Chapter 40

2415 Words
Mayroong tatlong higaan dito sa loob ng silid at medyo may kalakihan din ang buong kwarto. May sariling banyo at dining table. Hindi ko inaasahan na magiging sobrang ganda nito. Hindi naman kasi kapani-paniwala ang panglabas na anyo ng lugar na ito. Kung sabagay, sinong tao ba naman ang mag-iisip ng rennovation sa kalagitnaan ng sitwayon ngayon sa buong bayan? Siyempre, dapat lang na isipin ng mga tao na isa lamang itong lugar na panget. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa higaan at agad na tumalon dito. Lumubog naman ang aking buong katawan na naging dahilan nang pagpikit ng aking mga mata. Sobrang sarap nito sa pakiramdam. Para bang sinadya talaga ito para sa akin. “Ang sarap,” bulong ko habang nakabaon ang aking mukha sa un “Huwag mong kakalimutan na may rason tayo kung bakit tayo nandito,”rinig kong sabi ni Alessia. Ngunit labis naman ang aking pagkagulat nang bigla na lang akong hilahin ni Ely patayo at pina-upo si Ely sa tabi ko. Kinuha nito ang papel na dala-dala niya pa kanina at nagpatuloy sa pagsusulat ng kung ano-ano.  Ibinigay niya ito sa amin at nang tignan namin ay halos malaglag ang aking panga. ‘Nakikinig lamang sila sa atin. Kung napapansin niyo na sobrang tahimik ng lugar na ito, ay dahil sa barrier na iniligay nila. Hindi lamang ito simpleng barrier, sapagkat ang barrier na ito ay kayang marinig ang usapan ng mga tao sa silid.’ Tinignan ko naman si Ely na may nagtatanong na mukha. Unti-unti itong tumango at sinenyasan akong tumahimik. Kinuha ko rin ang papel at nagsulat. ‘May alam ka bang kapangyarihan na pwede nating gamitin para makapag-usap tayo ng matiwasay?’ Binasa niya naman ito at nag-isip saglit. Lumipas ang ilang minuto at nagsulat na muli. Doon niya ibinigay sa akin ang papel na naglalaman ng spell na kung saan pwede naming gamitin. Muling nagsulat na naman itong si Ely sa isang papel. ‘Hindi ito magiging madali. Wala tayong kakayahan sa kapangyarihan na iyan.’ Says who?  Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman muli ang enerhiya. Doon ko hinanap ang barrier na sinasabi nito at agad ko ring nakita. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang unti-unti akong bumuo ng barrier dito sa loob ng silid. Lumipas lamang ang ilang minuto ay na tapos ko rin ito at tumayo na.  “At ayan ang paraan kung paano mo sila maiisahan,”sabi ko at ngumiti sa kanila.   Nagtataka naman silang tignan ako. Kung kaya ay ipinikit ni Ely ang kaniyang mga mata at nang imulat niya ito ay gulat na gulat siyang nakatingin sa akin.   “Anong ginawa mo?!” Sigaw niya.   “Nilagyan ko lang ng barrier itong silid natin para walang makakarinig,”tugon ko sa kaniya.   “Hindi. Hindi. Hindi iyan ang ibig kong sabihin, paano mo na gawa ang ganitong klaseng mahika?” Gulat na tanong niya.   “Seryoso ka ba sa tanong na iyan? Parang hindi mo pa alam ang kapangyarihan ko ah?” Tanong ko at napapa-iling na humiga muli sa aking mama.Rinig na rinig ko ang marahas na pagbuga ng hangin ni Ely at bigla na lang lumubog ang higaan ko. Imumulat ko na sana ang aking mga mata nang bigla na lang may mabibigat na mga binti na pumatong sa akin at dalawang braso na yumakap sa aking katawan. Gulat na gulat kong iminulat ang aking mga mata at nahihirapan na nilingon ang dalawa. Doon ko nakita ang mga nakapikit na mga mata ng mga kaibigan ko na para bang sobrang komportable ng mga ito. "Sinong may sabi na pwede niyo akong daganan?" Tanong ko sa kanila, "Umalis nga kayong dalawa. Ang bigat-bigat ninyo." Umungol lamang si Ely, samantalang si Alessia naman ay umiiling habang nakapikit. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ipinikit ang aking mga mata. Kung ayaw niyong kumawala sa akin, pwes gagawin ko ang lahat para kusa na kayong lumayo. Pinakiramdaman ko ang aking katawan at kinalat ang enerhiya ko. Doon ay naramdaman ko na lang ang unti-unting pag-init ng aking paligid at kasabay nito ang paggaan ng pakiramdam ko. Kasabay pa nito ang dumadaing na mga kaibigan ko habang nakatingin ng masama sa akin habang nakatayo sa malayo. "Ano ba!" Sigaw nito, "Bakit?"  "Alam mo naman na nagpapahinga iyon tao eh!" Reklamo naman ni Alessia at masama akong tinignan. "Baka nakakalimutan ninyo na nagpapahinga rin ako? Ilang kama ba ang nandito? Itong akin lang ba?" Tanong ko sa kanila habang nakataas ang aking kilay at umupo sa higaan ko, "Hindi naman, hindi ba? Kung kaya ay nais kong hingin sana ang inyong hiya at pumunta na kayo sa sariling higaan ninyo. Huwag kayong tumabi sa akin. Sobrang laki ng silid tapos ganito gagawin niyo." Inirapan ko na lamang sila at muling humiga sa aking kama. Kinuha ko na ang isa ko pang-unan at yinakap. Tumahimik naman ang dalawa na naging dahilan ng pagngiti ko. Mabuti naman at talagang may hiya pa itong dalawa at talagang magpapahinga na. Hindi ko lubos maisip na talagang ang tigas ng mga ulo nitong mga ito. "Sinong may sabi na pwede ka ng matulog?" Rinig kong tanong ni Alessia, "Hindi ba at kaya nandito tayo ay para magplano? Tsaka ka na pumikit diyan at e-feel ang malambot na higaan kapag tapos na tayo sa pagplano." Oo nga pala! Bakit ba kasi kung kailan pa ako nakaradam ng pagka-antok ay tsaka naman sila eepal at sasabihin na gusto nilang magplano sa mangyayari bukas? Kainis talaga itong dalawang babaeng ito. Iritable akong umupo sa kama ko habang tinignan sila ng masama. Lumapit naman si Alessia at Ely atsaka umupo sa aking harapan. Kinuha ni Ely ang isang papel na kung saan ay naglalaman ng mga impormasyon na tungkol sa lalaking naka-usap namin noon. "Huwag niyo na lang tanungin kung saan ko ito nakuha,"saad nito, "Ang isipin niyo na lang ay kung paano natin siya maisahan at mahuli hanggang sa makarating sila ama rito." "Marami ba silang pupunta rito?" Tanong ko. Unti-unting tumango si Ely atsaka ngumiti sa akin, "Huwag kang mag-alala. Marami-rami sila kaya matutulungan nila tayo,"sagot nito. Tumango na lamang ako at nakahinga nang maluwag. Ayaw kong gawin itong misyon na ito na walang kasiguraduhan sa kaligtasan namin. Oo nga at may kakayahan kami at may kapangyarihan kami, ngunit, hindi pa rin mawala sa isip ko na isa sila sa mga taong may kakayahan na paslangin ang mga katulad ko. Katulad naming mga bata pa. Hindi ko alam kung gaano na ito kalakas at kung hanggagn saan ang kakayahan nila, wala pa kaming masiyadong experience patungkol sa mga bagay na ito, kung kaya ay laking tulong talaga kapag siguradong nandito ang heneral. Kinuha ko ang papel na nasa higaan at binasa. Ayon dito, ito raw ang isa sa mga taong hinahanap na ng kaharian. Sila ang mga takas sa prisinto  na dapat sana ay hinatulan na ng kamatayan. Nakatakas ang mga ito dahil bigla na lang nagkaroon ng kakayahan ang isa sa kanila na pwedeng patayin ang mga taong nakapalibot sa kaniya sa loob ng dalawang segundo. Dahil doon ay nakaalis ang mga ito at hindi na nahanap pa. Ilang taon ang lumipas at muli itong nagparamdam, sa mga oras na ito ay doon na nila nakilala ang isang lalaking may halos ilang daang mga alalay. Mga taong sumusunod sa kasamaan nito. Ang unang motibo nila ay sakupin ang isang bayan at kunin ang kanilang pera. Gawing alipin ang mga tao sa loob ng bayan na iyon at paslangin kapag hindi susunod. Hindi ko nga lubos maisip kung paano nila nasisikmura ito. Habang binabasa ko ang mga nakasulat sa papel ay hindi ko maiwasan ang hindi magalit. Ilang mga inosenteng tao na ang dinamay sa kahibangan nila. Sobrang selfish nila na to the point na kaya nilang paslangin ang isang inosenteng tao para lang sa pera. Hindi naman iyon makatwiran, malakas naman siya at may kakayahan. Kayang-kaya niya yumaman sa pamamagitan ng pagtrabaho ng tama, hindi iyong pagtatrabaho ng ganito. "Ito ang mga detalye na tungkol sa taong iyon,"sambit ni Ely at ibinigay kay Alessia ang papel, "Sa katunayan niyan ay kulang pa ang mga impormasyon na iyan, ngunit, wala na akong iba pang makuha kaya ayan na muna ang pagkukunan natin. Ayon sa aking nalaman, sa isang araw ay isang beses niya lamang magagamit ang kaniyang kapangyarihan at sa loob lamang ito ng sampung minuto. Sa oras na maubos iyon ay babalik na sa dati ang takbo ng enerhiya nito." "Talaga bang simula pa noong una ay ganito na ang kapangyarihan niya?" Tanong ko. Agad na umiling si Ely atsaka bumuntong hininga, "Diyan ka nagkakamali. Ang kapangyarihan na taglay niya ngayon ay ang kapangyarihan na hindi ko alam kung saan galing. Karamihan sa mga sabi-sabi ay galing daw ito sa isang masamang nilalang, pero huwag na natin isipin iyan. Ang mahalaga ngayon ay pagplanuhan na muna natin kung paano natin siya makakalaban." Galing sa isang nilalang? Paano naman magiging possible iyon? Pwede bang kumuha ng kapangyarihan sa mga halimaw na nasa kagubatan? Kung totoo nga na ganoon, possible talaga na galing nga ito sa mga ganoong klaseng halimaw. Hindi na rin ako magugulat kung bakit ganoon na lang ito kalakas. Ngunit kahit ganoon, alam ko sa sarili ko na may laging epekto ito sa katawan. Maaring naghihirap ito tuwing gabi at kailangan nitong uminom ng gamot araw-araw para lang maibsan ang sakit sa kaniyang katawan. Ayon sa mga nabasa ko at napanood ko noong nasa earth pa kami ay sa oras na may kinuha kang kapangyarihan na hindi nararapat sa iyo. Mayroon talaga itong masamang epekto sa iyong katawan. Maaring babalik ang kapangyarihan mo sa iyo at aatakihin ka ng sobrang lakas o ikakamatay mo ito. Hindi ko nga lang alam kung gaano katagal bago ito mangyari pero sigurado ako na malapit na iyon. Sabi nga ni Ely, ilang taon na rin ang nakakalipas simula noong nangyari ang pagtakas nila. Sa loob ng ilang taon na iyon ay impossibleng hindi siya magkakaroon ng ilang symptoms na magpapatunay na naghihirap na ang kaniyang katawan. Na hindi kaya ng katawan ng isang tao ang kapangyarihan ng isang halimaw.  Each and every person has its own attribute when it comes to power. Kahit iyong ma halimaw ay ganoon din, at never talagang mangyayari na ang kapangyarihan ng isang halimaw ay magiging attribute ng isang tao. Kung mangyayari man iyon ay sinisigurado ko na bihira na lamang itong mangyayari. Sa sobrang bihira ay talagang mapapaisip na lang ang lahat ng tao na impossible itong mangyari sa buong buhay. Sa katunayan niyan ay simula noong dumating ako rito ay wala ng impossible sa akin. Lahat ng bagay na nangyayari sa mundong ito ay possible. Kahit na mga bagay na sa tingin mo ay nasa imahinasyon mo lang ay maaring mangyari rito. Ang kaibahan nga lang ay huli sila sa teknolohiya. Ngunit.. Sino nga bang tao ang mangangailangan ng teknolohiya sa ganitong klaseng mundo? Lahat ng kapangyarihan ay nandito na. Lahat ng kailangan mo sa isang fantasy world ay nandito na. Lahat ng mga impossibleng iniisip mo ay nandito na. Kung gusto mong makipaglaban sa mga halimaw gamit ang kompyuter, dito, pwede mo gawing realidad. Pwede kang tumanggap ng misyon at makipaglaban sa mga halimaw na kagaya ng taong ito. Oo nga pala. Hindi nga pala siya tao dahil mas masahol pa siya sa halimaw. Walang hiya at walang puso. Hindi man lang nag-isip sa mga bagay na pwedeng pag-iwanan ng mga taong pinapaslang nila. Hindi man lang nila naisip na may pamilyang naghihintay dito at umaasang makakauwi na may dalang pagkain. Hindi ko mapigilan ang hindi mapakuyom ang aking mga kamao dahil dito. Labis talaga ang galit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na kailangan pa mag-suffer ng mga tao rito para lang mabuhay. Naghihirap na nga silang kalabanin ang mga halimaw na nasa labas ng gate, tapos mahihirapan pa silang mabuhay dito sa loob dahil sa mga lapastangan na tao na katulad nila. Nakakainis talaga sila! Halos mapatalon naman ako sa gulat nang maramdaman ko ang malambot na haplos ng isang kamay sa aking nakakuyom na kamao. Nang tignan ko kung sino ay nakita ko si Alessia at Ely na nag-aalalang nakatingin sa akin. Kanina pa ba ako nakatulala? "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Alessia. Agad akong umiwas ng tingin at tumango. "Medyo na inis lang ako,"tugon ko, "Anyway, saan na nga tayo at kung ano ang dapat nating pag-usapan?" Nagkatinginan naman ang dalawa nang matagal bago tumango at huminga ng malalim. Sabay silang ngumiti sa akin atsaka itinuro ang isang parte ng mapa na kung saan ay medyo may kalayuan sa lungsod. "Dito natin gaganapin ang labanan laban sa kanila,"sambit ni Ely, "Walang masiyadong tao rito at walang masiyadong pumupunta rito." "Paano naman natin sila papapuntahin doon?" Tanong ko. Ngumisi lamang si Ely atsaka kumindat sa akin. Tila ba sinasabi niya at sinisigurado niya na siya na ang bahala sa bagay na iyon. Napailing na lamang ako at nagpatuloy na muli sa pakikinig sa aming plano. Nag-discuss na si Ely sa aming gagawin kinabukasan. Halos inabot pa nga kami ng alas dose ng gabi bago napagpasyahan na magpahinga na para makapaghanda bukas. "Huwag niyo lang kakalimutan iyong sinabi ko,"ani ni Ely, "Sigurado ko an magiging successful din ito kinabukasan." Tumango lamang ako at ngumiti sa kaniya. Alam ko naman na magiging successful ito. Si Ely ang tipong tao na mayroon talagang skills sa ganitong bagay. Sa tingin ko nga ay halos lahat  ng tactics niya ay gumagana. "Huwag kang mag-alala sa akin,"sabi ko at kinuha na ang kumot. Binalot ko ito sa aking katawan at inayos na an aking unan, "Diyan ka mag-alala sa mga taong makakalimutin. Baka bukas ay bigla na lang 'yan susulpot sa tabi mo at magtatanong kung ano nga ulit ang role niya." Tumawa kaming dalawa ni Ely dahil sa aking sinabi,samantalang si Alessia naman ay masama akong tinignan atsaka tinapunan ng unan. Dahil sa bumilis na ang reflexes ko, agad akong naka-iwas at binato ito pabalik.  Agad kong itinaas ang aking mga kamay nang makitang sapul na sapul ito sa mukha. "Good Night, My lovely bestfriend,"sabi ko at ngumisi sa kaniya bago humiga. "Ugh! I hate you!" Sigaw nito. "I love you too,"tugon ko at ngumiti na. "Shut up!" Sigaw nito at inirapan ako bago tumalikod. Napapailing  na humiga na rin si Ely sa kaniyang kama at tumalikod na. "Matulog na kayong dalawa. Kapag talaga ay na huli kayo ng gising, makikita niyo,"banta nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD