Kung kaninang papunta ako rito ay over confident ako, ngayong kaharap ko na si Clem na tutok na tutok ang mga mata sa mga maleta na nasa papaan ko ay tila pinapangapusan na ako ng hininga. "Clem," mahinang tawag ko sa kanya dahil kanina pa kami sa ganitong sitwasyon at kanina pa kami pinapanuod ng mga 7 Demons members na napapaligiran kami. Nang marinig naman niya ang pagtawag ko sa kanya ay bumitaw na siya sa pakikipagtitigan sa mga maleta ko at tumingin na sa akin. "When you said you're coming to live with me, I thought you were just joking," walang ngiti niyang saad na lalong nagpababa sa confidence level ko. "And now you know that I am serious, hehe," pilit kong tawa ngunit wala man lang ngiting puminta sa mga labi niya. Mas lalo pa ngang nagdikit ang mga kilay niya, eh. "Clem, ay