STEVENSON
Nagpa urgent meeting ako sa mga hotel staff para sa gaganaping Valentine's ball. Taon taon naman may pa ganto ako sa company para makapag relax ang mga staff ko. Inisa isa ko ang bawat department ngunit ang gusto kong makita ay wala. Saan na naman kaya nagsusuot ang babaeng 'yon.
Narito na rin ang bestfriend ko at may kasama ito. Saang lupalop niya kaya nakita ang babae. Nag simula na akong mag discuss ng dumating ang kanina ko pa hinahanap.
"Good morning sir and every one.." bati nito sabay upo na sa isang vacant seat. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. Maraming natuwa lalo na sa prize na 100,000 para sa tatanghaling King & Queen for the night. Sinipat ko naman ang kabuuhan ng babaeng matagal tagal ko ng pinapantasya. Nag iwas naman ako ng tingin ng makitang nakatingin rin pala ito saakin. Nang matapos na ang meeting. Naiwan kaming apat nakita ko naman sinamaan niya ng tingin ang kasama ni Draeden.
Hmmm! nagseselos kaya siya sa babae. May relasyon ba sila, bulong ko sa sarili. Isipin ko pa lang na magiging karibal ko ang bestfriend ko naasiwa na ako.
F-uck! nagulat naman silang tatlo at napatingin saakin. Bigla naman tumayo si Draeden kasama ang babae na palapit saakin.
"Hey buddy, I want to meet my girlfriend Tanya." wika nito. Magsasalita na sana ako ng biglang.
"W-what? Tanya, anong ibig sabihin nito?"
Wait, naguguluhan yata ako. "Ano sila love triangle?" usal ko.
"Beshy, kasi ano sinagot ko na si Draeden." paputol putol na wika nito.
"Whatttttt?" napalakas na wika ni Andrea, ewan ko ba mag bestfriend naman sila. Bakit kong makaasta tong babaeng to e' parang inagawan siya ng boyfriend. Ang weird rin ng babaeng to kong minsan.
Sabay lapit naman ng unggoy kong kaibigan. Tinapik tapik niya ang likod ni Andrea. Sinamaan ko siya ng tingin, babaero talaga.
"I have to go," sabi ko, dahil hindi ko na rin kinakaya ang mga esksena nila. Pero mas nagulat ako ng mas nauna pang magwalk-out si Andrea.
Ang weird talaga nito, sabay sunod naman ng Tanya. Ang ending naiwan kami ng b-weset kong bestfriend.
Nilapitan ko si Draeden at sinabing lagot ka nag away 'yong dalawa. Sinamaan niya lang ako ng tingin at bigla tong nagsalita.
"Tingin mo mag-aaway 'yong dalawa?" nag aalalang tanong nito.
Maybe, pinag sabay mo kasi. Pang aasar ko rito.
"G-ago wala naman kaming relasyon ni Andrea, Ninong ako ni Axel kaya huwag ka ngang malisyoso diyan. At wait kailan ka pa naging tsismoso ha buddy." balik na pang aasar nito.
!W-wala ba, akala ko kasi meron kong magalit kasi siya akala mo naagawan ng asawa.
"Asawa, ngayon ko talaga nalaman na malisyoso ka. Ang alam ko sabi ni babe Tanya, umamin na si Andrea about Axel's father. I can't imagine that Andrea doing such things..." pag puputol na sinabi nito. I was so curious the next statement but he stop. Dahil bumalik na si Tanya. Lalo tuloy akong nabweset at napaisip. Ano kaya 'yong gusto niyang sabihin about Andrea.
"Hey! babe, what's wrong? are you ok? hayaan mo muna ang bestfriend mo siguro like me nabibilisan rin siya sa mga nangyari." pang aalo nito rito.
"Are you sure babe, knowing my bestfriend mahirap siyang kausapin kapag nagtatampo." naiiyak na sabi nito.
Ganon siguro kapag singlemom. Out of nowhere na nasabi ko at bigla silang napatingin saakin.
"I think we need something to do." pa chorus na sabi ng dalawa.
Ano naman kaya ang naiisip ng mga 'to. Halos nanlaki ang mata ko ng sabihin nila na mag double date kami.
"Buddy, just try it. It's so gonna be exciting." sambit nito.
Draeden Villa, manahimik ka kong ayaw mong samain ka saakin. Alam mong wala kong panahon sa ganiyan. I'm too busy here. Kayo na lang, sabi ko.
"Buddy, 3 p.m tomorrow, see you," sambit niya rito.
Haixt! sumasakit talaga ulo ko sa bestfriend kong ito.
Sumasakit ba, baka naman gusto mo rin para makasama si Andrea. Hiyaw ng traydor kong utak.
Umupo ako sa swivel chair ko at pinaikot ikot ko to na parang batang naglalaro. Nakita ko to kay Axel the last time na nagkasama kami. Ang weird pero sobrang gaan ng loob ko sa batang 'yon.
Napatingin ako sa wristwatch ko 5 p.m na pala ng hapon. Kinuha ko lang ang coat ko at bumaba nako ng elevator. Dumaan muna ako ng mall, para bilhan ng gift si Axel. Naglakad ako sa toy section at binili ko lang naman ang mga toys na nagustuhan ko. Matapos kong ibigay ang card ko na packed na rin ng staff ang mga pinamili ko. Kinuha ko ito at lumabas na ako ng shop diretso ako sa parking lot para ilagay na rin ito sa compartment. Sumakay na ako ng sasakyan at pinaandar ito ng mabilis para makarating agad ako ng Mansyon.
Pagbukas ko ng pintuan nakita ko namang prenteng nakaupo na ang b-weset kong bestfriend. Panay kulit pa rin niya sa double date na yan.
"Buddy, ano na." sambit nito at feel at home pa sa mansyon ko.
" W-what? can you please stop pestering me. Look I need to finish my report." I said. Dahil wala talaga akong balak sumama sa kalokohan niya.
"Buddy, what's that." wika nito na nakatingin pala sa mga bitbit ko.
"Bulag ka ba? ngayon ka pa lang ba nakakita ng toys, Draeden Villa?" wika ko kasabay ng pag kunot ng noo ko.
"Chill, buddy! I know it is a toys. Para kanino ba mga yan?" anya.
"It's for Axel. Natutuwa kasi talaga ako sa batang 'yon." sambit ko na nakangiti pa.
"Talaga ba? e' paano 'yong nanay ng bata, natutuwa ka rin ba?" pang aasar nito at nanantya kong may sasabihin pa akong iba.
"G-ga** ka talaga, puro ka kalokohan. Anong oras ba 'yang dinner na yan, nang tigilan muna ako." wika ko na nabwe bweset na rito.
Tumawa lang ang sira ulo kong kaibigan, sabay sabing..
"I knew it. Sabi na 'e, may pagnanasa ka sa manager ng hotel." natatawang sambit nito.
"What your words, buddy kong ayaw mong samain ka sa'kin. Ano ba talagang gusto mo, kanina pinipilit mo kong sumama, ngayong gusto ko na pag hihinalaan mo ko ng ganyan." sambit ko, dahil nakakapikon na rin siya.
"Just kidding buddy, ok 7 p.m sharp." wika nito sabay tayo at naglakad palabas ng mansyon.
Umakyat na ako sa taas para mag shower at maka alis na rin. 1 hour left na lang. Mabilis lang akong naligo, at nag-ayos ng aking sarili.
Nagpa pogi siya kay Andrea, hiyaw ng utak ko.
Pati sarili ko kontra sa buhay ko.
Naka ilang buntong hininga muna ako at bumaba na rin. Nakita ko namang ang kasambahay namin. Binati niya ako nginitian ko lamang siya. Maya-maya lumabas na rin si Mommy.
"Son, kaka daan mo lang dito aalis ka na agad." wika nito na halatang nagtatampo.
"Mommy, madami pa kasi akong tatapusin." sambit ko sabay kiss sakanya. Nagpaalam na rin ako kay Mommy.
Mabilis kong pinasibat ang sasakyan at nakita ko rin ang magaling kong bestfriend.
Tumikhim ako. At binasag na ang katahimikan namin.
"Andrea," sambit ko, out of nowhere bigla kong nabanggit ang pangalan nito.
"Yes po sir.." nakangiting sambit nito.
"Ah! nothing, just continue eating your food." wika ko at sabay subo ng steak.
Maya-maya pa nagpaalam ang dalawa, at naiwan kami ni Andrea sa table. Hindi naman ako torpe, pero pag dating dito nawawala ang pagka confident ko.
"Andrea, hatid na kita after dinner." wika ko at nanantya kong papayag ba ito.
"Ahmm! kasi po ano sir, nakakahiya naman huwag na lamang." nauutal na sambit nito.
"Are you sure? It's getting late at wala naman na atang bumalik ang dalawa dito." wika ko kasabay ng pag ring ng cellphone nito.
"What, beshy, bumalik ka dito." wika nito at halatang nainis dahil 'di na siya pinatapos mag salita ng kaibigan at inoff na ang call button.
"Finish your food, then I will drive you home. It's getting late mahirap mag taxi ngayon." wika ko at nag aaatay ng sagot niya.
"No need sir, mag taxi na lang talaga ako. Nakakahiya naman sumabay sa boss ko." sambit nito sabay yuko at subo ng steak.
"It's ok. I insist. Hindi rin naman ako mapapalagay kong 'di kita maihahatid." sambit ko sabay kuha ng wine at nilagok ito.
"Hindi na talaga sir, kaya ko sarili ko. Rest room lang po ako." wika nito sabay lakad at tayo papuntang restroom. Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Halos mapamura ako sa nakita ko. What the f-uck. Napaka revealing naman ng suot nito, backless pa talaga.
Kong 'di ko alam na may anak na ito, iisipin kong dalaga pa talaga ito. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag babasa ng magazine. Mga ilang minuto lang nakarinig ako ng ang bastos mo ha. At hindi ako pwedeng magkamali boses 'yon ni Andrea, mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko at 'di ko namalayan na hawak ko na ang kwelyo ng lasing na lalaking 'yon.
"Don't ever lay your dirty hands on my woman's body, asshole! I said and pushed him. Sabay hatak ko kay Andrea.
"Are you ok?" tanong ko rito. Kitang kita na natakot ito sa sa pang babastos ng lasing na lalaking 'yon.
"Please calm down! wala nang mang babastos sayo. I'm here ssssh." wika ko sabay hagod ng likod nito. Siniksik naman nito ang mukha sa malapad kong dibdib. Napatingin naman ako sa ibaba niya nang makitang nasira pala ang stiletto nito at walang pasabing binuhat ko siya na pa bridal position. Hindi ko naman nakitang nag protesta pa ito.