MABILIS akong lumakad paalis sa bahay nila tiya Rosing. Halos tumatakbo na nga ako dahil mayayari talaga ako kay Mister Kenta at kay Janice. Nangako pa man din akong hindi ako gagabihin sa daan. Pumara na agad ako ng jeep, mabuti na lamang ay may nakita agad ako at hindi gaanong puno, sumakay ako roon at nagbayad na agad. Nakahinga ako nang maluwag at chineck ang cake kung nasira ba, mabuti na lamang ay hindi. Ilang minuto ang nakalipas nang makita kong malapit na ako kaya kinuha ko ang aking phone, baka kasi nagcha-chat na si Mister Kenta sa akin. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko dahil nakita ko na naman ang sunod-sunod niyang chat and misscalls. Lagot talaga ako. Sana hindi ko na lang kinuha ang phone ko. “Peanut, where are you? Kanina ka pa raw wala rito sa mansion.” Isa it