Episode Twenty Four

1100 Words
-YUAN FORGOT HIS ASSIGNED OUTFIT- MATAPOS magpakilala ang contestants ay bumalik sila sa backstage para makapagbihis dahil kasunod na nilang irarampa sa stage ang kanilang mga summer wear. Bilang intermission habang nagpe-prepare pa ang mga candidates ng Miss Teen Earth, umakyat muna sa entablado ang banner choir ng The Good Earth Academy para mag-perform. Isa sa mga members ng choir si Cherry na palaging nakakalaro ng emcee na si Ron-Ron ng Frisbee sa school grounds. Hindi nakaligtas kay Carol na pasimpleng naghawakan ng kamay sina Cherry at Ron-Ron habang umaakyat si Cherry kasama ang mga ka-grupo niya sa choir sa stage. Sumimangot agad ang mukha ni Carol. Napansin ito ni Deejay at bahagya itong umusog sa inuupuang chair palayo kay Carol. Baka kasi magkamali siyang masagi ito ng kahit bahagya lang ay siya ang mapagbuntunan ng inis nito. Nagsimulang kumanta ang The Good Earth Academy Choir ng sarili nitong cover ng upbeat song ni Lizzo na Good As Hell na sobra namang na-entertain ang crowd. Sa kalagitnaan ng performance ng choir, lumapit ang choreographer c*m stage director ng pageant na si Jox kay Yuan. “Hindi ba isa ka sa mga escorts sa pageant? Pumunta ka na sa backstage. Magpalit ka na ng summer outfit mo para match kayo ng ka-partner mo pag naglakad na kayo sa stage mamaya.” Nakatingin lang saglit si Yuan kay Jox. Nasa hitsura niya na parang nagsasalita si Jox sa ibang lengguwahe at hindi niya maintindahan. Saka na-realize ni Yuan na may isa pa siyang bagay na nakalimutang dalhin para sa kanyang duty bilang escort ng pageant. Napapikit si Yuan ng mariin habang sapo ng isang kamay ang ulo niya. Feeling niya ay nagka-migraine siya bigla. “s**t!” Mahina pang nasabi ni Yuan. “Let me guess, naiwan mo ang summer outfit mo? Seryoso ba ‘yan? Well, I understand kaka-join mo lang ng rehearsal kahapon. But still, paulit-ulit akong nagpaaalala right before we pack up. Ang bata mo namang mag-ulyanin.” Nakatikim tuloy si Yuan ng sarcastic remark kay Jox. “Sorry, Jox. I got so preoccupied kasi.” Apologetic na sabi naman ni Yuan. “Ang magiging scenario ngayon, it’s either maglalakad ka sa stage kasama ang ka-partner mo na suot-suot ‘yang barong tagalog mo or nakasuot ka lang ng boxer briefs. It’s your choice.” Nag-assume pa ng meditative pose si Jox na nakahawak pa ang isang kamay sa chin. “Puwede naman siguro ‘yung P.E. uniform ng school ang isuot, ‘di ba? Meron akong spare. Nasa locker nga lang. Pero puwede ko namang takbuhin.” Pagprisinta ng tulong ni Felix. “No offense, ha? Pero hindi naman kakasya ang uniform mo sa kanya dahil mas malaki ang built ng katawan niya sa ‘yo.” Diretsahang sagot naman ni Jox kay Felix. Binalingan agad nito kay Yuan. Medyo nag-soften na nang makitang parang napapahiya na si Yuan. “’Di bale! Baka ‘yung mga kasama mong escorts ay may spare na puwede ipahiram sa ‘yo for the meantime. Let’s go na sa backstage! Matatapos na ‘yung intermission performance nung choir.” Bumaling naman si Yuan saglit kay Felix habang tumatayo. “Salamat sa offer, Felix, ha? Sa ‘yo na muna ‘to.” Sabay abot ng hawak niyang camera. Sumunod agad si Yuan kay Jox na nauna nang lumakad papunta sa backstage. Nag-alala naman na napasunod ng tingin sa kanila si Felix. Ano kayang mangyayari kung walang maipahiram na maisusuot si Yuan ang mga kasama nitong escorts? -------- TINAWAG agad ng pansin ni Jox ang mga male na mag-e-escorts na currently ay nagbibihis sa backstage ng kanilang mga summer get-ups. “Attention, my darling escorts! May konting dilemma lang tayo and I need your help. ‘Yung isa n’yo kasing kasama nakalimutan dalhin ‘yung pang-summer outfit niya. That’s why kung meron man sa inyo ang may spare na puwedeng ipahiram for the summer wear segment, please do. May reward na Starbucks GC sa ‘kin ‘yung magpapahiram. Promise!” Wary ang karamihan sa mga nagbibihis na eskorte na tumingin kay Yuan na nakapuwesto sa likuran ni Jox. Maugong na kasi ang pangalan ni Yuan sa school kahit kaka-transfer pa lang niya, lalo na sa mga girls ng The Good Earth Academy. Ang tingin tuloy niya kay Yuan ay kakumpitensiya kahit wala naman itong ginagawa. Pero isa sa kanila ang lumapit. Nag-offer pa itong makipag-kamay kay Yuan. “Stephen, Pare.” “Yuan.” Sagot nito na tinanggap ang pag-shake hands ni Stephen. “Meron akong extra na board shorts na puwede mong isuot. Tingin ko naman kakasya sa ‘yo. ‘Yun nga lang wala akong maipapahiram na any kind of shirt.” “Okay lang ‘yun.” Si Jox na ang sumagot. “Mag-shirtless ka na lang.” Suhestiyon naman ni Jox kay Yuan. “Maganda naman ang built mo, eh. Saka saglit lang naman ang exposure mo sa stage.” Napakibit-balikat na lang si Yuan. Wala naman siyang choice at that point. Sinimulan nang hubarin ni Yuan ang suot niyang barong. “Salamat, Stephen, ha? Remind mo na lang ako sa Starbucks GC mo later. I’ll check now the girls on the other side to see how they’re doing.” At iniwanan na nito si Yuan sa mga nagbibihis na escort. Inabot ni Stephen kay Yuan ang pinapahiram na board shorts. “Here you go.” Nakangiting sabi pa nito. “Thank you.” Matipid ang ngiti na sagot ni Yuan habang kinukuha ang shorts. “Kung alam ko lang, I should have worn a sleeveless undershirt before putting on the barong para puwedeng pumasa na pang-summer. Hindi ‘yung long-sleeved na kamisachino pa ‘yung nasuot ko.” “Okay lang ‘yun.” Sagot ni Stephen habang isinusuot ang Haiwaiian polo shirt na hahayaan lang nitong hindi nakabutones para exposed ang well-toned na chest nito. “At least, maa-anticipate mo na ‘yung embarrassing moment mo mamaya. Mape-prepare mo na ang sarili mo.” Natawa na lang ni Yuan habang isinusuot na ang pahiram na board shorts ni Stephen. “’Lagay mo na lang ‘yung clothes mo sa tabi ng gamit ko. Para later ‘pag nagbihis na tayo for the formal attire ng mga candidates, d’yan mo na lang din kukunin.” Tumango na lang si Yuan. Inaalala kasi niya ang magiging reaction ng crowd pag nakita nilang siya lang ang bukod tangi sa mga escorts ng mga contestants ang shirtless na lalabas sa stage mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD