I DON'T know how long that kiss lasts. Basta nang maghiwalay ang labi namin ay natagpuan ko na lang na parehong mabibigat ang hininga naming dalawa. Nang magtama ang mga mata namin ay tila roon ako binuhusan ng malamig na tubig. Natanto ko kung ano ang nangyari sa pagitan namin. Umawang ang bibig ko kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi. Mariin akong lumunok at dala ng taranta ay mabilis kong tinalikuran si Archer. "Kirsten..." mahina niyang tawag sa akin. Tila nanlambot ako at napahawak sa kanto ng lababo. "Mag...maghuhugas na ako." Nagkanda-utal-utal pa ako sa sinabi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hindi ko naman siya magawang harapin. Ang tanging magagawa ko lang ay iwasan kung ano man ang sasabihin niya. Wala akong nakuhang tugon mula sa kanya, pero bago ko maramdam