Episode 6. Patrick the Explorer

1665 Words
Patrick Jay’s POV May plano yatang magpuyat si Allyssa. Hindi ba iyon makakasabay sa kaniya? Hindi siya mapakali kung kakausapin ito o itutulog na lang iyon, maga alas diyes na rin at maaga pa siya bukas, hindi siya maaaring ma-late. Naalimpungatan siya ng a las kuwatro y media dahil kinailangan niyang magbanyo, nadaanan niya ang kuwarto ng dalaga na buhay pa rin ang ilaw. Hindi ba’t may pasok rin ito? Hindi na siya nakatulog pa nang bumalik sa kuwarto. Nagluto na lamang siya ng tocino at itlog saka nagsalang ng sinaing. Malamig ang tubig na dumadaloy sa shower. Napakunot ang noo niya sa dami ng boteng nasa cabinet ng CR. Kay Allyssa lahat to? Hindi laang yata iyon sa sampu, lagpas pa yata. Inilagay na lamang niya sa maliit na espasyo roon ang kaniyang shampoo, sabon toothbrush at toothpaste. Pagkatapos maligo ay kumain na rin siya. Pasado a las seis na rin. Patay ang ilaw ng kuwarto ni Allyssa. Hindi niya maintindihan, hindi kaya ito mahuli sa trabaho kung hindi pa babangon. Ayaw niyang mambulabog kaya hinayaan na lamang niya, pinagtira rin niya ito ng pagkain at iniwanan ng simpleng note. Baka kasi iwanan lang sayang naman kung mapapanis. Kinapa niya ang susi ng sasakyan, ang wallet at ang cellphone. All check. Tumungo na siya sa parking lot at tinahak ang daan papunta sa kumpanya. Kinailangan pa niyang gumamit ng google maps dahil ito ang unang beses niyang pupuntahan iyon. Laking pasasalamat niya sa kaniyang ninong na nagpahiram sa kaniya ng sasakyan, lumang Honda Civic iyon at wala namang sira. Mayaman naman ang mga ito at ngayon nga ay mamahalin at hindi na mabilang ang mga sasakyan. Matalik na kaibigan iyon ng kaniyang ama at isa rin sa tumulong sa kaniyang therapy. Therapy na umabot sa 18 months. Dumating siya sa kumpanya isa’t kalahating oras pa bago mag a las otso. Napakabilis ng biyahe. Wala pa nga roon ang HR. “Ang aga mo sir ah” bati sa kaniya ng guard saka nito hiningi ang kaniyang ID. “Oo nga po, saan po ba dito puwedeng maghintay?” “Aplikante po sir?” tumango na lamang siya. “Duon po sir sa may lobby” nagtungo siya roon at naupo. Malaki ang building na ito, Tatlong palapag at maganda ang ventilation. Sobrang lamig nga eh, hindi siya naabisuhan na kailangan palang magdala ng jacket. Ang suot lamang niya ay simpleng itim na T-shirt at jeans na hindi naman tight jeans pero masikip na rin sa parteng hita niya. Namumurok iyon sa muscles na nakuha niya sa hard training sa military. Bumalik rin siya sa gym netong pagkatapos ng therapy at kahit pa sa therapy center, gumawa siya ng paraan para makapag ehersisyo upang mapanatili ang kalusugan. Bonus nalang ang ganda ng katawan. Maya maya pa ay maraming taong nagkukuwentuhan ang dumaraan palabas ng glass door at isa isang nagpapa-check ng bag kay guard. He enjoys people watch above else kaya hindi siya naburyo. Mukhang mga stressed ang karamihan sa mga iyon, may mga nagi-isa, may mga sama sama sa iisang grupo at nagkukuwentuhan. Napapalingon ang ilan sa mga iyon sa kaniya. Napansin pa niyang bahagyang bumagal ang kilos ng isang grupo ng kababaihan at mga bakla. Naririnig rin niya ang usapan ng mga iyon kahit kunwaring nasa ibang dako ang kaniyang atensyon. “Hot papa! Saang department yan?” tanong ng isang bakla. “Ngayon ko nga lang ‘yan nakita e! body builder ata” malanding wika ng isang babaeng pulang pula ang labi, naka-jacket ngunit naka-maiksing dress at puros tattoo ang katawan. May kulay na blonde at purple ang buhok niyon. “Girl ako ang unang nakakita, sa akin iyan ha. Target locked ko na” tinig iyon ng isang malaking bakla. Kunwa’y hindi parin niya naririnig ang mga ito at tumungo na lamang siya. Nakakailang rin bilang isang lalaki ang mapag usapan ng harap-harapan. “Beh huwag kang ano, wala kang keps. Sa akin na at maganda ang magiging mga anak namin” palaban na wika ng babaeng may kulay ang buhok. “Palaban ka gurl, MWF sayo. Akin da rest, bet mo ‘yon?” nagtatawanan na ang grupo. Ganun ba siya ka-gwapo para pagkaguluhan? “E tayo ba bet?” lalong nagtawanan ang mga ito. “Tanungin mo na dali ng number, sabihin mo Can I get your cellphone please?” “Gaga ginawa mong snatcher!” Walang tigil ang tawanan ng mga ito. Lumapit naman ang guard na kanina ay nasa entrance at kinausap ng tahimik ang mga iyon. Hindi na niya ito ninais pang malaman. Maya maya’y lumabas na rin ang mga iyon. Napansin niyang lahat ng lumabas ay hindi na muli pang pumasok. May dala ring mga bag ang mga ito at hindi naman mukhang bagong ligo. Ibig sabihin ay nightshift ang mga empleyadong iyon. Nalinawan na siya. Nightshift pala si Allyssa, kaya naman pala hindi natulog kagabi. Nawala nanaman nang mga taong dumadaan at nakakaramdam na siya ng pagka-buryo. Hinanap niya ang CR. Duon ay may mapa ng buong building at kaniya iyong inaral. Dahil doon ay napunta na siya sa pantry. Sinuri niya ang mga paninda. Mahal. Mukhang malalamig na. Pati ang mga nagtitinda ay nakasubsob na sa isang gilid. Naka- jacket ang mga iyon at nakakailang tawag ang mga bumibili bago magising. Bumili rin siya ng ilang pirasong kendi at nginitian ang nagtitinda na tila natigilan sa ginawa niya. Wala naman talaga siyang balak bumili, gusto lang niyang maging pamilyar sa paligid at ito ngang kendi ay bakit dalawampiso isa na? Umalis rin siya roon. Napadako naman siya sa marahil ay gaming area. May billiards doon at computers na may mga nakaupong nagdo-DOTA. Nag ikot-ikot pa siya sa building, hindi lamang siya makapasok sa mga room doon dahil kailangan ng access card na kung saan ay wala pa siya. Kinse minuto bago mag a las otso ay bumalik na siya sa lobby. Maya maya ay dumating ang isang lalaking tantya niya’y mas bata sa kaniya ng 3-4 years. “Good morning sir, I am Jordan. Are you Patrick Jay Belen?” tanong nito. “Good morning Jordan, yes I am” “Please follow me po” pag- guide nito sa kaniya. Tumayo naman siya agad at sinundan ito. Intern. Paniguradong kasisimula lang ng lalaki dito. Naka tuck-in ang puting damit, clean cut at ingat na ingat ang paggalaw. May “Po” pa sa pagsasalita. He knows in corporate, we don’t use Po. Not to be rude or something but professionally and in formal setting, Po is not necessary. “How long have you been here, Jordan?”, tanong niya. “I started last week po” magalang na sagot nito. “You’re a very respectful man” he said. The guy stopped and he noticed the gentleman’s face lights up. “Thank you po” sagot nito saka tumungo. “Oh it’s not required, just wanna share you a little secret. Drop the ‘po’ it will help you more, trust me” “Copy sir” sagot nitong tila tumaas ang kumpiyansa sa sarili. Ganiyan nga. People will find it as an entrance point of being abusive if you show your vulnerable side. He learned the hard way at ayaw niyang mangyari iyon sa iba. Nakarating sila sa loob ng HR department. Pinapasok siya sa isang cubicle doon at sinabihang maghintay. Ilang minuto rin ang lumipas. Pumasok ang isang babaeng marahil ay nasa edad kuwarenta na, nakatali ang buhok, naka t-shirt na napapatungan ng jacket na sa tingin niya ay ilang beses na ring nasuot dahil sa ilang mantsa nito. May alagang pusa sa bahay, sa itim na damit niyon ay may iilang balahibo siyang nakita. Ang rubber shoes ay hindi na inabala pang linisan. Malalalim ang mga mata. Hindi ito naligo, hindi rin kumain at tiyak wala o kaunti ang tulog. Sino ba naman ang magtatali ng buhok umaga pa lang lalo na at babae ka at makapal ang hibla ng iyong buhok. Walang interes ang mga mata niyon nang nakatingin sa kaniya at batiin siya. Sandali lamang nagtama ang kanilang mga mata at nakaramdam siya ng inis na tingin kung tama nga iyon. She hated her job. She’s exhausted to say the least… and she isn’t really a SHE. Kaya siguro naiinis siya sa kagandahang lalaki ko. “Good Morning Mr. Belen, sorry to keep you waiting” wika nito, maganda ang accent. Halatang ilang taon na rin sa trabaho na iyon at sa kumpanyang iyon. “It’s fine with me, more important thing is you’re all set to do your job when you came here.” Napakunot ang noo nito. “Pardon, what do you mean?” may halong inis sa boses nito. “You need a break, you don’t feel good. Caffeine will not solve your sleeplessness. See, your hands tremble and you sweat even if it’s too cold here. You reek of cigarette too. Coffee? Beer? And cigarette. Not a good mix if you want to live long” wika niya. “I think you’re crossing the line Mr. Belen. What do you know about me?” may tigas na sa boses nito. “You haven’t told me your name yet, that’s true. However, you tell your story the time you entered that door” Itinuro pa niya ang pinto. “This is not a conversation I wanted to engaged myself into Mr. Belen. I guess we just have to go straight to business” “This is HR. Human resource. I believe you were taught of how to read people so you can evaluate their behaviours and actions when they apply to certain positions. Am I right or wrong?” tanong niya. Ngayon niya gawin ang trabaho niya para naman may silbi ang paghihintay ko ng matagal. “On..ehrm … some part yes but…” pinutol na niya ang sinasabi nito. Nagi- stutter na rin ang babae. Is his presence really that intimidating? “Then read me, please say something about me”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD