"Ano na ngayon ang gagawin natin?" narinig ni Dark na tanong ni Luke sa kanilang mga kaibigan pagbalik niya sa garden. "Susunod na lang ba tayo sa gusto ni Storm na hayaan natin siya sa plano niya? Ayokong makonsensiya sa p'wedeng mangyari kay Jeni. Mabait pa naman sa akin si Manong Duarding at wala akong masabi sa kaniya." "Hindi natin hahayaan si Storm, Luke. Hindi tayo mga kunsintidor na kaibigan kaya itatama natin ang mali niya. Hindi ko rin gusto na lumalim ang nararamdaman ni Jeni kung sakali man na mahalin niya ang kaibigan natin," sagot niya rito bago umupong muli. "Pinsan mo si Storm, Cold. Bakit hindi mo siya kausapin para naman hindi na lumala ang pagiging gahaman ng pinsan mo. Natatakot ako na maging katulad siya ni Tito Vic," sabad naman ni Hatt na nakapangalumbaba. Nagkibi