Chapter 16

1664 Words

KINAGABIHAN dumating ang kaniyang ama na bagsak ang balikat. Malayo pa lamang ito ay nakikita na niya ang lungkot sa mga mata nito habang palapit sa kanila. Nakaupo sila sa balkonahe ng bahay nila at hinihintay ang kaniyang itay na umuwi. Humalik ito sa kaniyang Ina at umupo sa tabi nito. "Duarding, ano ang balita? Nakausap mo ba si Leticia?" sunod-sunod na tanong ng kaniyang ina. Inihilamos ni itay ang magkabilang palad nito sa mukha. "Zoraida, niloko ako ng sarili kong kapatid. Wala na si Leticia sa tinutuluyan niyang apartment. Wala na rin doon si Renato na kaniyang asawa. Hindi ko na alam kung saan ko pa hahanapin si Leticia, Zoraida," pagtatangis ng kaniyang ama. Kinagat ni Jeni ang kaniyang ibabang labi. Hindi niya gustong marinig ang pag-iyak ng kaniyang mga magulang. Pumasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD