CHAPTER 19

1964 Words

HAWAK-HAWAK ang bote ng alak habang nakatayo si Esrael sa gilid ng swimming pool. Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw pero ito siya't nag bibilad doon. Nag-iisip sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Dalawang araw na rin siyang hindi mapakali. Hindi mapanatag ang kaniyang sarili. Lalo na sa tuwing nakikita niyang magkasama sina Alihan at Jen. Dalawang araw na rin siyang tila nababahag ang buntot at walang lakas ng loob na lapitan ang dalaga upang mag tapat dito. Hindi niya alam kung paano kikilos para umpisahang aminin ang tunay na nararamdaman para sa dalaga. At tila mabaliw-baliw na rin ata siya kakaisip dito. Nitong nagdaang araw lang ay maghapon na namang magkasama ang kapatid niya at ang dalaga. Namasyal daw ang mga ito sabi ng nana Rosing. Hindi niya alam kung an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD