LUMABAS na kami nila Mister Kenta sa may elevator. Nasa 8th floor ang aming room at heto raw ang magandang rooms dito sa hotel. Nauna na kaming naglakad ni Isa at hinanap ang room number namin na 805 and 807, iyon ang room namin. “Mister Kenta, heto po ang room natin! Room 807 po!” malakas na sabi ko sa kanya. Si Isa rin ay nasa tapat naʼng room 805, hinihintay na lamang niya si Master Kaiju. Nang makalapit na siya sa akin ay binuksan na niya ang hotel room na tutuluyan namin ng ilang araw. Key iyon and keycard kaya kinuha ko sa kanya ang susi para kapag nauna ako sa kanyang umuwi ay mabubuksan ko pa rin ang hotel room namin. Pagkapasok namin sa loob ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. “Wow!” bulalas na sabi ko nang makita ang room namin ng ilang araw. “Room po natin ito? An