MALAYO pa man mula sa swimming pool area ay nadidinig na ni Jen ang malakas na tawanan ng kalalakihan habang nag lalakad siya sa damuhan sa may hardin ng mansion. "May bisita ba ang Don Demetrio?" kunot ang noo na tanong nito sa sarili. Hindi ito tumigil sa paglalakad at nag tuloy lamang hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng mga lalake. Naroon ang Octavio, Judas, Uran at Esrael. Nagkakasiyahan ang mga ito. Kaya naman pala maingay, iyon ay dahil dumating si Judas kasama ang pinsan nilang si Uran. Nag kibit-balikat lamang ang dalaga pagkuwa'y muli itong pumuhit upang bumalik at pumasok na lamang sa loob ng bahay. Kararating lamang nila ni Elvie galing sa parke. Dahil nag aagaw na rin ang dilim at liwanag sa buong palagid ay nag pasiya na silang dalawa na bumalik ng mansion para mak