Celestina's POV
Takot na takot ako habang pilit nagsusumiksik sa ilalim ng lamesa.
Abot-abot ang aking paghinga at panay ang usal ko nang panalangin na sana hindi ako makita ni Tiyo Kardo.
"Celestina! Lumabas ka na diyan, huwag ka ng magtago. Wala ang Tiya Nena mo, solong-solo natin ang bahay," sabi ni Tiyo Kardo.
Gusto kong magpuyos sa galit habang pilit tinatakpan ng aking mga kamay ang aking bibig. Ayokong makalikha ng anumang ingay.
Hindi ko mapigilan ang mainit na likido na walang tigil na dumadaloy sa aking mukha.
Impit na hikbi ang nalikha ko.
Alam ko sa simula palang may masama nang balak sa akin ang kinakasama ni Tiya Nena. Ang mga kilos niya ay kakaiba ang malagkit niyang tingin sa akin ay mga tingin na may pagnanasa at ngayon nga lumuwas ng bayan ang aking tiyahin para dalawin ang kaniyang kapatid na may sakit.
"Diyos ko! Tulungan niyo po ako, huwag niyo pong ipahintulot na may mangyaring masama sa akin," mahinang usal ko nang panalangin.
"Huli ka!" Halos atakihin ako sa puso nang bigla na lang sumungaw ang ulo ni Tiyo Kardo.
"Wahhhhh...!" Malakas na tili ko habang nagpupumiglas. Pilit kong pinapalis ang kamay nito na pasabunot na nakahawak sa aking buhok at pilit akong hinihila upang lumabas sa aking pinagtataguan.
"Tiyo Kardo… parang awa niyo na, huwag po!" pagmamakaawa ko, kahit ang tingin ko naman ay nilalamon na ito nang makamundong pagnanasa.
Wala akong magawa, mas malakas siya sa akin at sa tindi nang pagkakasabunot nito ay halos humiwalay na ang buhok ko sa aking anit.
Ang sakit! Napakasakit!
"Huwag mo na akong pahirapan bata ka! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, nakisama ako sa walang k'wenta mong tiyahin para magawa kong makalapit sa'yo, dahil ang totoo niyan ay ikaw naman talaga ang gusto ko. Walang makakapigil sa akin na isakatuparan ang ninanais kong gawin sa'yo at iyon ay ang paligayahin ka. Hahaha!" Para itong isang demonyo kung makangisi at sobrang natatakot ako. Gusto kong kumawala sa mga braso nito na ngayo'y nakapulupot na sa aking bewang.
Nauubos na ang aking lakas sa kapipiglas.
"Hindi pwede, lumaban ka, Celestina!
Kailangan mong lumaban kung hindi, masisira ang buhay mo. Mapapariwara karin kagaya ng mga babae sa iskwater na lugar na ito. Marami ka pang pangarap sa buhay kaya huwag kang magpapatalo lumaban ka! Kailangan mong takasan ang halimaw na'yan," sabi ng utak ko.
Tama... tama siya. Kailangan kong makatakas sa mabahong lugar na ito, malayo sa mapanakit kong tiyahin at higit lalo sa impaktong lalaki na ito na parang asong ulol kung ako'y amoy-amuyin.
Nakaramdam ako nang matinding kilabot at halos maduwal ako sa mabahong hininga nito na aking naamoy ng pilit inilalapit ang mukha sa akin para ako ay halikan.
Buo na ang aking desisyon.
Huminga muna ako nang malalim bago ubod lakas ko itong itinulak, dahilan para siya'y tumumba pasadsad sa sahig kaya naman sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang makatakas.
Dali-dali akong tumakbo ngunit bago pa ako makalayo ay nahatak na nito ang kanang paa ko kaya naman tumumba ako sa sahig.
"Matapang kang babae ka ha! Gusto mo pa talaga akong takasan, ito ang sa'yo!"
Pak! Pak!
Ubod nang lakas na sinampal nito ang magkabilaan kong pisngi. Galit na galit at nanlilisik ang mga matang nakatitig siya sa akin at pagkatapos bigla nalang hinablot ang aking buhok dahilan para mapangiwi na naman ako sa sakit.
Nalasahan ko ang likidong parang kalawang na nanggaling sa gawing kanan kong labi.
Dugo! Dugo iyon!
Pumutok ang aking nguso sa malakas na pagkakasapak nito sa akin. Sinamantala nito ang aking pagkakahiga at mabilis itong dumagan sa akin.
Hindi maaari! Hindi ako papayag!
Sinubukan ko itong itulak upang maalis sa pagkakadagan sa akin, ngunit ni hindi ko nagawang mai-angat kahit konti man lang ang malaking katawan nito.
Nang magawi ang mga mata ko sa aking kaliwa ay nakita ko ang estante kung saan nakasalansan ang mga kaserola, kaldero at kawaling hinugasan ko kanina lang.
Pinilit kong gumapang papalapit dito. Hinawi ko si Tiyo Kardo at ubod lakas na tinadyakan ko ito at nagtagumpay ako. Namilipit siya sa sakit kaya naman ito na mismo ang kusang umalis sa pagkakadagan sa akin. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumayo at patakbo akong lumakad patungo sa kinaroroonan ng estante.
"Hayop kang babae ka! Hindi mo ako matatakasan!" Abo't abot ang aking kaba habang nakikita ko siyang pilit bumabangon papunta sa aking kinaroroonan. Isang dipa na lang ang layo niya sa akin at talagang pinanghihinaan na rin ako. Ngunit, ang kagustuhan kong makatakas ang nagbibigay sa akin ng lakas. Tatlong pulgada na lang at nariyan na siya at kinapakapa ko ang estante habang ang tingin ko ay nasa papalapit na si Tiyo Kardo.
"Walanghiya ka talagang babae ka!" Galit na sabi niya at inundayan ako ng malakas na suntok sa aking sikmura.
Napaka tindi ng sakit at halos mawalan ako nang ulirat, ngunit kahit na nanghihina ay pinaglabanan ko iyon. Hindi ako pwedeng bumigay.
Nabuwal man ay pilit akong bumangon at gumapang palapit sa estate. Isang malaking kawali ang nahagip ng aking mga kamay at bago pa tuluyang makalapit si Tiyo Kardo para undayan na naman ako nang suntok ay ubod lakas kong hinataw sa ulo niya ang kawali.
"Aaaaaaaaahhhh!" malakas na sigaw nito na sapo ang dumudugong ulo. Hilong-hilo siya.
Dapat na akong tumakas.
Nanghihina man ay pilit akong lumakad palapit sa nakasaradong pintuan, agad ko itong binuksan at mabilis na lumabas.
"Bumalik ka dito, Celestina! Papatayin kitang babae ka!" Naririnig ko pang sigaw ni Tiyo Kardo ng ako'y makalabas ng tarangkahan.
Paika-ikang naglakad ako.
Ala-una na ng madaling araw at walang katao-tao sa paligid. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makalayo sa impyernong lugar na ito, malayong-malayo.
Pilit kong nilabanan ang matinding sakit at pagod, patuloy lang ako sa paglalakad.
Malayo na ang aking narating. Nasa highway na ako ngunit, madalang pa rin ang dumadaang sasakyan at sinubukan kong parahin ang ilan ngunit walang nagtangkang ako'y hintuan. Nawawalan na ako ng pag-asa, anumang oras ay makikita na ako ni Tiyo Kardo at hindi ko alam kung ano pa ang kayang gawin nito kapag naabutan ako. Baka nga totohanin na niya ang sinabing papatayin niya ako.
Kalunos-lunos na ang itsura ko ngunit hindi ko na alintana iyon. Gusto kong umasa na kahit isa man lang ay may maawang tumulong sa akin.
Nang mapalingon ako sa aking likuran, nanlaki ang aking mga mata sa takot. Si Tiyo Kardo ay paika-ika at hawak-hawak ang duguang ulo. Nakita na niya ako at papalapit na siya sa akin kaya naman mabilis akong tumakbo at tinawid ang malawak na kalsada, ngunit ng nasa kalagitnaan na ako ay hindi ko napansin ng papalapit na sasakyan..
Piiiiiiiiiiiiiiiittttttttttttttttttt!
Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!
Hindi ako makakilos. Waring tumigil ang utak ko at hindi na nito nagawang mag utos, nakapako ako sa pagkakatayo.
Napapikit na lang ako at hinintay ang sasakyang papalapit sa akin. Pinaubaya ko na sa itaas kung ano man ang aking magiging kapalaran ngayong gabi.