Episode Twenty Five

1296 Words
SHIRTLESS YUAN “ALRIGHT, ladies and gents! Let’s welcome back our candidates showcasing their summer wear outfits.” Masiglang announce ng emcee na si Ron-Ron. Isa-isang pumasok ang mga contestants suot-suot ang best summer wear get-up nila kasabay ang kani-kanilang mga escorts habang sinasabayan sa kanilang paglalakad ang upbeat music na New Romantics ni Taylor Swift. Kaniya-kaniyang posisyon sa stage ang mga candidates kasama ang escorts. Abala sa pagkuha ng still photos ng mga candidates si Felix gamit ang hawak niyang Canon camera nang marinig niyang biglang lumakas ang ingay ng mga audience. Especially ng mga girls na estudyante na nanunuod. Ibinaba tuloy niya ang camera para tingnan kung bakit nagmistulang may nagaganap nang pandemonium sa loob ng theatre sa lakas ng ingay. Kaya pala lumalabas na mula sa backstage si Chloe at kasabay si Yuan. Pero kaiba sa mga kasamahan nitong escorts na karamihan ay nakasuot ng mga Hawaiian shirts na naka-unbuttoned ang harap para makita ang kanilang mga well-chiseled chest o naka-sando shirt o well-fitted muscled shirts para ma-display ang kanila mga pecs at arms, parang nag-level up si Yuan dahil siya lang ang nag-iisang shirtless sa mga escorts. Nakasuot lang ito na may naka-print na mga killer sharks. Barefooted lang din itong naglalakad sa stage. Masasabi pa ngang parang na-upstage ni Yuan ang ineeskortehang candidate na si Chloe na maganda rin ang outfit sa suot nitong baggy shorts, crop top, acid-wash denim jacket at straw hat. Pinilit magpakita ng straight face ni Yuan pero halatang naasiwa siya sa atensiyong nakukuha niya ngayon. “I feel way so underdress.” Bulong ni Yuan kay Chloe. “You shouldn’t be embarrassed, Yuan. You’re a hunk.” Nangingiting pansin ni Chloe sa escort niya. Umasim ang mukha ni Yuan. “Asiwa talaga akong tawagin ng ganyan, Chloe.” Kanina sa backstage, hindi napigilang ‘di matakpan ni Chloe ang bibig sa sobrang gulat nang makitang shirtless na rarampa si Yuan sa stage kasabay niya. Hindi dahil nag-alangan siyang sabayan si Yuan sa stage dahil shirtless ito. Pero dahil na-amaze siya sa physique nito. Nag-blush pa nga yata si Chloe. Buti na lang at dim ang lights sa backstage kaya hindi ito napansin ni Yuan. Masyado nga siyang conscious sa lapit ng katawan ni Yuan sa kanya habang naglalakad sila sa stage. “Ganito na lang. Dadamayan na lang kita sa state of underdress mo.” Tinanggal ni Chloe ang suot na jacket at very pro na hinawakan ito sa collar habang nakasukbit ang jacket sa isang shoulder niya. Naging pansinin tuloy ang creamy complexion ni Chloe sa suot lang nitong caramel brown na crop top. “Hope this makes you feel a little better.” Nginitian naman siya ni Yuan. “Thank you, Chloe.” Isa-isang tinatawag ni Ron-Ron sa mikropono ang mga pangalan ng candidates para lumakad sa gitna ng stage para ma-assess at mabigyan ito ng scores ng panel of judges ang outfit nito. Una sa mga tinawag si Jill. Lumakad ito papunta sa harap ng stage kasabay si Francis na naka-bucket hat, open checkered shirt, cropped jeans at sneakers. Slyly na tumingin pa si Jill sa puwesto nina Yuan at Chloe. Napansin nito kanina ang pagtanggal ni Chloe ng jacket nito habang discreetly silang nag-uusap ni Yuan. Kaya hindi surprising na pagdating nilang dalawa ni Francis sa gitna ng stage ay tinanggal din ni Jill ang suot na boyfriend jacket, binigay ito sa ka-partner na si Francis saka nag-pose sa harap ng audiences at mga judges para ibida ang svelte figure niya sa suot-suot na sports bra, high-waist jeans at sandals. Sumulyap pa ulit si Jill sa puwesto nina Yuan at Chloe bago lumakad pabalik sa posisyon nito kanina sa stage kasabay si Francis. Bigla tuloy naisip ni Chloe na asarin si Jill pag sila naman ni Yuan ang maglalakad sa harap ng stage. Kaya nang tinawag na ang pangalan ni Chloe ay sinadya nitong idikit ang katawan kay Yuan at humawak pa siya sa balikat ng escort. As expected, umingay ulit ang audience nang lumakad sila ni Yuan sa harap ng stage. Mukhang humakot ng admirers si Yuan sa pag-ramp niya sa entablado ng shirtless. Lumayo saglit si Chloe kay Yuan para mabistahan ng mga judges ang suot niya summer outfit. Saka sila bumalik ni Yuan sa original place nila sa stage. Halata namang nagpipilit mag-put up ng straight face ni Jill pagkatapos rumampa nina Yuan at Chloe. Halatang apektado sa ginawang ‘stunt’ ng best friend. “Felix! Nagka-crush yata ako bigla kay Yuan. Ang lakas ng dating niya pag walang shirt!” Sinabayan pa ito ng tawa ni Linus. Nakaupo ito sa kahilera ng pinupuwestuhan ni Felix sa front row seats. Sinadya pang ilakas ni Linus ang pagsasalita dahil maingay pa rin ang audience na after effect ng presence ni Yuan sa stage. Matipid lang na nginitian ni Felix si Linus. Tiningnan niya ang mga still photos na nakuha sa Canon camera. May isang picture siyang nakuha na nakangiti sa isa’t isa sina Yuan at Chloe habang nakatayo sa harap ng stage. Base sa mga subtle gestures na nakikita ni Felix sa dalawa mukhang nagkakapalagayang loob na sina Yuan at Chloe. Pumasok bigla sa isip ni Felix ang sinabi sa kanya ni Yuan kanina nung papunta pa lang sila sa school kanina. “Gusto agad? Ngayon pa nga lang kami nagkakakilala, eh. Saka hindi ako madaling magkagusto sa babae. It takes a little bit more than a pretty face for me to like the person. Mas attracted ako pag matalino ‘yung babae. May sense kausap. Hindi puro make-up, dressing up at pagti-t****k lang ang alam. But don’t get me wrong. I find Chloe very attractive. I just hope she’s not just a pretty face who likes to flaunt the latest wardrobe finds from Gucci and Fendi.” Ang tingin na ba ngayon ni Yuan kay Chloe ay hindi lang basta pretty face lang ngayong nakakausap na niya ito ng madalas since naging escort siya dito sa pageant? Parang ayaw malaman tuloy ni Felix kung anong magiging sagot dito ni Yuan. Sina Iñigo at Sara na nakaupo naman malapit sa harap ng stage ay naka-video call kay Reginald para mapanuod nito via phone lang ang nagaganap na pageant kahit nasa bahay pa rin ito at nagpapagaling. Ine-expect na ni Iñigo na madidismayado ito sa nakita. “Break muna ako sa panunuod, Bro.” Walang ganang sabi nito. “What? You’re not gonna watch the rest? May talent portion, gown and Q and A pa.” “After kong makita ‘yung ginawa ni Chloe sa tsinitong banlag na escort niya, I need a break, man! Para akong tino-torture.” “Alright.” Naintindihan naman agad ni Iñigo ang pagsisintimiyento ng kaibigan niya. “I’ll just call your right back pag simula na ng talent portion at si Chloe na ang magpe-perform sa stage.” Nagbigay lang ng noncommittal grunt si Reginald at ito na ang nag-disconnect ng call. Pagtingin ni Iñigo kay Sara na katabi niya ng upuan ay nakita agad niyang mesmerized itong nakatingin kung nasaan nakatayo si Yuan na katabi pa rin ni Chloe sa stage. “Pati ikaw? You’re also salivating over that new guy? Pakisama naman, Sara. Kahit hindi na sa ‘kin. Nakita mo na nga si Reginald na nade-depress na sa pagka-heartbroken.” “Eye candy si Yuan, Iñigs, I couldn’t help it. Saka tigilan na kamo ni Reginald ‘yung pagsa-sour grape niya. Lalo siyang hindi magiging appealing kay Chloe pag nagpakita siya ng insecurities. Siya rin ang talo.” Sinimangutan na lang ni Iñigo ang girlfriend at pinanuod na lang ang iba pang mga candidates na nagpe-present ng kanilang summer wear.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD