rin sila maka-relate sa usapan.
Saglit akong binalingan ni Chloe, halatang nagtataka siya kung bakit alam ni Hope ang tungkol kay Poppy, ngunit agad din naman niya akong nginitian bago niya ibalik ang tingin kay Hope. "Hayaan mo. Next time, isasama ko s'ya rito," she said, smiling.
"Ayos!" Hope responded happily, even clapping his hands in excitement. Pero bigla rin sumeryoso ang mukha niya na tila biglang may naalala. Kay Chloe pa rin siya nakatingin when he asked, "Bakit nga pala hindi alam ng mga tao ang tungkol sa kapatid mo? In the magazine I read about the Herald Family, only you were mentioned as their child. The heiress. Why isn't Poppy known to the public?"
Sh*t. Bakit ngayon n'ya pa kailangan pairalin ang pagkatsismoso n'ya?
"Oo nga, Ate Chloe," Summer agreed, napatango pa ito. "At saka noong engagement party n'yo ni Kuya Faith, hindi man lang namin na-meet si Poppy."
Chloe's chuckled a bit, but I can feel her body tensing. "Ganito kasi 'yon. Gusto naman talaga naming ipakilala sa public si Poppy. Kaya lang, s'ya na mismo ang tumatanggi dahil sobra s'yang mahiyain. Hindi s'ya sanay ma-exposed sa maraming tao. Ayaw n'ya nang nakikipag-socialize. Simula bata s'ya, gano'n na s'ya. Sa tuwing lalabas kaming pamilya noon, ayaw n'yang sumama. Gusto n'ya nasa bahay lang s'ya. May isang pagkakataon namang napapayag namin s'ya, pero ang problema, humiwalay s'ya sa 'min hanggang sa nahirapan kaming hanapin s'ya. We searched for her for four hours. We were frantic, especially since she was only five years old and couldn't speak. Eventually, we found her at the police station, where she had been taken by the person who found her."
"Five years old but couldn't speak?" kunot-noong tanong ni daddy.
Tumango si Chloe. "Yes, Tito. Kung hindi ako nagkakamali, seven years old si Poppy noong nagsalita s'ya. Pero hindi rin maayos. Lagi s'yang pautal-utal."
"Bakit? May sakit ba s'ya?" usisa ni Love. Ang kapatid kong medical scientist.
Chloe's head tilted slightly, as if she were thinking. "From what I remember, Mommy said Poppy was diagnosed with epilepsy when she was just two years old. She had to take medication until she was twelve. At dahil matagal s'yang nag-take ng gamot, naging mabagal ang brain development n'ya. She became slow."
"Natural na magiging slow s'ya kung sampong taon naluto ang utak n'ya sa gamot," komento ni Love. Kay Love na kami ngayon nakatingin, habang kay Chloe siya nakabaling. "At 'yong sinasabi mong she became slow, natural na epekto 'yon ng gamot. Epilepsy medication impacts the brain. Due to this medication, her brain development was significantly restrained, especially since she began treatment at such a young age—just two years old. 'Yong pagiging slow n'ya, hindi n'ya 'yon ginusto o pinili. Parang ganito lang 'yan, for example, a ten-year-old epileptic patient on maintenance medication wouldn't have the same cognitive abilities as a typical ten-year-old. Their cognitive abilities would resemble those of a four-year-old. That's the medication's effect."
Tumango si Chloe. "Tama. 'Yon din ang napansin ko kay Poppy noon. Noong eight years old na s'ya, hindi s'ya kumikilos nang tama base sa edad n'ya. 'Yong isip n'ya, parang pang three years old lang. At 'yon ang isa sa dahilan kaya nag-decide sina Mom at Dad na 'wag i-exposed si Poppy sa publiko. Dahil natatakot silang may mangyaring masama kay Poppy dahil nga may pagka-isip bata s'ya."
"How was she now?" Si Love pa rin. "Ang sabi mo twelve s'ya tumigil sa medication n'ya? At seventeen na s'ya ngayon. Gano'n pa rin ba ang takbo ng isip n'ya? Isip-bata pa rin?"
Napabuntong-hininga si Chloe. "Minsan, oo. Minsan, hindi. Kahit papaano naman mas okay na s'ya ngayon kumpara sa dati. Simula noong nag-stop na s'ya sa gamot n'ya, nakitaan na namin s'ya ng development."
Bahagyang yumuko si Love, ipinatong niya ang forearms niya sa ibabaw ng tuhod niya habang magkahawak ang mga kamay. "You need to expose her to others. Keeping her confined at home won't help. It's crucial for her to socialize with people if you want her to progress. Ideally, she should interact with people around her age, so she can observe and learn how a seventeen-year-old should behave."
"I . . ." Saglit natahimik si Chloe. "H-Hindi ko alam kung papayag sina Mom at Dad sa ideyang 'yan."
"Papayag siguro sila kung tutulungan mo rin ang kapatid mo." Si Love ulit. "Ang pinag-aalala lang naman kamo nila ay 'yong mapahamak si Poppy, 'di ba? Hindi naman s'ya mapapahamak kung sasamahan mo. Alam kong busy ka, Chloe. Pero 'yong isang araw sa weekend mo, kung ilalaan mo sa kapatid mo para tulungan s'ya, hindi 'yon masama."
"Oo nga," Hope agreed. "Dalhin mo s'ya rito. Ako na bahala sa kan'ya. I can be a seventeen-year-old again for your sister," natatawang sabi ni Hope.
Napairap naman sa kaniya si Summer. "Seventeen? Asa. Para ka nga lang thirteen kung mag-isip, eh. Mas okay pa na si Meng na lang ang maka-bonding n'ya, at least hindi sila nagkakalayo ng edad. One year age gap lang."
"Chloe," malumanay na tawag ni Mommy rito. "Pasensya ka na sa mga anak ko. Hayaan mo sila. 'Wag mo silang pakinggan. Kung ayaw ng parents mo na palabasin si Poppy, that's okay. Hindi mo kailangan ma-pressure sa sinabi ni Love, okay?"
I turned to Chloe and noticed she seemed tense. I took her hand and gently squeezed it to help soothe her. Bumaling siya sa 'kin at nginitian ko siya. She let out a deep breath bago niya ibalik ang tingin kay Mommy, kasunod ang pagngiti niya.
"It's okay, Tita Keycee. I'll bring Poppy here over the weekend when I'm not busy, so you can also get to know her."
"Oh, yeah! Maghahanda na 'ko ng intermission number ko! Sasayaw ako ng," tumayo si Hope at biglang kumanta habang sumasayaw, "Mahiwagang salamin, ano ba'ng dapat gawin? Bakit ang puso'y nabibitin? Salamin, salamin, salamin sa takdang panahon. Kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon~"
Napahagalpak ng tawa si Summer, pati rin si Mommy. Si daddy rin ay nagpipigil ng tawa. "Parang tanga ka na naman, Kuya Hope," natatawa pa ring sabi ni Summer. "Mali 'yong lyrics mo!"
"Mali ba? Bakit, ano ba'ng tama?" patay-malisyang tanong ni Hope. Sinulyapan ko si Chloe at bahagya akong napangiti nang makita kong okay na siya. Nalibang na siya sa kalokohan ni Hope.
"Manang-mana ka talaga sa Tito Ryan mo," naiiling na sabi ni Daddy. "Gan'yan na gan'yan s'ya noong minsang hinarana ko noon ang mommy n'yo. Nagpresinta pang s'ya ang mag-gi-gitara at ako ang kakanta. No'ng kumakanta na 'ko ng kanta ni Moira, dinugtungan n'ya ng kanta ni Jolina Magdangal."
"Oo, hubby, naalala ko 'yon. 'Yong lyrics mo, 'at ngayon nand'yan ka na,' tapos dinugtungan ni Ryan ng, 'umiyak man ako, hindi ko ito ikakahiya.'" Natawa pa si Mommy sa pagkanta niya.
Habang nagkakasiyahan sila sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, inilapit naman ni Chloe ang mukha niya sa tainga ko at bumulong na kailangan na raw niyang umuwi. Kaya saglit kong inagaw ang atensyon nila mommy at daddy para ipagpaalam si Chloe. Pumayag naman sila dahil pasado alas nuebe na rin ng gabi.
Dahil sinundo ko siya kanina sa kanila at wala siyang dalang sasakyan, kinakailangan ko ulit siyang ihatid. Tahimik kami habang nasa sasakyan lang, hindi siya kumikibo at tila malalim ang iniisip. Ang tanging naririnig ko sa kaniya ay ang pagbuntong-hininga niya at ang bahagyag pagkulog sa labas dahil madilim ang langit at parang anumang oras ay bubuhos na ang ulan.
"Babe?" I gently called out to her. "Is there a problem?"
Napabuntong-hininga ulit siya. "I'm just thinking about Poppy's possible reaction when I invite her to go out and visit your place. She probably won't like it, pero gusto kong pagbigyan ang parents mo para makilala s'ya. Mukhang okay rin ang ideya ni Love for her to go out once in a while."
Saglit ko siyang sinulyapan at nakita kong bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Kung ayaw talaga n'ya, 'wag mo s'yang pipilitin. Baka hindi lang kayo magkasundo. P'wede naman sina Mom na lang ang bumisita sa inyo para makilala nila si Poppy."
Muli siyang bumuntong-hininga at hindi na kumibo pa hanggang sa makarating kami sa mansyon nila. Hindi na sana ako bababa para makauwi na dahil mukhang bubuhos na ang ulan, pero sinabihan niya ako na pumasok muna sa loob para makapag-hi man lang sa parents niya dahil hindi ko ito na-meet kanina nang sunduin ko siya. Nasa company pa kasi sila kanina kaya hindi kami nag-abot.
Ang problema, pagpasok namin sa loob ng mansyon nila, habang kaharap ko na ang parents ni Chloe sa living room at nagkukumustahan kami, doon na bumuhos ang malakas na ulan at napansin din 'yon ni Chloe mula sa salaming wall nila sa living room.
"Naku, Faith, ang lakas ng ulan. Madulas ang daan. Magpatila ka muna rito," suhestyon ni Mrs. Herald, na agad namang dinugtungan ng asawa niya.
"Kung hindi agad titila ang ulan, you can spend the night here."