"Mukhang kakaiba ang sigla mo, ha?" Ngumiti ako kay direk. Kahit halos sampung oras na ang ginugol namin sa shooting ngunit tila hindi pa rin ako nakadarama ng pagod. I am soooo inspired. "Of course, Direk. Last day ng shooting na natin, 'di ba? So dapat sulitin na natin dahil pagpo-promote na ang susunod nating aasikasuhin! Right, Direk?" Masiglang tanong ko sa kanya. Tila nakaka-witness pa rin siya ng himala sa klase ng mga tingin na ibinabato niya sa akin. "Sana ay parati kang ganyan, Ruth, para naman hindi ako laging naha-high blood sa'yo sa tuwing lunilipad iyang utak mo sa oras ng shoot natin." Natawa ako sa sinabi niya. Naaalala ko kasing talagang naging pabigat ako sa pelikulang ito dahil nga sa pinagdaanan ko kay Clem. But now that we're okay, lahat na rin sa akin ay okay pa