CHAPTER SEVEN
✧FAITH ZEICAN LEE✧
TULAD ko ay twenty-four na rin si Hope at Love, pero daig pa nila si Summer kung maghanap ng pasalubong sa tuwing manggagaling ako sa isang business trip. Tulad ngayon, kararating ko lang galing sa New Jersey, pero kinakalkal na ni Hope ang suitcase kong nasa paanan ng kama. Nakaupo rin si Love sa tabi niya at nakikisali na rin sa paghahalungkat sa suitcase ko.
Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon sa phone ko. Hinanap ko agad ang contact number ni Chloe para matawagan ko siya. Three days akong nanatili sa New Jersey for business purposes at masyado akong naging busy kaya naman hindi kami nagkausap. Gayon pa man, nangako naman ako sa kaniya na paglalaanan ko siya ng oras once na makabalik ako sa bansa.
"Hello?" I spoke first nang sagutin niya ang tawag ko.
"Babe! Oh my gosh! Nakabalik ka na?" I couldn't see her, but I could imagine her jumping for joy; it was evident in her voice.
I smiled at the thought. "Yes. One hour ago. Are you free tonight? I'm planning to take you out for dinner."
"Sure! Wala na akong masyadong gagawin mamaya. At kahit mayroon, basta ikaw, willing akong i-clear ang schedule ko." She giggled.
Hindi na kami masyadong nagtagal sa pag-uusap dahil kailangan ko pang magbihis. Sinabi kong susunduin ko na lang siya mamayang 7 p.m sa kanila. Noong naibalik ko na sa bulsa ko ang phone ko, muli kong hinarap si Hope at Love. May hawak silang tigdalawang T-shirt na binili ko sa New Jersey. Well, para sa kanila talaga 'yon. Base sa kulay, alam na nila kung alin ang sa kanila. While at black kay Love. Red at green naman kay Hope. Hope loves color red dahil masaya raw tingnan ang kulay no'n. Habang ako, sa tanda kong 'to, hindi ko pa masabi kung ano talaga ang paborito kong kulay.
Hinayaan ko muna silang magkalkal doon sa suitcase ko. Lumipat ako sa cabinet ko para kumuha ng pamalit na damit. Ilang sandali pa, pumasok na rin si Summer sa kuwarto ko.
"Pasalubong ko, nasaan?" Lumapit din siya sa dalawa at nakikalkal na. "Akin na 'yan, Hope. Siguradong para sa 'kin 'yan."
Nilingon ko sila matapos kong isuot ang T-shirt ko para alamin kung alin 'yong inaangkin ni Summer. Nang makita kong hawak niya ang pamilyar na pink na leather box, agad akong humakbang palapit at kinuha 'yon sa kaniya. "No. This isn't for you, Summer."
Nagtataka niya akong tiningnan. "Bakit hindi? Alangan naman kay Hope 'yan? Babae ba si Hope?" Silence. "Kay Chloe?" Silence. Napairap siya. "Kuya Faith, masyado nang matanda si Ate Chloe para sa mga 'yan! Ibigay mo na lang sa 'kin."
Bumuntong-hininga ako at umiling. "Masyado ka na rin matanda para dito, Summer." Tinalikuran ko sila at itinago sa cabinet ko 'yong leather box na kulay pink. 'Tsaka ko sila muling nilapitan, habang pinagmamasdan nila ako. "Mayro'n akong binili para sa 'yo. 'Yong request mong ipad case at phone case." Agad ko 'yon nakita kaya dinampot ko at siyang inabot sa kaniya. "Here."
Tinanggap niya 'yon, pero pinukol niya ako nang may pagdududang tingin habang nakangisi. "Kanino 'yong pink na box?" she asked teasingly.
"Oo nga." Si Love. "Kung hindi 'yon para kay Chloe, kanino 'yon?"
Hope suddenly clapped his hand that had us startled. "Kay bunsoy!" malakas niyang sabi.
"Kay Poppy?" Kumunot ang noo ni Love.
Yes. Naikuwento ko sa kanila si Poppy last week matapos kong manggaling sa mansyon nila Chloe. Sinabi kong si Poppy ang younger sister ni Chloe. Though hindi pa nila ito name-meet, pero bunsoy na ang tawag ni Hope dito nang malaman nilang seventeen pa lang si Poppy.
Tumango ako sa kanila. "Oo. Para kay Poppy 'yon."
"Mayro'n si Poppy, pero si Chloe, wala?" takang tanong ni Love.
I sighed again. "Sino nagsabing wala? Fiancée ko pa ba ang mawawalan?" I rummaged through the contents of my suitcase, which was almost a mess because of them. I looked for the gift for Chloe. It was perfume because I knew she loved fragrances. "Here." Pinakita ko 'yon sa kanila. Dalawa 'yon dahil para kay Mommy 'yong isa.
-ˋˏ✄┈┈┈┈
Bago pa mag-alas siete ay dumating na ako sa mansyon nila Chloe. Bumukas ang malaki at mataas nilang gate kaya ipinasok ko ang sasakyan ko roon at ipinarada muna sa driveway, malapit doon sa ilang baitang ng hagdang patugon sa main door nila.
Pagbaba ko sa sasakyan ko, may sumalubong agad sa 'kin na isang maid. Nag-offer siya ng tulong para siya na ang magbitbit ng paper bag na hawak ko, pero tumanggi ako, tutal ay maliit lang naman ang dalawang paper bag na hawak ko. Sa isa ay nakalagay ang pabango ni Chloe, at sa isa naman ay 'yong pasalubong ko kay Poppy. Set ng mga pearl na hairclip ang pasalubong ko kay Poppy at iba-iba ang design niyon. Nakalagay sa isang sosyal na pink leather box dahil hindi rin biro ang halaga.
I'm not sure why I bought it for her. I just stopped when I saw it in a mall in New Jersey. As I looked at it, I thought of Poppy and remembered our first meeting at a party where her hair was a bit messy, clearly uncombed and tied up haphazardly.
"Hi, babe." Nabaling ang tingin ko kay Chloe nang marinig ko siya. Nasa maluwang nila akong living room at palapit na siya sa 'kin, nakabihis na. Nasuot siya ng kulay white na bodycon dress. Paglapit niya, agad siyang yumakap sa tiyan ko at mabilis na tumingkad para humalik sa labi ko. Saglit akong natigilan dahil hindi ko 'yon inaasahan. Nasanay ako na sa pisngi ko siya palagi humahalik sa tuwing magkikita kami.
Suddenly feeling shy, I took a deep breath before speaking to her. "Uh, hi." Ngumiti ako, 'tsaka ko inabot sa kaniya 'yong isang paper bag na may perfume. "This is for you."
Agad niya 'yon binuklat. Malapad ang ngiti niya nang makita niya ang laman. Binuksan niya 'yon at nag-spray pa sa tapat ng pulso niya para amoyin. "Oh my gosh. This smells so good, babe. Thank you."
I nodded at her. "Where's your sister? I also have something for her."
Saglit siyang natigilan at nagbaba ng tingin sa isa pang paper bag na hawak ko bago siya muling ngumiti. "Poppy? Sandali, tatawagin ko lang s'ya." She turned her back on me and walked away. I thought she was going to head upstairs, but instead, she went to the door that led to the back of their house.
Muli akong naupo sa sofa habang naghihintay sa kanila. Ilang sandali pa, bumalik na si Chloe na kasama ang kapatid niyang si Poppy. Gaya pa rin noong una, nakakapit pa rin si Poppy sa isang braso niya na tila hiyang-hiya.
"Poppy, ang Kuya Faith mo." Nakalapit na sila sa 'kin kaya tumayo na ako. "Mag-hi ka. Hinahanap ka n'ya."
Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa 'kin si Poppy. "H-Hi."
Hindi ko na inabot ang kamay ko dahil baka magmano lang ulit siya sa 'kin. That's awkward. Ang inabot ko sa kaniya ay 'yong dala kong paper bag kung saan nakalagay ang leather na pink box. "This is for you, Poppy."
Nagbaba siya ng tingin doon. Tinitigan niya 'yon 'tsaka niya sinulyapan ang ate niya. Chloe smiled and nodded at her. "Kuhanin mo na. Para sa 'yo raw 'yan."
'Tsaka pa lang niya tinanggap ang paper bag na inaabot ko. "Salamat," she said, her voice almost above a whisper.
"Mahiyain ako, Poppy, pero parang mas mahiyain ka pa sa 'kin. Dapat siguro ma-meet mo 'yong isa sa mga kapatid ko. Si Hope. Kaya ka n'yang i-seminar dahil walang hiya 'yon," I joked. Pero kaming dalawa lang ni Chloe ang bahagyang natawa.
"I would love that. Kaso, hindi sanay si Poppy na lumalabas. Kung mahiyain s'ya rito sa bahay, mas mahiyain s'ya sa labas, babe."
Binalingan ko ulit si Poppy matapos ang sinabi ni Chloe. "Gusto mo bang sumama sa 'min ng ate mo? We're going out for din-"
"Babe," Chloe interrupted me. Bahagyang nakakunot ang noo niya, malinaw na hindi niya gusto ang ideya ko. "It's our date."
"Ayoko," mahinang sagot ni Poppy. Nabaling ang tingin namin sa kaniya. "Ayokong lumabas. S-Salamat dito." Bahagya niyang inangat ang paper bag na binigay ko sa kaniya. She turned to Chloe. "Ate, babalik na 'ko." Nang tumango si Chloe, humakbang na siya palayo. Doon siya tumungo sa pinto kung saan lumabas si Chloe kanina.
Saan s'ya babalik? At bakit sa labas s'ya papunta?