Chapter 3 - Ruined

1851 Words
“BABE.” Pakiramdam ko ay tinakasan ng dugo ang mukha ko nang mapansing dumating na si Tyler sa aking harapan. Nang makita ang matamis na ngiti sa labi niya ay napipilitan akong gantihan ‘yon. Mabilis niya akong dinampian ng halik sa aking pisngi bago naupo sa bangkong nasa harapan ko. Pinagmasdan niya ako nang may matamis pa rin na ngiti sa labi. “Kanina ka pa ba rito?” marahan niyang tanong. Umiling ako. “No, I just got here.” Napatango-tango siya. “By the way, why do you want to talk?” Biglang nanuyot ang lalamunan ko sa naging tanong niya. Kinain ng kaba at takot ang dibdib ko nang maalala ang totoong pakay kung bakit ako nakipagkita sa kanya. Nagyong araw ay plano ko nang sabihin sa kanya ang kasalanang nagawa. Alam kong magagalit siya sa malalaman, pero handa akong tanggapin ang galit niya na ‘yon kaysa itago sa kanya ang totoo. He doesn’t deserve that. “Let’s… let’s order something first. Then, we’ll talk,” sabi ko. Kumunot ang noo niya, tila napansin ang pagiging iba ko ngayong araw. Kaya naman ay pinilit ko ang sariling ngumiti sa harapan niya at nagtawag na ng waitress para um-order. Pero ang totoo nyan, bumebuwelo lang ako at hinahanda ang sarili. Sa oras na sabihin ko na sa kanya ang totoo, hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari. Nang makapag-order na ng makakain, nagsimula na siyang magkuwento ng kung ano-ano. Madalas ay tungkol lang ‘yon sa mga naging araw niya o sa mga nangyari sa trabaho niya. He’s helping his family to run their family business. Habang nagkukuwento siya sa aking harapan, pilit ko ang umaktong normal. Pero ang totoo nyan, lumilipad na ang isipan ko kung saan-saan. Kahit buo na ang desisyon kong sabihin sa kanya ang totoo ay hindi ko pa rin malaman kung saan o paano ko ito sisimulan. Gusto ko siyang dahan-dahanin lang, ngunit kahit ano yatang gawin ko ay mabibigla pa rin siya sa malalaman. Pero hangga’t maaari, gusto ko itong gawin sa paraang hindi siya masyadong masasaktan, kung posible man na mangyari ‘yon. Sa lumipas na mga minuto na hinihintay namin ang order namin, tanging siya lang ang nagbubukas ng usapan sa pagitan namin. Ang tanging nagagawa ko lang ay tumango o ngumiti sa mga sinasabi o itinatanong niya sa akin. Natigil lang ang pag-uusap namin nang sa wakas ay dumating na ang order namin. Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang pasimpleng pagsulyap ng tingin sa kanya. Iniisip ko pa lang ang maaaring mangyari ay naninikip na agad ang dibdib ko. Alam kong hindi lang basta-basta ang nagawa kong kasalanan. Kahit na hindi ko ‘yon ginusto, nagkamali pa rin ako. Nakagawa pa rin ako ng kasalanan sa kanya. Pero umaasa pa rin ako na sana ay maintindihan niya ako. Ayaw kong magkasira kami nang dahil sa isang gabing pagkakamali na ‘yon. Nasa first year college pa lang ako ay magkakilala na kami ni Tyler. Simula noon, ipinaramdam na niya ang interes sa akin. Pero dahil istrikto ang mga magulang ko, nanatili kaming magkaibigan sa buong taon ko sa college. Opisyal lang niya akong naligawan nang sa wakas ay matapos ko na ang kolehiyo. At matapos ng ilang buwan na panliligaw, sinagot ko na rin siya. Ngayong ilang taon na ang lumilipas at wala pa rin nagbabago sa nararamdaman namin para sa isa’t isa, napagpasyahan na namin ang magpakasal para gumawa na ng sariling pamilya. Pareho na naming gustong lumagay sa tahimik tutal ay kaya naman na namin. Maganda ang takbo ng negosyong hinahawakan niya, maganda rin ang takbo ng jewelry shop ko. Handang-handa na kami para sa pagpapamilya. Pero nang dahil sa isang pagkakamali ko ay nanganganib na masira ang pangarap na pareho naming binuo. “Babe.” Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdamang may humawak sa aking pisngi. Napakurap-kurap ako para ayusin ang sarili. Napalunok ako nang matantong nasa sa akin na pala ang buong atensiyon ni Tyler. Tinigilan na rin niya ang pagkain. “May problema ka ba?” nag-aalala niyang tanong nang bitiwan na ang pisngi ko. Umayos na rin siya ng upo sa bangko niya. Nang abutin niya kasi ang pisngi ko ay bahagya siyang dumukwang palapit sa akin para lang maabot ako. Bumuntong hininga ako at hindi malaman ang isasagot sa kanya. Mas lalo pa akong kinabahan nang makitang titig na titig pa rin siya sa akin, tila hinihintay ang sasabihin ko. Bumaba ang ulo ko at mariin na kinagat ang pang-ibabang labi. Walang mangyayari kung magpapadala ako sa takot ko. Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo. “I… I have something to confess,” panimula ko, nagkautal-utal pa dala ng kaba. “What is it? Tell me.” Umangat ang ulo ko kahit na hirap akong salubungin ang mga titig niya sa akin. Gusto kong sa oras na sabihin ko ang kasalanan sa kanya ay nakatitig mismo ako sa mga mata niya. Gusto kong makita at maramdaman niya ang pagiging sinsero ko sa pagsisisi sa nangyari. “Naalala mo ba noong birthday ni Eyah?” Marahan siyang tumango bilang tugon sa tanong ko. “Yeah. You went there. Sasama sana ako sa ‘yo kaso may meeting ako ng kinaumagahan kaya hindi ako nakasama.” Napalabi ako at tumango. “May… may nangyari nang gabing ‘yon.” Kita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang naguguluhan sa nangyayari, pero mababakas din sa pagmumukha niya ang pag-aalala. “What happened, Kirsten?” Nakagat ko ang aking labi nang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata. Na-alarma siya nang makita ang mga luha kong nagbabadya na sa pagtulo. “Masyado akong nalasing nang gabing ‘yon…” “And?” “I don’t know how it happened. Pero nang magising ako, nasa… nasa isang hotel room na ako.” Naging seryoso na ang mukha niya. Mas pinakabog nito ang dibdib ko. “I was with a man… and we were both naked.” Sa puntong kumawala sa bibig ko ang mga salitang ‘yon, nanigas siya sa kinauupuan at bumakas ang matinding gulat sa mukha. Kinailangan niya pang lumunok nang maraming beses bago nagawang makapagsalita. “What… what do you mean?” Tuluyan nang sumabog ang mga luha ko. Naging sunod-sunod ang pag-agos nito pababa sa aking pisngi. “I’m sorry, Tyler. Hindi ko sinasadya.” “Ang alin, Kirsten? Ano ang hindi mo sinasadya?” tanong niya, at sa pagkakataong ito ay matigas na ang tono ng pananalita niya. Tila ba nagagalit na. Pilit kong itinigil ang pag-iyak. Tinanggal ko ang lahat ng emosyon sa mukha bago umamin sa kasalanang nagawa. “I’ve slept with another man.” I saw him stilled. Ni hindi niya nagawang makapagbigay ng reaksiyon sa nalaman. Nananatili lang siyang nakapako sa kinauupuan habang pinagmamasdan ako. “Babe, I’m sorry. I’m really sorry. Hindi ko sinasadya. Lasing lang ako,” paliwanag ko nang nananatili pa rin siyang tahimik. Mas naging masagana ang luha ko nang hindi pa rin niya ako imikin. Ngayon ako nagpapasalamat na sa dulong bahagi ng restaurant ang pinili kong table kung kaya’y bahagya kaming tago mula sa ibang costumer. Walang masyadong nakakakita sa ginagawa kong pag-iyak. “Tyler—” Hindi ko na naituloy ang sinasabi nang mapansing bigla na lang siyang tumayo sa kinauupuan. Napuno ng pagtataka ang mukha ko sa ginawa niya. “Tyler…” bulalas ko. May kung anong lamig ang gumapang sa sistema ko nang blangko niya akong tingnan. “You cheated on me…” Nawalan ako ng imik. Gusto kong idahilan na lasing lang ako nang mangyari ‘yon, pero alam kong hindi sapat na dahilan ‘yon. I… I still cheated on him. “Babe, please. I’m sorry. I promise, it will never happen again. Hindi na rin ako mag-iinom pa.” Natigilan ako nang talikuran na niya ako. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at hinawakan siya sa braso niya. “Babe…” Naghalo-halo na ang emosyon ko. Naroroon na ang galit sa sarili, pagsisisi, at frustrations ko sa nangyayari. “Let me go, Kirsten.” Tumindi ang takot sa aking dibdib sa lamig ng boses niya. Sa puntong ito, alam kong galit na siya sa akin. “Please, babe. I’m sorry. Pangako, hindi na mangyayari ‘yon. Please. Patawarin mo na ako. Huwag naman ganito.” Nabigla na lang ako nang pabalya niyang binawi ang braso mula sa akin. Puno na rin ng pagbabaga sa galit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako. “Kirsten, nakipag-s*x ka sa ibang lalaki kahit na may fiancé ka. Sa tingin mo, mapapatawad kita nang gano’n-gano’n lang?” Muling umagos ang mga luha ko sa sinabi niya. “Alam ko naman ‘yon. Ako ‘yong may mali. Pero please… ayusin natin ‘to.” “Ayusin? Paano natin aayusin ‘to, Kirsten?” puno ng sarkasmo niyang tanong. Natigilan ako nang magkaroon ng pandidiri ang paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. “Parang… parang hindi ko ‘to kayang tanggapin, Kirsten. Alam mo kung gaano kita nirespeto. Wala akong ginawa sa ‘yo dahil iginagalang ko ‘yong gusto mo na saka natin gagawin ang bagay na ‘yon kapag naikasal na tayo.” Puno siya ng sakit na tumawa. “Pero nang dahil lasing ka lang, ibinigay mo ang sarili mo sa iba. Ni hindi mo inisip na may fiancé ka. May masakit ‘yon kaysa sa ginawa mong pakikipag-s*x sa ibang lalaki.” Wala akong magawa kundi ang maiyak na lang. Hindi ko madepensahan ang sarili dahil alam kong tama siya. Walang sapat na dahilan o eksplenasiyon ang nagawa kong kasalanan sa kanya. “Kung hindi mo pa kaya sa ngayon, mag-cool off muna tayo. Bibigyan kita ng panahon. Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo ako,” sabi ko, desperada na talaga. “Cool off?” nanggigigil niyang sigaw sa mababang boses para hindi marinig ng ibang tao sa paligid. Kahit na malala na ang nangyayari sa amin ay nananatiling mababa ang boses naming dalawa. “Hindi cool off ang gusto ko, Kirsten. Ang gusto ko, maghiwalay na tayo!” Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. Ni hindi ko nagawang makagalaw sa kinatatayuan ko. Kita ko ang sakit sa mga mata niya nang salubungin niya ang tingin ko sa kanya. “I’m sorry, but I don’t think I can forgive you. Sobrang sakit, Kirsten. Sobrang sakit ng ginawa mo sa akin.” “But our wedding…” Hindi ko na maituloy ang sinasabi. Hindi ko malaman kung paano ‘yon dudugtungan. Suminghap siya ng hangin na tila ikinakalma ang sarili. Mas kontrolado na niya ang emosyon nang muling itinuon ang atensiyon sa akin. “Wala nang mangyayaring kasalan, Kirsten.” After he said those words, he… he just left. Naiwan akong mag-isa habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Ni wala na akong paki sa mga taong maaaring makakita sa akin ngayon na lumuluha. Masyadong wasak ang puso ko para alalahanin pa ‘yon. Dahil sa nagawang pagkakamali, hindi lang ang pagkabirhen ko ang nawala sa akin… pati na rin ang lalaking mahal ko. That one night mistake ruined everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD