"BAKIT hindi mo kaagad sinabi sa 'kin na mahal mo na pala ako?" tanong ni Jen sa asawa habang payapa siyang nakaunan sa dibdib nito. Pareho silang hubo't hubad habang nasa ilalim nang makapal na kumot. Nakayakap ang isang braso ni Esrael sa kaniya habang ang isang kamay naman nito ay pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri sa kamay. Masuyong ginawaran ni Esrael ng halik ang noo ng kaniyang asawa bago sinagot ang tanong nito. "I tried so many times, Chiquita." anito. "Pero sa tuwing susubukan kong lumapit sa 'yo para mag tapat sa totoo kong damdamin para sa 'yo... lagi akong inuunahan ng kaba sa dibdib ko. Lagi akong inuunahan ng labis na takot dito sa puso ko. I mean, I was thinking na... paano kung ako naman ang tanggihan mo kapag sinabi ko sa 'yong mahal na kita? Paano kung i-reject mo