Maaga akong na gising dahil sa hindi mapaliwanag na dahilan. Hindi ko alam kung ako lang ba o ano pero sa tingin ko ay parang may nakamasid sa amin. Unti-unti akong umupo sa aking higaan habang kinukusot ang aking mga mata. Minabuti ko munang inadjust ang aking Vision bago ko inilibot ang aking paningin sa paligid.
Wala namang katao-tao rito, bakit parang pakiramdam ko ay may mga nakatingin sa amin? Medyo madilim pa rito sa loob ng aming silid sa kadahilanan nga pinatay ni Ely ang ilaw bago kami matulog kagabi. Tumayo na muna ako at binuksan ang ilaw. Hindi pa rin umaalis sa pakiramdam ko ang weird na feeling na para talagang may nakamasid talaga sa amin kanina pa. Tinignan ko si Alessia at Ely na hanggang ngayon ay sobrang himbing pa ng kanilang tulog.
Anong oras pa ba ngayon? Hindi yata ako sanay na itong si Ely ay hindi pa gising? Lumapit ako sa isang kabinet na kung saan ko nilagay ang mga kagamitan ko at kinuha ang orasan na ibinigay ni Ely sa akin. Nang tignan ko ito ay halos mapamura ako sa inis nang makitang alas dos pa ng umaga. Halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil dito.
Inis na ibinalik ko ang aking orasan sa kabinet at padabog na naglakad patungo sa higaan. Mabilis akong tumalon doon at masamang inilibot ang aking paningin. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid, hinahanap ko ang isang enerhiya na pinagmumulan ng ganitong pakiramdam.
Isang ngiti naman ang gumuhit sa aking mga labi nang makita ko ang isang tao na nakatayo sa pinto. May dala-dala itong isang gamit na parang ginagamit niya para makita kung ano ang ginagaw anamin dito sa loob ng aming silid. Masiyadong illegal 'yan, bro. Mali ang taong ginamitan mo ng bagay na iyan.
Sinubukan kong ipinunin ang aking enerhiya sa aking katawan at itinuon ang target sa ginagamit nito. Lumipas lamang ang ilang sandali ay narinig ko na lang ang pagbasag ng isang bagay mula sa labas. May mahinang mura pa nga ito dahil siguro ay hindi nito inaasahan ang nangyari.
Kinuha ng taong ito ang mga basag na gamit sa sahig atsaka ito umalis. Nang dahil doon ay bigla na lang nawala ang masamang pakiramdam ko at tuluyan na akong humiga upang matulog muli. Isang napakalaking disturbo sa buhay ko, hindi ba nila alam na kailangan ko magpahinga dahil masiyadong mahaba ang araw namin kinabukasan?
Kailangan ko rin magpahinga dahil alam kong isang intense na labanan ang magaganap. Ayon nga sa mga papel na nabasa ko na dala-dala ni Ely kanina ay sobrang lakas nito, ano pa ba ang aking aasahan? Kaya dapat lang talaga na magpahinga ako at mag-ipon ng lakas, nang sa gayon ay by that time kayang-kaya ko na itong harapin kahit wala naman akong masiyadong experience.
Kinuha ko na ang aking unan atsaka niyakap ito para tuluyan na talagang makakatulog. Umayos na ako sa pagkakahiga sabay pikit ng aking mga mata.
"Valerie,"
Napakunot ang aking noo nang maramdaman ko ang mahinang pag-alog ng aking katawan. Iritableng itinapon ko ang unan dito atsaka tumalikod.
"Valerie, kailangan mo na gumising,"muling sambit na naman ng taong wala yatang pangarap sa buhay. Hindi ko na lamang ito pinansin at mas lalong diniinan ang pagpikit ng aking mga mata.
"Valerie, hoy! Gising,"dugtong nito. Inis na umupo ako sa aking higaan at tinignan nang masama ang nakangiting aso na kaibigan ko na si Alessia. Iyong tipong nang-aasar talaga ito sa kaniyang mga ngiti na mas lalong pinapalala nito ang aking nararamdaman.
"Ang panget mo talaga magising,"sabi ni Alessia at tumawa nang malakas, "Isa pa, bakit parang pinagsakluban ka yata ng langit at lupa? Antok na antok ka samantalang maaga naman tayo natulog kagabi."
Inirapan ko na lamang ito at inilibot ang aking paningin, hindi na hagip ng aking mga mata si Ely na labis kong ipinagtataka. Nasaan kaya ang babaeng 'yon? Ano na naman kaya ang ginawa noon at bakit parang iniwan naman kami nito sa loob na hotel na ito.
"Na una kayo,"tugon ko at tinanggal na ang kumot sa aking katawan. Kinuha ko na rin ang aking unan at sinimulang ligpitin ang aking hinihigaan.
"Ano ang ibig mong sabihin? Sa tingin ko nga ay mas maaga ka pa nakatulog sa akin kagabi,"tugon nito at naglakad na patungo sa kaniyang higaan atsaka umupo. Nakatingin lamang ito sa akin habang nag-aayos ng higaan ko.
"Siguro nga ay maaga akong nakatulog pero hindi naman kayo na gising nang sobrang aga dahil sa mga walang hiyang tao,"inis na kwento ko at umupo rin sa aking higaan. Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mukha nito.
Unti-unting tumaas ang kaniyang kilay na nagpapahiwatig na hindi niya naiintindihan kung anong sinasabi ko.
"Care to share and explain?" Tanong niya.
"It is what it is,"sambit ko, "Asan nga pala si Ely?"
"Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo, ikwento mo na lang sa akin kung ano ang nangyari kagabi at parang irritable ka?" Tanong nito atsaka tumayo na. Unti-unti siyang lumapit sa akin at tumabi habang nakatingin sa mga mata ko. Nag-aalala na ang mukha nito dahil siguro ay alam niya ang nararamdaman ko ngayon.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ito hinarap, "Sa katunayan niyan ay hindi ko talaga kilala ang taong iyon. Habang natutulog kasi tayo, bigla na lang akong na alimpungatan at nakaramdam ng mali. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng isang tao sa akin kaya na isipan ko na buksan ang ilaw, nang buksan ko ito ay wala naman akong makita. Alas dos pa ng umaga kaya labis ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na iyon kasi antok na antok ako, tapos magigising lang ako para sa wala. Kaya na isipan ko matulog at magpahinga, ngunit bago iyon ay sinubukan muna e-scan ang buong lugar. Doon ko nakita ang isang tao na nasa labas ng pinto natin na may ginagamit na isang bagay na pwedeng makita ang kung ano man ang nangyayari sa kabilang side ng dingding, sa kadahilanan na nagalit ako. Ayon, sinira ko ang gamit niya at umalis na ito,"walang tigil na kwento ko sa kaniya at bumuntong hininga, "Hindi ko alam kung ano ang motibo ng taong iyon pero sa tingin ko ay may kinalaman ito sa gagawin natin mamaya. May nakakaalam ba sa plano natin? Bakit parang unti-unti na silang kumikilos against sa atin?"
Natahimik naman si Alessia at bumuntong hininga, "Sa katunayan niyan ay iyan ang hindi ko alam,"tugon nito, "Gusto ko man sagutin ang tanong mo pero wala talaga akong kaalam-alam, pero sigurado naman ako na walang ibang nakakaalam sa motibo natin. Dito na naman tayo ang-uusap, hindi ba?"
Pagkatapos sabihin ni Alessia ang mga katagang iyon ay siya naman ang pagbukas ng pinto. Pumasok mula roon si Ely na may dala-dalang mga pagkain, kasama ang dalawang tao na may dala-dala rin na trays. Halos lumuwa ang aking mga mata dahil hindi ako makapaniwala na kayang bilhin ito ni Ely kahit nasa kalagitnaan kami ng bayan na walang masiyadong pagkain.
"Magandang umaga sa inyong dalawa,"bati nito at ngumiti sa amin.
Napalingon naman ako kay Alessia na may labis na pagtataka. Kitang-kita ko rin ang confused sa mga mata nito.
"Ano 'yan?" Gulat na tanong ni Alessia at tumayo na.
"Ilapag niyo na lang diyan,"utos ni Ely at tinuro ang mesa na nandito sa loob ng silid. Sinunod nama ito ng mga maids at umalis din agad. Na iwan na lang kaming tatlo ni Alessia at Ely dito sa loob ng silid.
"Okay?" Confused kong tanong.
Mabilis na lumapit itong si Ely sa amin at inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga, "Kailangan nating gumalaw ng parang wala lang. Sa tingin ko ay medyo nakakahalata na ang mga galamay ng taong iyon sa atin. Sa ngayon ay kailangan natin magpanggap na parang isang normal na adventurer,"bulong nito at lumayo sa amin sabay ngiti.
Okay? What was that?
"Handa na ang mga pagkain kaya hali na kayo,"aya nito sa amin. Tumango na lamang ako at tumayo na rin. Umupo ako sa isang bakanteng upuan atsaka gumamit ng spell na pwedeng e-null ang mga spell na umaatake sa amin.
Ang nakikita ng mga taong nakamasid sa amin ngayon ay masaya lamang kaming kumakain at wala ng iba. Hindi nila alam na kakausapin ko itong si Ely.
"Alam ko na naman iyon,"tugon ko at tinignan si Ely, "Alam kong nakamasid sila atin simula pa kagabi."
Unti-unting lumaki ang mga mata ni Ely na para bang sinasabi niyang tumahimik ako.
"Huwag kang mag-alala. May ginamit akong spell na pwedeng lagyan ng barrier ang pagitan natin sa sa mga taong iyon,"sabi ko.