CONTRACT #11

2134 Words

NAKAHINTO pa rin ako sa paglakad nang may makita ako. Nakakunot pa rin ang noo ko sa isa sa apat na lalaking nakaupo ngayon sa table number 5. Hindi ako nagkakamali. Hindi ako pʼwede magkamali sa nakikita ko ngayon. Ang gwapo niyang mukha. Ang buhok niyang semi-kalbo. Ang tattoo niya sa kanyang leeg. Hindi lamang iyon dahil ang seryoso niyang mukha na nakatitig sa kawalan. Siyang-siya iyon. “Hoy, Anna, anong tinititigan mo dʼyan?” Nawala ang tingin ko sa lalaking iyon nang kalabitin ako ni Gegeng. Hindi pa rin kasi ako humahakbang at hawak ko pa rin ang tray sa table number 5. “Iyon ba ang tinitignan mo, ha? Naku, mamaya ka na mang-spot ng pogi dʼyan! Ibigay mo muna iyang order nila!” natatawang sabi ni Gegeng sa akin. Tinaasan ko siya ng aking kanang kilay at napailing na lamang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD