DAHAN-DAHANG iminulat ni Esrael ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang wala na sa kaniyang tabi ang asawa. Inaantok ma'y inilibot nito ang paningin sa buong silid. Mayamaya ay bumangon ito sa kama. Kinuha ang boxer short na nasa may paanan ng kama at isinuot iyon. "Chiquita?" tawag niya sa babae kasabay ng pag hakbang nito palabas ng kuwarto. Nang malanghap niya ang amoy ng pagkain mula sa loob ng kusina'y awtomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi at nagmamadaling naglakad palapit doon. Naroon nga ang kaniyang asawa. Abala ito sa pagluluto para sa kanilang almusal. May pakimbot-kimbot pa itong ginagawa habang sinasabayan ang musika na tumutugtog mula sa kaniyang cellphone. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Esrael habang hindi pa rin nawawala ang ma