"CONGRATULATIONS to both of you!" Nilagyan ko ng ngiti ang labi kahit tila hindi man lang 'yon umabot sa mga mata ko. Ngumiti na lang din si Archer sa mga magulang namin. "Congratulations, Hija. Pangako, aalagaan ka namin ng anak ko," ani Ma'am Brianna. Nabigla pa ako nang buong galak akong yakapin ng ginang. "Salamat po, Ma'am Brianna." Mabilis siyang humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin. "Ano ka ba, Kirsten? Kasal na kayo ng anak ko, kaya dapat ay mama na ang tawag mo sa akin." Nahaluan ng ilang at hiya ang ngiti ko sa kanya. "Sige po... Mama." Nawala na sa isa't isa ang atensiyon namin nang ang mga magulang ko naman ang lumapit sa amin ni Archer. Tiningnan lang ako ng ama ko habang si Mama ay saglit akong niyakap. Pagkatapos ay napunta na ang atensiyon nila kay Archer. "Take ca