DALA sa labis na pagod at puyat ay hindi na namalayan ni Jen na nakatulog siya ng mahimbing habang nasa biyahe sila. Nagising na lamang siya nang maramdaman niyang parang lumulutang siya sa ere. Dahan-dahan na iminulat niya ang kaniyang mga mata. Madilim na paligid ang bumungad sa kaniyang paningin. Mayamaya ay bumukas din ang ilaw sa buong paligid. Tumambad sa kaniya ang mukha ni Esrael habang nakatingin ito sa unahan. "Nasaan na tayo?" tanong niya matapos ilibot ang paningin sa buong paligid. "You're awake!" sa halip ay saad ni Esrael at saglit siyang tinapunan ng tingin. "We're here." aniya at pumasok ito sa pintuan ng kuwarto na nakabukas. Naglakad ito palapit sa kama at maingat na inilapag doon ang asawa. "Are you hungry?" tanong niya rito mayamaya. Hindi sumagot si Jen. Sa halip a