"ANG blooming naman ng kaibigan namin ngayon," pang-aasar ni Eyah nang dumating na ako sa pagkikitaan naming restaurant. Pabiro ko siyang inirapan bago dumeretso kay Natalia at Heather. Saglit akong nakipagbeso sa dalawang kaibigan bago umukupa na ng bangko sa tabi nila. Nagtawag ng waiter si Heather para makapag-order na kaming apat. Nang matapos ay roon pa lang nagsimula ang kuwentuhan sa pagitan namin. "How was your three days vacation on Baguio?" pang-uusisa agad ni Eyah. Mukhang nag-aabang din ng magiging tugon ko ang dalawa. Masaya akong ngumiti. "It was good." Bago umalis patungo ng Baguio ay nabanggit ko ang tungkol doon sa mga kaibigan ko. At ngayon, nasa dalawang araw na rin simula nang makauwi kami ni Archer. Ngayon lang namin nagawang magkita-kita dahil ngayong araw lang n