Chapter 2

1069 Words
"ITUTULOY mo talaga ang plano mo, Storm?" tanong sa kaniya ni Luke. Inaayos nito ang strings ng gitara na hawak nito habang umiinom naman siya ng beer at nakasandal ang likod sa sofa.Pinag-uusapan nila ang nasabi niya kahapon dito. Tinutukoy nito ang plano niya sa maliit na lupa na nakita niya noong nakaraang linggo. Ang lupa na iyon ay nakakaabala lamang sa ganda ng kanilang hacienda. Kailangan niyang mabili iyon para pagtayuan ng resort na maaari pa nilang pagkakitaan. May naisip na siyang negosyo na gusto niyang "Oo naman, hindi ako nagpla-plano na hindi ko ginagawa, bro. Kinausap ko na si Cold tungkol doon at wala siyang sagot sa plano ko. Alam mo naman na ayokong nag-aasakya ng oras lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo." Tinipa ni Luke ang gitara nito at saka ipinikit ang mga mata. "Gusto mo talagang patunayan sa daddy mo na kaya mong manindigan. Anyway, wala naman akong kontra sa gagawin mo. But bro, hindi lahat ng kasiyahan nabibili ng pera." Nag-hum ito pagkatapos magsalita. Bumuga ng malalim si Storm at tumingin sa malayo. Mali si Luke, kayang bilhin ng pera ang kasiyahan sa mundo. Ngumisi siya at pinakinggan ang musikang nililikha ni Luke sa gitara nito. "Kilala mo na ba ang may-ari ng lupa na iyon, bro?" Ibinaba ni Luke ang hawak nitong gitara at saka kumuha ng beer na nasa lamesita. "Yes. Si Manong Duarding, babalik lang ako ng Maynila bukas para asikasuhin ang ibang business ko roon. Then, itutuloy ko na ang pagbibili ko sa maliit nilang lupa." Dumako ang mga mata ni Storm sa kaibigan nilang si Cold na nakaupo sa palapag ng balcony. Malayo na naman ang tingin nito at iniisip na naman nito ang asawa na umalis sa araw ng kasal nila nito. "Araw-araw na ba nating makikita si Cold na ganiyan? Sobra niyang pinapahirapan ang sarili niya sa isang babae. I told him to be happy but he refused." Tumingin din si Luke sa kaibigan nila. "Let's say na iba ang nagagawa ng tunay na pag-ibig. Hindi natin kontrolado ang nasa puso at isip niya. Kilala mo naman si Cold, bro. Kailangan lang niya lang mapag-isa para kusang maghilom ang sugat sa puso niya. Hindi biro ang pinagdaanan niya dahil kay Rita. Hanggang ngayon hindi ko rin lubos na maintindihan kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Masaya naman sila bago nangyari ito..." "Kung ako si Cold, maghahanap na lang ako ng ibang babae. Hindi ko papaikutin ang mundo ko sa iisang babae lang... na nag-iwan sa akin." Tinawanan siya ni Luke at itinungga nito ang beer. "You'll never know unless you will fall in love bro." "Damn! Hindi sumagi sa isip ko iyan. I'm inlove with fame and money. Wala sa isip ko ang pag-ibig, nakikita ko kayo na nababaliw pagdating sa pag-ibig at ayoko ring mabaliw katulad ninyo." Kinuha niya ang susi ng kaniyang kotse sa ibabaw ng lamesita. "Aalis na ako, ikaw na ang bahala kay Cold. Baka mamaya magbigti na iyan," pagbibiro niya rito. Tinungo niya ang kaniyang kotse at pinaandar iyon palabas ng hacienda nila. May business meeting siya sa Maynila na dapat niyang daluhan. Habang binabagtas ang kalsada palabas ng hacienda ay nakasalubong niya ang isang babae na nakasakay ng bike dahil bigla na lang lumiko sa kanto. Hindi niya alam kung saan ito sumulpot, mabuti na lamang at mabagal ang kaniyang pagpapatakbo dahil kung hindi ay titilapon ang babae sa palayan. Huminto siya at bumaba sa kaniyang kotse. Masama niyang tinignan ang babae na bumaba rin sa sinasakyan nitong bisekleta. "J-Jeni?" kunot noong tanong niya nang makilala ang babae. Kaibigan ito ng Rita at bridesmaid ito noong araw ng kasal nina Cold at Rita. "Sir Storm, pasensiya na po," nakayukong sabi nito. "Okay ka lang ba?" Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Bigla ka na lang kasing sumulpot, muntik na kitang mabangga, Jeni." "Sorry, sir. May... may pupuntahan kasi ako kaya ako nagmamadali. Dadalhin ko ang baon ng tatay ko, sir. Nasa bukid kasi siya at nag-i-spray sa mga tanim naming palay." Biglang nagkaroon ng interest si Storm na mag-usisa rito. "Saan ang lupa ninyo rito, Jeni?" Itinuro nito ang maliit na lupa na may sukat na isang ektarya. Katabi iyon ng kanilang hacienda. Iyon ang lupang balak niyang bilhin dahil nakaabala lamang sa kaniyang mga mata. Napangiti si Storm habang nakatingin sa dalagang kausap niya. Hindi siya nito matignan sa mga mata at palagi itong umiiwas ng tingin sa kaniya. "Ang lupa namin, sir. Sinasaka iyon ni tatay para makapambayad kami sa mga utang namin. Pasensiya na, sir. Kasalanan ko kung bakit ako muntik na masagasaan kanina. Marami lang kasi akong iniisip kaya hindi ko na napansin na may kasalubong akong sasakyan." "Wala ba kayong balak na ibenta iyon? I mean para na rin mabilis kayong makapabayad ng mga utang ninyo." Tumingin sa kaniya si Jeni at nangungusap ang mga mata. "May balak ka bang bilhin iyon, sir? Hindi kasi ipinabibili ni tatay ang lupang iyon." "Nasabi nga sa akin ni Manong Duarding na hindi niya ipinagbibili. Anyway, hindi ko naman kayo pipilitin. Gusto ko lang na makatulong sa inyo. Nga pala, gusto kong itanong kung alam mo kung nasaan si Rita?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Jeni sa kaniyang tanong. Iniwasan nito ang kaniyang tingin. "Wa-Wala akong alam..." "Ganoon ba? Masiyado na kasing apektado ang kaibigan ko dahil kay Rita. Kung makita mo siya, sabihin mo sa akin para ako na ang kumausap sa kaniya. Huwag niyang pahirapan nang husto ang kaibigan ko. Kung hindi na niya mahal si Cold, sabihin niya para naman hindi na umasa si Cold na muling babalik si Rita." "Sige... sasabihin ko sa kaniya, sir." "Jeni, mag-ingat ka palagi." Hinawakan niya ito sa braso at saka siya bumalik sa kaniyang kotse. "Salamat, sir." Napangisi si Storm sa kaniyang naisip na plano. Alam na niya ngayon kung paano niya mabibili ang lupa na iyon nang walang kahirap-hirap. Gagamitin niya si Jeni para isagawa ang plano niya. Madali siyang magpaibig ng mga babae at gagamitin niya ang karisma niya para akitin ang dalaga hanggang sa mahulog ito nang tuluyan sa kaniya. Pagkatapos ay mabibili niya ang lupa ng mga ito at itutuloy niya ang kaniyang plano. Negosyo ang buhay niya at sa pera umiikot ang kaniyang mundo. Hindi importante sa kaniya ang mga babae. Dahil para sa kaniya ang mga babae ay pampalipas oras lamang at walang silbi sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD