Chapter 23.1 - Sweet

1020 Words

"SALAMAT sa paghatid sa akin." Baling ko kay Archer nang baklasin na sa katawan ang seatbelt ko. Banayad pa akong ngumiti sa harapan niya. Ngumiti siya at tumango lang bilang tugon. "Mauuna na ako. Mag-iingat ka sa byahe." Akmang bababa na ako ng kotse niya nang hawakan niya ako sa siko ko dahilan para matigilan ako. Nakakunot ang noo ko nang pukulin ng tingin si Archer. Naguguluhan ako sa ginawa niya. "What?" "You forgot something." Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko. Bumaba ang tingin ko sa dala kong shoulder bag at kinalkal ang loob nito. All my important things are here. "Wala naman—" Nabitin sa ere ang sinasabi ko nang pag-angat ng tingin sa kanya ay ang labi niya ang sumalubong sa akin. "Do you remember now?" nakangisi niyang tanong matapos akong bigyan ng isang magaan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD