Chapter 32

1014 Words
Hindi ko lubos maisip na ang taong nasa harap namin ngayon ay siyang pinuno pala ng buong bayan. Kung titignan ay para lang itong matandang walang pera at nanlilimos sa tabi. Totoo nga siguro 'yong don't judge the book by its cover, ngayon din ay klaro na sa akin kung bakit ganito ang kaniyang bahay. Sobrang ganda ay sobrang yaman ang datingan. Iyon pala ay ito ang bahay niya noong mga panahon na ayos pa ang bayan na ito. Ngunit, hindi ba at nasa lugar na kung saan walang masiyadong tao nakapwesto ang mga ganitong klaseng pamamahay? Bakit ang lapit lang yata nito sa bayan na mas lalo kong ipinagtataka? "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Sapagkat, labis ang pagbaba ng aming bayan. Kung ako sa inyo ay umalis na kayo rito, huwag na kayong magtagal pa kung ayaw niyong magduda kagaya namin,"malungkot na sabi nito. Labis ang aking pagkagulat dahil sa sinabi ng pinuno. Sa pagkakaalam ko ay ang pinuno pa ang nararapat sana na magsabi na manatili ang mga tourtista dito sa kanilang bayan. Ngunit, nang dahil sa kanilang sitwasyon ay wala siyang magagawa kung hindi ay ang sabihin sa mga taong dayuhan na umalis na lamang. Wala siyang ibang mapagpipilian, pinoprotektahan lamang nito ang mga baguhan. Labis na lungkot ang aking nararamdaman sa naging sitwasyon nila ngayon, sobrang sikip ng aking dibdib na para bang pinipiga ito ng ilang beses.  "Huwag po kayong mag-alala. Gagawin po namin ang lahat upang mapatay ang mga halimaw na umaatake sa bayan na ito, sa sitwasyon naman na tungkol sa mga grupo ng lalaking bigla na lang sumulpot dito ay hahayaan ko ang aking ama na mag-resolba nito,"sambit ni Ely atsaka tumayo, "Habang wala pa ang tulong na sinasabi ko ay nais ko lang sabihin sa inyo na manatili kayong ligtas. Huwag na lang muna kayong lumabas sa pamamahay na ito hangga't maari." Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Ely. Alam ko sa sarili ko kung gaano na ito kagalit ngayon. Sino ba naman ang hindi. Napatingin naman ako sa matanda ng bigla na lang itong humagulgol ng iyak. Naiintindihan ko naman ang naging sitwasyon niya. Kaya siya naging ganito ay dahil pagod na siya sa naging sitwasyon niya nitong mga nagdaang buwan. Hindi lang iyon, maaring dahil din sa pagod na itong makita ang kaniyang mga nasasakupan na nahihirapan na mamuhay araw-araw. Bilang isang responsable na pinuno, alam kong gusto niya lang makamit ang katahimikan sa bayan. Maibalik ang saya nito at ang peace sa lahat. Ayaw na niyang makitang magulo ang mga tao dahil natatakot itong lumabas. If I know, ang bayan na ito ay masagana rin sa mga palamuti tuwing gabi. Kanina, habang naglalakad kami papunta rito ay kitang-kita ko ang ilang maliliit na bombilya na nakasabit sa mga poste. Para nandoon na iyon matagal na pero matagal na rin itong hindi nagagamit. Kung sabagay ay sino ba namang tangang tao ang gagamit sa ganoong klaseng gamit kung alam mong ikapapahamak ito ng buong bayan. "Tara na, Alessia at Val,"aya ni Ely at tumalikod na, "Tapusin na natin ang ating misyon. Hindi ko inaasahan na dahil sa kay tagal na itong nandoon ay maraming tao na ang nadadamay." Patuloy na naglakad si Ely palabas ng bahay. Nakatingin lamang ako kay Ely hanggang sa tuluyan na itong nawala. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumayo at ngumiti sa matanda. "Huwag po kayong mag-alala. Makakamit niyo rin ang pangarap niyong maresolba ang lahat ng ito,"tugon ko at tinignan si Alessia sabay tinanguan. Tumayo na rin si Alessia at nagpaalam na sa matanda. Pinauna ko na ito atsaka ako sumunod sa kaniya. Nang makalabas na kami ay naabutan namin si Ely na nakatingin lamang sa langit. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka at mapatingin kay Alessia. Nagkibit-balikat lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Alessia rito. Rinig na rinig ko naman ang pagbuga nito ng hangin bago tumingin sa amin at mapait na ngumiti. "Nandito na naman ako sa sitwasyon na kung saan may mga taong inosente na nadadamay,"tugon nito, "Ngunit, wala naman akong magagawa kung hindi ay ang tapusin kung ano man ang pinagmulan ng lahat ng ito." "Hindi ba at may koneksyon naman itong ating misyon sa nangyayari sa bayan na ito?" Tanong ko sa kaniya. Unti-unti naman itong tumango atsaka tumingin sa likuran ko, nang mapatingin din ako rito ay nakita ko ang matandang kausap namin kanina na nakatingin sa aming tatlo. Hindi ko alma ngunit parang may weird feeling akong nararamdaman mula sa kaniya. "Mayroon naman talaga,"tugon nito, "Lalong-lalo na kung ang pinagmulan naman talaga ng lahat ng ito ay nasa bayan mismo." Mas lalong kumunot ang aking noo dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero sa tingin ko ay may koneksyon ito sa pinuno. "Tara na,"aya nito at tumalikod na sa amin, "Kailangan na nating lumuwas sa bayan na ito sa loob ng tatlumpung minuto. Mamaya ko na lang ipapaliwanag kung bakit." Tumango na lang kami at sumunod na sa kaniya. Hindi na ako nag-abala pa na umimik at magtanong kung bakit. Sa pagkakaalam ko, may rason talaga lahat ng kilos ng bawat tao. Maaring sa inggit, galit, at iba pa. Hindi basta-bastang gumagawa ng desisyon ang isang tao kung hindi dahil sa mga iyon. Sa ngayon, dapat namin pagkatiwalaan si Ely. Tanging siya lang ang may alam sa aming sitwasyon ngayong araw. Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari mamaya pero sigurado ako na ito ay magiging masama. Tahimik lamang namin nilalakbay itong maingay na daan ng kanilang bayan. Sobrang gulo ng mga tao at sobrang lalakas ng kanilang boses. May nagbabanggaan pa nga at nag-aaway dahil sa nahulog ang mga pagkain ng isa. May iba rin na parang hindi alam kung ano ang unang bibilhin at gagawin. Iniwas ko na lamang ang aking paningin at nagpatuloy sa pagsunod kay Ely na ngayon ay nagmamadaling naglalakad. Ilang beses itong pasulyap-sulyap sa isang malaking orasan na nasa gitna ng bayan. May malaking kampana pa nga ito sa ibaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD