Brittany
*
*
" Gagawin kitang alipin ko, Akin kalang Brittany." Hingal na sambit ni Franco namumula ang mukha ko magkahalo ang hiya at galit ko. Ito ang unang pagkakataon na may putanginang humalik saakin ng lips to lips
Tinuhod ko ang gago humiyaw siya sa sakit tinulak ko siya at ubod ng lakas na sinipa bumagsak siya sa sahig naupo ako sa tummy niya pinag susuntok ko si Franco sa mukha
" Tangna ka! Pangahas kang hayop ka! Wala kang utang na loob gusto mo pa ako gahasain! Aba papatayin kitang hayop ka. Walang kang karapatan gawin akong alipin. Mamatay muna ako bago ko makuha ang p********e ko." Galit na galit na sigaw ko
" Ouch! Arayyyy.". Daing ni Franco bumukas ang pinto may sumalo sa kamay ko
" Boss! kalma." Awat ni JJ
Sapilitan ako pinatayo ni JJ niyakap ako para kumalma namumula naman ang mukha ni Franco alam ko magkakapasa siya.
" Tangna ka! Kung hindi mo ako hihiwalayan gagawin kong impyerno ang putanginang buhay mo." Galit na sigaw ko
" I'm your husband." galit na bulyaw ni Franco
" Sa papel lang ang kasal na yan! Wala tayong romantic na relasyon. Wala kang karapatan halikan ako. At sa oras na tangkain mo ulit na halikan ako papatayin na kita. Tangna ka! " Nagpupuyos sa galit na sigaw ko
" Boss kalma! Ano ka ba naman! Papatayin mo ba Asawa mo? Uminum ka tubig." Pagpapakalma saakin ni River inabot saakin ang baso na may laman baso
Pinunasan ni Franco ang dugo sa kanyang labi. Naglakad palabas ng pinto
" Hahaha! Malas naman ang Asawa mo. " Natatawa na wika ni Blazh
" Hinding-hindi ako papasakop sa isang lalaki. Kaya ko mabuhay na walang lalaki sa buhay ko. Tangna! Tinulongan ko lang siya tapos makaasta kala mo pag-aari na ako." Galit parin na wika ko
" Mabuti pa matulog kana." Naiiling na wika ni Blazh lumabas sila ng Kwarto
" Bantayan nyo ang hinayupak na yon! Mamaya may pumasok na naman na papatay sa tarantado na yon." Galit na utos ko
" Kunwari kapa boss. " Panunukso ni JJ
Naiwan ako sa kwarto mag-isa. Tinawagan ko si Lex nagsumbong ako pero pinagtawanan lang ako ng gago.
" Siguro kaya nagwawala ka sa galit dahil bitin ka. Aminin." pagbibiro ng gago
" Iwan! Wala kang Kwenta kausap makatulog na nga." Inis na tugon ko
Nahiga ako naiinis ako umiinit ang Ulo ko sa nangyari.
Napahawak ako sa labi ko bigla ako sumigaw naalala ko kung paano siya humalik nakakadiri.
Kinabukasan
Nakatulala ako habang nakatanaw kay Franco naglalakad siya paikot sa swimming pool wala siyang damit pang itaas nakasuot lang siya ng shorts iniisip ko kung paano ko siya babalatan ng buhay.
Bigla siya tumingala kunindat saakin nanlaki ang mga mata ko nagpupuyos ako sa galit.
" Wife! Nagkamali ka ng pinikot. Hinding-hindi kita hihiwalayan bubuntisin kita taon-taon para wala kang oras lumayas." pasigaw na wika ni Franco nakarinig ako ng tawanan ng mga kasama ko sa bahay
" Taon-taon? Taon-taon ba ang sinabi niya? Nooooooo! Hindi ako papayag, Magtatapos pa ako sa pag-aaral ko! Babalik pa nga ako s----
Hindi ko natapos ang sasabihin ko biglang bumukas ng pinto niluwa ng pinto si Franco nakangisi na naglakad palapit saakin napaatras ako Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Nagpakawala ako ng magkasunod na sipa pero nasalo niya ang paa ko nanlalaki ang mga mata ko hinalikan niya ang binti ko paakyat sa hita. Nanlalaki ang mga mata ko nakatitig lang ako hindi ako makakilos.
" Aaaaah...." Malakas na sigaw ko binawi ko ang paa ko tumawa si Franco nakanganga ako
" Tarantado ka." Sambit ko
" Ano inlove kanaba saakin? Hindi mo ako pwede hiwalayan, Hinding-hindi kita papakawalan, Batang-bata fresh, Mabango. " Nakangisi na wika niya
Nawala ang kaba na nararamdaman ko napalitan ng galit.
Walang pag-aalinlangan na sinugod ko siya nagpang buno kami sa kwarto walang humpay ang pagsuntok at sipa na pinakawalan ko, Hanggang sa bumagsak sya
" Naghihiganti kaba dahil sa pinakasalan kita? Nagagalit kaba saakin dahil sa niligtas ko ang buhay mo? Hindi ko pinagsisihan na pinikot kita. Dahil naligtas ko ang buhay mo, Simula ngayon ituturin kitang kalaban ko. Lumayas ka sa pamamahay ko." Walang Emosyon na wika ko
Lumapit ako sa cabinet kinuha ko ang divorce papers. Hinagis ko kay Franco na nakaupo sa sahig
Pinagpira-piraso niya ang divorce papers
Tumingin siya saakin ngumisi siya ng nakakaloko
" Nagkakamali ka! Pinikot mo ako kaya papahirapan kita. Dahil sayo kaya humiwalay kami ng long-time girlfriend ko." galit na wika niya
" Patawarin mo ako dahil sa niligtas ko ang buhay mo. Sa sobrang paghanga ko sayo. Sa walang Kwentang pangarap ko na makalaban ka sa deadly race. " Halos pabulong na sambit ko
Dinampot ko ang susi ng Ducati bike. Hindi ko alintana kung naka terno pajama lang ako. Wala akong suot na helmet nagmaniho ako palabas ng Private subdivision na tinitirhan ko.
" Ito ang pagkakamali ko. Bakit kasi obsessed ako sa Number 28 na yon! Gustong-gusto ko siya makalaban. Bakit nga ba gusto ko siya makalaban. Ano anh dahilan.
Napaprino ako ng muntikan ko nang mabangga ang batang tumatakbo.
" Damn..." Bulalas ko
Kalmado na ako na nagmaniho kanina kasi para akong nasa road racing. Nakaramdam ako ng gutom napangiwi ako ng alanganin may huminto na patrol car sa harapan ko wala akong dala na license driver wala din I'D Wala pang helmet, Kanina pa pala ako hinahabol ng patrol car dahil sa sobrang bilis ng pagmamaniho ko nilagpasan ko lang ang checkpoint.
Umuwi ako sa bahay na wala ang Ducati bike ko
" JJ pakitubos ang Bike ko please. Pakibayaran ang taxi sa labas." Tinatamad na utos ko pagpasok ko sa bahay
" Bakit hindi kana natutulog sa kwarto ko?" Yamot na tanong ni Franco pagpasok ko sa kwarto ko Nakaupo siya sa kama ko
Hindi ako umimik naupo ako sa sofa Sumandal ako at pumikit.
" Hey! I'm Sorry." Sambit ni Franco
" I Hate You! I Hate myself. Simula ng 13. years old ako hinangaan ko na talaga ang number 28 kakaiba siya pagdating sa driving skills. Sa dami ng Sikat na racer ang mystery driver lang ng number 28 ang umagaw sa atensyon ko. Sinusubukan ko ihinto ang pakikipaglaban sa loob ng race field. Masyado na akong obsessed sa pangarap ko. Pinakasalan ko ang taong hindi ko mahal. Madalas Padalos-dalos ako. Ilan beses na ako muntikan mamatay dahil sa Padalos-dalos na pasya. Isa kang malaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko. " Mahinahon na kwento ko habang nakapikit
" Flight ko bukas ng gabi! Pwede bang sabayan mo naman ako mag dinner mamaya? Pwede bang kahit ngayon lang maging okey tayo. Hindi ko alam kung kilan ako makakabalik ng pilipinas, Hihintayin kita sa muli mong pagbabalik sa Race. " Wika niya sa mahinahon na boses
" Hindi na! Hindi na ako lalaban, 18 lang ako. Sa pamilya namin kailangan namin tumayo sa sarili namin paa. Ang mamuhay na walang tulong galing sa magulang. Sa ganon paraan mapapatunayan namin sa mga magulang namin na karapat-dapat kami sa pamana na ibibigay nila saamin. Deadly field ang pangarap ko, Pero kailangan ko din tapusin ang pag-aaral ko. Hindi pa ako handa sa hamon ng buhay. Sabi ni mommy sa Oras na maging champion ako sa deadly race ako ang magmamana ng deadly field. Pero napagtanto ko napakahirap pala ng abutin yon. Dito nalang ako sa pilipinas." Malungkot na wika ko
" 18 ka palang marami malayo pa ang mararating mo." Tugon ni Franco
" Pagtataksilan mo ba ako? " Tanong ko
Hindi siya umimik! muli ako nagsalita
" Alam ko hindi ako nag-isip ng pakasalan ka, Pero isa lang ang sisiguradohin ko sayo, Hindi ako katulad ng ibang babae, Hindi ibig sabihin na lalaki ang mga kaibigan ko malandi na ako. Sa totoo lang ayaw ko magkaroon ng Asawa at boyfriend kaya hindi ko talaga intensyon ang pakasalan ka, Gusto ko lang mapanood muli ang number 28 sa Race. Gusto ko lang maibalik ang lahat ng wala sayo. " Mahinahon na wika ko
" May pangangailangan ako bilang lalaki, Alam mo na siguro ang ibig kung sabihin. May kasintahan ako normal lang saamin ang magtalik, Sa pagbalik ko sa US nagpapaliwag ako sakanya. Yayain ko siya pakasal. Pirmado ko na ang divorce papers natin. Hindi kita gusto. salamat sa pagligtas ko sa buhay ko. " Mahinahon na wika niya
Wala naman akong naramdaman na sakit sa dibdib ko ibig sabihin Hindi siya mahalaga saakin.
" Umalis kana ngayon! Huwag mo na hintayin na umabot pa ng hapon baka hindi na kita pakawalan pag sumapit ang gabi na Asawa pa kita. Hangad ko ang magandang kinabukasan para sainyo ng kasintahan mo. " Malungkot na wika ko
Tumayo siya naglakad palabas ng pinto huminto siya sa tapat ng pinto at nagsalita
" Number 8 ako. Si Skyler ang 28 na hinahangaan mo, Gusto rin niya maging tagapagnama ng deadly race. Kahit na sa batas ng tao wala siyang karapatan. " Wika niya bago lumabas ng Kwarto ko
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagpakawala ako ng malakas na iyak napahagolhol ako na parang namatayan.
Tinawagan ko si Kuya Skyler
" Bunso bak---
" I Hate you! Bakit mo ako niloko? Bakit kuya? Matagal ko hinahangad na makilala ng personal ang driver ng number 28 pero hindi nyo pinakilala saakin. Bakit kuya? Bakit? Sinira mo ang pangarap ko. Tinanggap kita ng buong-buo kahit na kami lang naman talaga ni kuya Storm ang legal at nanggaling sa sinapupunan ni mommy. Alam mo na maliit pa ako hinihingi ko na kay mommy ang Deadly field. Bakit? i hate you! I fvcking hate you. " Galit na galit na bungad ko Hindi ko pinatapos sa pagsasalita si kuya Sky
" Hey! Let me explain baby. I'm sorry." Taranta na wika niya
Sinunod ko tawagan si mommy
" Hey! Baby." Malambing na wika ni mommy
" Mommy! Hindi mo ba ako mahal? Bakit kayo nagsinungaling saakin? Bakit mo nilihim na si kuya pala ang mystery driver na hinahangaan ko. Kung ayaw mo ipamana saakin ang deadly field sana sinabi mo. Para hindi na ako umasa, Sinadya nyo rin ba na mahulog ako sa patibong nyo? Alam nyo kung gaano ko hinahangaan ang driver ng number 28, Inutusan nyo ba ang mga bodyguard's ko? Congratulations! Magtagumpay kayo! Napakatanga ko. Mapangasawa ko ang lalaking hindi ko mahal. Galit ako sayo mommy. sainyong lahat. Niloko nyo ako. " Umiiyak na wika ko sa mahinahon na boses
" Baby hindi ko naman intensyon n---
" It's okay mommy. Pinapatawad na kita kayo ni kuya. mag-ingat kayo. " Putol ko sa sasabihin ni mommy dumapa ako sa kama umiyak ako ng umiyak.
Sobrang sakit na niloko ako ng pamilya ko. Alam nila na obsessed ako sa driver ng number 28. Sobrang galing niya Pagdating sa racing palagi siya champion.Wala pang nakakatalo sakanya.
Sa isang iglap nawalan ako ng gana sa buhay. Naglaho ang mga pangarap ko sa buhay.
Napatingin ako sa papel na nasa ibabaw ng side table.
" Divorce papers. " Sambit ko