"Saan tayo papunta?" Tanong ni Alessia sa aking tabi.
"Sa labas ng bayan gaya ng sabi ni Ely,"tugon ko rito, "Pero hindi ko nga lang din alam kung saan tayo pagkalabas natin dito."
Natahimik naman itong si Alessia sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa aking kamay ngayon. Ramdam ko ang lamig sa mga palad nito na para bang nagpapahiwatig kung gaano ka-grabe ang kaba na nararamdaman niya. Alam ko naman na aligaga na ito dahil wala naman siyang alam sa ano ang pwedeng mangyari sa amin.
Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng gate ng bayan na ito. Nang tignan ko ang labas nito ay wala man lang kapuno-puno. Hindi naman siya disyerto dahil may mga tubig naman ito at ilang mga halaman sa lupa.
Napatingin naman ako sa mga nagbabantay sa may pinto at nakita itong nagtataka sa amin. May bahid din na takot sa mga mata nila na para bang nagtatanong kung sigurado ba kami sa desisyon namin na pumunta sa lugar na ito. Lumingon si Ely sa amin at ngumiti, "Handa na ba kayong dalawa?" Tanong nito, "Hindi ako sigurado sa kaligtasan natin pagkalabas natin sa bayan na ito, kahit naman sa bayan na ito."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito. Lumingon naman muna ito sa mga nagbabantay bago tumingin sa akin at ngumiti.
"Mamaya ko na sabihin, sa ngayon ay magsimula na tayong maglakbay. Masiyadong malayo pa ang lalakbayin natin,"tugon nito at na una nang maglakad. Sumunod na lang kami sa kaniya.
Nang makalabas na kami ay isang malakas na pagsirado ng pinto ang aking narinig mula sa aking likuran. Doon ko lang nakita ang malaking pinto sa likuran namin.
"Talagang sinisigurado nila na nakasirado ang pasukan ah?" Tanong ni Alessia.
"Paano ba naman, ayaw nilang may makaalam sa sekreto nila,"tugon ni Ely atsaka humarap sa amin.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.
"Ano pa ba?" Tanong nito at hinila na kaming dalawa, "Hindi ba halata kanina? Hindi pa ba halata kung ano 'yong kinikilos noong matanda kanina? Hindi iyon ang taong namumuno sa bayan noon, ang taong namumuno sa bayan na ito ay matagal ng patay dahil sa isang digmaan. Ang taong iyon o ang matandang iyon ay ang pinuno ng mga lalaking tinutukoy niya sa kaniyang kwento."
Unti-unting lumaki ang aking mga mata dahil sa aking nalaman. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala ang naging sitwasyon namin. Hindi ko tuloy lubos maisip kung ano ang nangyari sa amin sa oras na mas nagtagal pa kami sa lugar na iyon.
"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko rito.
Nagulat naman ako ng bigla na lang akong hampasin ni Alessia sa aking balikat at napapa-iling na naglakad.
"Hindi ba halata sa iyo 'yon?" Tanong nito, "Kanina pa ako nakakahalata eh. Pansin ko na noong una pa kung anong klaseng tao iyon."
"Ha?"
Mas lalo ko tuloy hindi naiintindihan kung ano ang sinasabi nila. Gusto kong malaman kung ano ang ibig nilang sabihin at kung paano nila nabasa ang kinikilos ng mga tao roon. Akala ko talaga ay totoo lahat ng sinasabi ng matandang iyon.
"Alam mo, Valerie. Matalino ka namn eh,"ani ni Alessia at bumuntong hininga, "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo napapansin ang kinikilos ng taong iyon. Hindi pa ba halata iyong pamamahay niya, iyong kinikilos niya at kung ano ang paraan ng pagkwento niya?"
"Wala talaga,"tugon ko.
"Unang-una, hindi normal para sa isang mabait na pinuno ang magkaroon ng ganoong klaseng bahay na malapit sa bayan. Pangalawa, hindi mo ba napapansin na walang katao-tao ang buong lugar?" Tanong nito.
"Diyan ka nagkakamali, Alessia,"tugon naman nitong si Ely, "May dalawang tao na nandoon pero nakatago sa likod ng mga estatwang malalaking iyon."
"Ay, ganoon ba?" Tanong naman ni Alessia.
Teka. Sandali. Bakit wala akong maintindihan sa sinasabi ng dalawang 'to? Bakit sila lang dalawa nagkakaintindihan tungkol sa ganitong bagay? Ano ba 'yan.
"Ayon nga, sabi nga ni Ely ay may dalawang tao na nagbabantay doon. Pangatlo ay sobrang yaman ng buong bahay para walang ibigay na tulong ang pinuno sa lahat. Hindi ba at mabait naman siya kung makipag-usap sa atin? Kaya impossibleng ganoon na lang 'yon,"paliwanag ni Alessia.
Kung ganoon niya ilalagay ang sitwasyon ay talagang masasabi ko na may maling nangyayari dito. Oo nga siguro, siguro nga ay hindi iyon ang pinuno ng bayan. Siguro ay siya iyong naging dahilan kung bakit naging gipit ang mga tao sa pera at pagkain. Hindi lang iyon, maaring siya rin ang naging dahilan kung bakit may mga halimaw na umaatake sa bayan na naging dahilan ng pagiging aligaga ng lahat. Ang mga batang gusto ko sanang tulungan ay ang mga tao talaga na nangangailangan ng tulong, ngunit dahil nga sa sinabi ng taong iyon ay nagdadalawang isip pa ako na gawin iyong gusto ko.
"Ano naman ang ibig mong sabihin na kailangan natin lumabas agad?" Tanong ko rito.
"Hindi mo ba nakita iyong nakasulat sa kamay niya?" Tanong ni Ely. Kamay ng matanda?
"Wala akong nakita eh, mayroon ba?" Tanong ko rito. Kitang-kita ko naman ang pag-face palm ni Alessia at Ely. Napapailing pa ang mga ito dahil sa sagot ko.
"Ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa iyo kapag mag-isa ka na lang talaga,"bulong ni Ely, "Ngunit, hayaan mong i-kwento ko na lang sa iyo ang napansin ko kanina."
"Na pansin natin, Ely, na pansin natin,"tugon naman ni Alessia.
"Oo nga pala. Na pansin namin, pero gaya nga ng sabi ko ay kanina ko pa nahahalata ang pagtingin-tingin nito sa kaniyang mga kamay. Na pansin ko rin ang suot nito sa ilalim na sobrang kintab, kaya doon na ako nagduda. Habang nilalaro nito ang kaniyang mga daliri kanina ay doon ko nakita ang naka-sulat sa kaniyang palad. Hindi ito masiyadong mahahalata dahil ang lenggawahe na gamit nila ay iba, pero ako na halos ginugol ang buong buhay ko sa mga leksyon ay talagang maiintindihan ko ito agad,"tugon ni Ely, "Pero kahit ganoon ay hayaan na natin. Sa ngayon ay kailangan natin ituon ang ating atensiyon sa ating misyon. Tsaka na natin sila balikan pagkatapos nito."
"Darating na rin ba ang iyong ama sa mga panahon na iyon?" Tanong ni Alessia.
"Baka nga mas ma una pa ito. Hindi ko kasi talaga alam kung anong oras makakarating kay ama ang sinulat ko para sa kaniya." Tugon nito, "Kung kaya ay dalian na nating para makahabol pa tayo sa kanila."