Chapter 9 You're Mine

1979 Words
Franco * * Namumula ang mukha ko sa galit. Hindi ko gusto mag-asawa ng siraulo. Tapos nagising ako na Asawa na ang isa sa madalas ko kalaban sa race. Tapos ganito lang ang mapapala ko. Pagalitan ko lang hiwalayan Agad. " Lintik talaga! Problema ko talaga ang babaeng to. kasalanan to ni Skyler, Nang malaman nilang dinukot Kapatid nila para pakasalan agad-agad gumawa sila ng paraan para maisip ng Kapatid niya na ako ang pakasalan. Hindi ako ang number 28. Tangna 8 ang number ko, Si Skyler ang 28 siraulo ang gagong yon. Si Skyler ang Mystery Race driver na hinahangaan ni Brittany. Bakit ako napunta sa ganitong setwasyon. Skyler mapapatay talaga kita. Ang gago yon malilintikan talaga siya saakin." Naiinis na kausap ko sa sarili ko Pinunit ko ang divorce papers naiinis na naglakad ako paakyat sa hagdan dahan-dahan lang ang paglalakad ko. Para akong matutumba mahina pa tuhod ko. Dahan-dahan ko binuksan ang pinto ng Kwarto ni Brittany napatigil ako sa pagbukas Umakyat ang dugo ko sa ulo sa mga narinig ko. " Kainis! Ang kapal ng mukha niya walang utang na loob, Siya na nga tinulongan tapos kung makaasta siya akala mo kung sino. Tangna walang sino mang lalaki ang magdidikta saakin." Nanggagalaiti sa galit na wika ni Betty nakaharap sa laptop niya may kausap na lalaki " Comfort kita! Ilang round ba gusto mo?" Tanong ng kausap nito " Hahaha! Magdamag kaya mo ba? " tatawa na tugon ni Betty Sinarado ko ng pabagsak ang pinto dahan-dahan ako naglakad pababa sa hagdan Pagpasok ko sa kwarto ko agad ko tinawagan si Skyler " Hmmmm! I'm sleepy dude." inaantok na sagot ni Skyler " Tangna ka! Sabi mo walang kasintahan ang Kapatid mo? Bakit magdamag siya hindi umuwi? Gusto niya makipag hiwalay saakin. Narinig ko may kausap siya online. Sabi ng lalaki comfort kita ilang round ba gusto mo! Tangna sumagot ang Kapatid mo ng magdamag ang gusto niya. Sabihin mo! Sino ang kabit ng Kapatid mo! Para mailibing ko ng buhay." Galit na galit na wika ko " Ah! Baka si Alexander, Ilan beses na namin sila pinaglayo. Sobrang close sila yon tipong natutulog sila magkatabi. Nagpatuli pa nga yan si Betty dati Kasama si Lex inakala kasi ng Kapatid ko na tinutuli din ang babae. Bad influence ang lalaking yan kay betty ilayo mo siya sa Kapatid ko. Kung hindi baka mawalan ka ng Asawa. " Mahabang Paliwanag ni Sky Napamura ako naupo ako sa kama! Pumasok naman sa kwarto ko si Doc Leon nagsumbong ako sa nangyari " Naku iho! Sa lahat ng tao si Lex ang taong pinagkakatiwalaan ni Betty. He's name Alexander Verlice, Only son wala nang mga magulang. Dating police ang mga magulang. Mabait na bata si Alexander. Talagang ayaw ng pamilya ni Betty sakanya natatakot sila na baka masira ang buhay ni Betty pero mas lalo silang naging malapit sa isat-isa. Si Alexander lang ang Nag-iisang taong nakakakilala ng lubos kay betty, Inakala ko dati na siya ang mapangasawa ni Betty. Pero wala silang relasyon Mapagbiro lang sila sa isat-isa. Kapatid na ang turin nila sa isat-isa isa." Mahabang paliwanag ni Doc Leon " Hindi pwede maging magkaibigan ang lalaki at babae. Impossible na walang pagtingin ang lalaking yon kay Betty. Nakapa inosente pa ni Betty. " wika ko " Malaking problema mo! Paano mo mapapaibig ang Asawa mo? Hindi naniniwala sa pag-ibig si Brittany. Ang tingin niya sa marriage certificate kaperasong papel lang walang halaga. At isa pa walang plano mag-asawa si Betty kahit na hindi ka pumayag mamalayan mo nalang wala nang bisa ang kasal nyo. Good luck iho. Isang Shoun ang Asawa mo. Kayang-kaya ka patayin kahit na anong oras. Sya nga pala kaya sa iisang Kwarto kayo natutulog dahil sa madalas may gusto pumatay sayo. " Mahabang wika ni Doc Leon Naiwan ako mag-isa sa kwarto, Nahiga ako inakala ko ang nangyari saakin.. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit gusto ako patayin. Inakala ba talaga nila na ako ang number 28? Ibig sabihin nasa panganib talaga ang buhay ni Skyler. Hindi naman ako katulad nila. Isa lamang akong sempling tao. Matagal na akong hindi lumalaban sa race field. Naging abala kasi ako sa business ko. " Babalik na ako sa race field. Babalik ako para malaman din ni Brittany na hindi ako ang mystery guy na hinahangaan niya. " Piping sambit ko " Nicolas White! Bakit gusto niya mapangasawa si Betty? Hindi ko pwede hiwalayan si Betty marami ang naghahangad sakanya. dahil sa alam ng lahat na anak siya ng billionaire couple." Sambit ng isipan ko * * Brittany * * Gabi na nang lumabas ako ng Kwarto ko maghapon ako nakatutok sa laptop pagwala akong pasok sa school. Nakatutok ako sa auto shop at restaurant. Yon lang kasi ang business ko kailangan ko pag-aralan ang kung paano ko pa palalakihin ang dalawang business ko. " Pwede ba mag-usap tayo?" Mahinahon na tanong ni Franco Tumaas ang kilay ko nilagpasan ko siya nakatayo siya sa ibaba ng hagdan " Boy's kakain ako ipaghanda nyo ako." Malakas na sigaw ko agad naman naglabasan ang apat sa kanilang Kwarto " Hindi mo sila alipin." Inis na wika ni Franco " Nagkakamali ka! Slave ko silang apat, pag-aari ko sila hanggat hindi sila nakapag tapos ng pag-aaral. Gagawin nila lahat ng naisin ko." mataray na tugon ko " Anong gusto mo kainin?" Tanong ni Caleb " Caleb masakit paa ko buhatin mo ako pupunta sa dining area." Malambing na utos ko Binuhat ako ni Caleb " May sapi ka naman! pasensya kana maging abala kami sa school palapit na kasi ang graduation kaya pasensya kana talaga." Pabulong na wika niya " Ako ang maghahanda ang pagkain mo." Wika ni Blazh " Ako sa juice." sabat ni River " Ako s---- ano ang gagawin ko?" Tanong ni JJ " Subuan mo ako." Sagot ko nagtawanan ang apat " Haha! May sapi na naman si Boss." natatawa na wika ni JJ " After graduation mag beach tayo. " Nakangiti na wika ko inilapag ako ni Caleb sa upuan kaharap sa table " Yon ohhh." sigawan nilang apat " Boss pwede na kami makipag date? Magkaroon ng kasintahan?" Tanong ni Blazh " Yup! Kaya ko kayo pinaghigpitan dahil masyado kayo wild. Kahit sa locker ng school gumagawa kayo ng bata. Masyado kayo malilibog. Nakakatakot baka nagkasakit kayo. Tapos hindi nyo na mabigyan ng magandang future ang mga magulang nyo na naghihirap sa kakatrabaho." Naiiling na Paliwanag ko " Hahaha! gwapo kami eh. Isang kindat lang laglag na panty nila." Pagyayabang ni JJ Namumula na ang mukha ni Franco nakaupo siya sa harapan ko nanlilisik ang mga mata " Umalis kayo! Ako na ang magpappakain sa Asawa ko." Utos ni Franco pinagdiinan niya ang salitang Asawa Nagtatawanan naman na umalis ng dining table ang apat. " Hindi na ako kakain Good night." Wika ko sabay tayo akmang maglalakad na ako palabas ng dining area ng hilahin ako ni Franco napakunot noo ako nakaupo lang siya kanina pero ngayon nakatayo na siya " Kakain ka! Gusto mo subuan diba? Ako ang susubo sayo." Nagpipigil sa galit na wika niya Tinulak ko siya napaupo sa upuan tumingin ako sa kasambahay na naglapag ng pagkain sa table nagpasalamat ako at pinaalis na sila. Naupo ako sa lap ni Franco pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya " Ikaw ang gusto ko kainin." Pagbibiro ko pabulong ko yon sinabi " Wh--- what?" Pautal na tanong niya Tumawa ako tumayo ako at naupo sa katabi niyang upuan naramdaman ko ang pagtigas ng alaga niya natatawa ako na naglagay ng pagkain sa plato " Huwag mo ako subukan Brittany! Pag ako napuno sa pang-aakit mo ihi lang pahinga mo." Pagalit na tugon niya " Oh God! Sarap naman non! Kilan ka mapupuno?" Pang-aasar ko Tinitigan ko ang kutsara Ngumisi ako ng nakakaloko dahan-dahan ko nilapit sa bibig ko dinilaan ko ang kutsara habang nakatitig sa Asawa ko " Fvck." Mura ni Franco sabay tayo dahan-dahan siya naglakad palayo hanggang sa mawala sa paningin ko Humagalpak ako ng tawa ngayon ko lang na enjoy ang buhay may Asawa. Gagawin ko nalang libangan si Franco. Bigla ako tumayo tumakbo ako papasok sa kwarto ko paglabas ko dala ko na ang susi ng kotse Nagmaniho ako sa address na binigay ko kay Lex. Pagdating sa Nightclub agad ko kinausap ng manager napangiti ako napa wow ng inaalok saakin ang bagong actress na ngangailangan ng pera " Betty! Don't worry walang makaalam nito, Best friend ko an---- " I don't like her." Wika ni Lex inakbayan ako " Sige na! Bigay ko nalang yan sayo, Sa huwag mo nang ulitin to huwag mo na ibinta ang sarili mo dahil lang sa pera." Nakangiti na wika ko " Bait mo naman ma'am salamat po. Kailangan ko kasi ng malaking halaga pangbayad sa mga utang ni Papa. Salamat po. Hindi ko po makalimutan to. " Wika ng actress " Juliana! Promote mo ang restaurant ko sa lahat ng social media platform mo, Puntahan mo ang address na to siya na ang bahala sayo. 1M for Restaurant promotion. " Nakangiti na wika ko Bigla ako Niyakap ng Actress umiiyak pa siya " Pagkalipas ng ilan sandili kami nalang ni Lex Magkasama sa VIP room " Napakabata pa ng actress na yon para ibinta ang sarili niya. 19 lang siya! Nakakaawa ang mga babaeng handa ibinta ang katawan sa ngalan ng pera." Naiiling na wika ni Lex " Lex! Gusto ko bumili ng malaking na lupain gagawin natin Race field para makapag sanaya tayo. " wika ko " May Race Field naman kayo ah." Wika niya " Kay mommy yon! Gusto ko may sarili akong Racetrack. May bahay, malaking garage." Wika ko " May mini bar. " dugtong ni Lex " Hati tayo ng gastos." Wika ko " Hahaha! Ulol Hindi ako kasing yaman mo gago. Bago namatay mga magulang ko kabundok ang utang hanggang ngayon binayaran ko parin." natatawa na wika niya " Magkano kaya kailangan kong pera para sa house with race track?" Tanong ko " May half billion kaba?" tanong ni Lex " Meron pero saving ko yon eh. pag naubos yon ang matitira nalang sa restaurant at Auto shop ko na pera. Hindi ko pwede galawin yon dahil nag-iisip ako na magtayo ng real estate business." Seryoso na wika ko " Grabe yan utak mo. 18 ka lang tapos dami mo nang business. Kakaiba ka walang nakakaalam sa angkan mo na masinop ka sa pera akala nila spoiled brats at puro kaartihan lang ang alam mo. Never kang nakipag landian, Lagi mo iniisip ang kinabukasan mo. Hanga ako sayo kahit noon pa. Kaya proud ako na naging kaibigan kita. Kung matuturuan lang ang puso ikaw ang gusto ko mahalin pakasalan. pero wala eh bakit kaya hindi tayo nag-inlove sa isat-isa?" Mahabang pahayag ni Lex " Thanks Lex." Nakangiti na wika ko " Uwi kana! Alalahin mo may Asawa kana. Don't worry ako na bahala mag-hanap ng lupa at ako na bahala sa engineer. Kakausapin ko nalang attorney mo. " nakangiti na wika ni Lex niyakap ko siya at muli nagpasalamat Pagdating sa bahay inaantok na ako nahiga sa kama. " Ummmmm." Ungol ko Bigla nalang may dumagan saakin sinakop ang labi ko nanlalaki ang mga mata ko naamoy ko ang alak " You're fvckin mine Brittany. Pinikot mo ako habang wala akong malay. Habang buhay kang nakatali saakin, You're fvcking mine." Namamaos na wika ni Franco ng pakawalan niya ang labi ko " I'm n--- Hindi ko na natapos ang sasabihin ko muli niya sinakop ang labi ko kinagat niya ang pang-ibabang labi ko malaya niyang naipasok sa loob ng bibig ko ang dila niya. " Gagahasain mo ako? Tangna humanda ka saakin. Hinding-hindi ko ibibigay sarili hanggat hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Ang virginity ko regalo ko ito sa lalaking nakalaan saakin." Galit na sambit ng isip ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD