Chapter 35

3000 Words
Hind nagtagal ay muling lumabas ang halimaw sa kaniyang lungga. Mabilis kong ibinaling ang aking atensiyon sa mga kaibigan ko na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Alam kong kahit medyo may kalayuan kami sa isa't-isa ay nagkakaintindihan naman kami sa kung ano ang dapat naming gawin. Isang matamis na ngiti ang aking ibinigay sa mga ito atsaka tumango. Tahimik na umakyat si Alessia sa ibabaw ng puno habang kagat-kagat nito ang isang kutsilyong gawa sa pilak, samantalang si Ely naman ay tahimik na inilabas ang kaniyang espada na gawa rin sa pilak. Samantalang ako naman ay nanatiling nakatago rito sa likod ng puno at hinihintay na umatake ang mga kasamahan ko. Alam kong hindi magandang ideya na hayaan si Alessia na mauna pero wala rin akong magagawa dahil ito 'yong kagustuhan niya. Ayaw nga rin sana ni Ely pumayag pero masiyado itong mapilit sa kaniyang gusto kaya wala kaming magagawa. Sumenyas si Alessia na ayos na raw ang kaniyang pwesto, napatingin naman ako kay Ely na ngayon ay naka-thumbs up na nakatingin sa akin.Tumango lamang ako at ngumiti sa kanila, inilabas ko na rin ang aking sandata na kanina ko pa tinatago. Muli akong sumulyap sa lugar na kung saan ko huling nakita ang halimaw na iyon, ngunit labis ang aking pagtataka nang makita itong wala na roon. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa mga kaibigan ko na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin. Hindi ako sigurado kung sa akin ba talaga o sa halimaw na nasa likod ko. Unti-unti kong inikot ang aking paningin at doon naamoy ang masang-sang na amoy na para bang isang aso na pinabayaan ng amo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kabahan sa nangyayari, ngunit isa lang ang masasabi ko. Siguraod akong nasa bingit na ako ng kapahamakan.  Ramdam na ramdam ko ang hangin na binubuga ng isang halimaw sa aking likuran. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kaya unti-unti ko na lamang inikot ang aking paningin at doon nakita ang isang panget na lobo. Masama ang titig nito sa akin na para bang galit na galit dahil sa pagpunta ko sa kaniyang teritoryo. Isang malakas na ungol ang aking narinig na naging dahilan ng aking pagtakbo patungo sa lugar na kung saan malayo sa mga kaibigan ko.  Wala akong pakealam kung hahabulin man niya ako. Sa akin lang ay mapalayo ako sa kanila at mapunta sa lugar na kung saan sigurado akong ligtas na lugar para ganapin ang aming labanan.  Tama ba itong iniisip ko? Nakikipaghabulan ako sa isang halimaw na ito? Isa sila sa mga halimaw na ang bilis tumakbo at heto ako ngayon, tumatakbo palayo sa kaniya. Kahit ganoon ay pinilit ko pa ring bilisan ang aking pagtakbo, ilang beses akong na dapat ngunit agad din nakatayo. Habang tumatakbo kami ay napansin ko ang isang lugar na kung saan ay walang kapuno-puno. Tamang lugar na siguro ito para sa aming dalawa. Agad akong huminto habang nakatalikod sa halimaw na nakasunod sa akin. Ramdam ko ang pagdating nito kasunod lamang sa akin. Agad kong ipinikit ang aking mga mata habang pinapakiramdaman ang buong enerhiya na dumadaloy sa aking katawan. Sa katunayan niyan ay hindi naman talaga ako ang mauunang kumalaban sa halimaw na ito, ngunit, nang dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay kinakailangan ko itong labanan. Hindi ko rin kayang makitang ialay ni Alessia ang kaligtasan niya. Nang maramdaman kong dumadaloy na ang buong enerhiya sa aking katawan ay agad akong dumilat. Umikot ako at hinarap ang halimaw na nasa aking harapan. Agad kong inayos ang pagkakahawak sa espada na dala-dala ko habang nakatitig lamang sa kaniya. Muli na naman itong umungol at tumingin ng masama sa akin. Ang mga pulang mata nito ay nakatitig lamang sa akin na para bang mas lalo itong galit sa nangyayari. Ang laway nitong kulay berde ay patuloy pa rin na umaagos mula sa kaniyang bibig. Nakakadiri siyang tignan. Hindi nagtagal ay bigla na lang itong tumakbo ng kay bilis patungo sa aking kinatatayuan. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil sa aking nakikita. Kung titignan ay sobrang bilis talaga ng kinikilos nito, ngunit ngayon parang isa na lang itong halimaw na naka slow motion. Sobrang hina niyang gumalaw na sa tingin ko ay kayang-kaya ko itong talunin agad. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi bago ako sumugod dito. Ngunit agad din naman tumaas ang aking kaliwang kilay dahil bigla na lang itong umiwas na para bang alam nito kung ano ang aking gagawin.  "Pasensiya ka na,"bulong ko, "Pero mali ang pag-iwas mo." Agad kong tinama ang espada ko sa kung saang direksyon ito umiwas atsaka umatras. Kitang-kita ko ang paghihirap nito habang umiiyak dahil sa sakit. Napa-higa ito sa sahig habang hawak-hawak ang hiwa sa gilid ng kaniyang tiyan. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ito kalaki at kalalim. Kitang-kita ko pa ang pag-agos ng dugo nito mula roon. Masusuka na sana ako kung hindi lang talaga ako sanay na makakita ng ganito. Unti-unti naman itong tumayo at humarap sa direksyon na kung saan kami nagmula kanina.  "At may balak ka pang tumakbo?" Bulong ko. Hahayaan ko na lang sana ito bago siya habulin ngunit halos magulantang ako sa sigaw ng aking kaibigan. Mabilis na puminting ang aking mga puso na para bang hindi ko nagugustuhan ang nangyayari. Agad akong tumakbo sa halimaw na kinakabalaban ko ngayon at tinusok ang puso nito. Rinig na rinig ko ang huling ungol nito bago siya na dapa sa sahig at lumitaw ang mga items mula rito. Agad ko itong kinolekta atsaka kinuha ang ilang ibedensiya mula sa kaniya. Hindi namang nagtagal ay bigla na lang itong nawala na para bang tuluyan itong naging abo at dinala ng hangin sa kung saan. Agad akong tumakbo pabalik sa kung saan ko iniwan ang aking mga kaibigan. Akala ko ba ay isa lamang ang aming kalaban? Bakit parang iba yata ang kutob ko rito? Hindi kaya ay may dumating na ibang halimaw sa lugar nila? Kung gaanon nga ang sitwasyon ay mas dapat lang na mas lalo ko bilisan ang aking pagtakbo. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sa mga iyon. Patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa may malaking puno na kung saan ako nagtatago kanina. Wala na sa kanilang mga pwesto sina Alessia at Ely, kaya mas lalo akong kinabahan dahil dito. Mabilis kong iniwan ang aking pwesto at hinanap ang mga iyon. Hindi naman nagtagal ay rinig na rinig ko ang ilang yapak ng mga paa. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumakbo patungo sa likod ng gusali na tinataguan ng halimaw kanina. At doon ko nakita ang dalawa kong kaibigan na patuloy na nakikipag-away sa apat pang mga halimaw. "Akala ko ba ay isa lang?" Gulat na tanong ko sa aking sarili. Pinapalibutan na ang mga ito ng mga halimaw na ang babagal naman kung kumilos. Kagaya ng nakalaban ko ay tumutulo rin ang mga laway nito sa bibig at sobrang pula ng kanilang mga mata. Ang kaibahan lang ay mas malaki nga lang ang katawan ng nakalaban ko, kung ihahalintulad ko sa mga ito. Naka-kunot na ang noo ni Alessia at Ely. Siguro ay hindi na nila alam ang kanilang gagawin, ngayong pinapalibutan na sila ng mga halimaw. Kitang-kita ko rin ang paghigpit ng mga kamay ni Alessia habang nakahawak sa kaniyang dala-dalang armas. Nahahalata ko na ang panginginig nito kaya siguro ay oras na para pumasok sa eksina. Ngunit, labis naman ang aking ikinagulat nang bigla na lang umatake ang isang halimaw kay Alessia. Unti-unting lumaki ang aking mga mata at tatakbo na sana ngunit halos malaglag naman ang aking mga panga nang bigla na lang siyang pumikit. Lumabas ang isang malaking bola na gawa sa tubig sa kaniyang harapan at itinapon ito sa halimaw. Hindi naman nagtagal ang buhay ng halimaw at agad naman namatay dahil sa malakas na impact na nakuha nito. Ang angas. Labis ang aking pagkamangha nang makita ang isang matapang na Alessia. Kitang-kita ko rin ang gulat sa mga mata nito dahil siguro ay hindi niya inaasahan ang kaniyang na gawa. Ngunit, above all that, I can feel and see the happiness in her eyes.  Finally. Na gawa na rin niya sa wakas. Hindi na siya mag-iisip ng masama tungkol sa kaniyang sarili dahil na gawa na niya ang kaniyang gustong makamit. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi dahil sobrang proud ako sa na achieve ng aking kaibigan. Sunod naman umatake ang isa pa kay Ely, ngunit mas lalo akong hindi makapaniwala sa aking nakikita. Bigla na lang itong inilabas ang kaniyang espada sandali at agad niyang ibinalik sa paglalagyan. Kasabay naman nito ang pagtanggal ng ulo ng halimaw. Ganito ba siya kalakas? Naiintindihan ko naman na isa siyang Gold Rank at siyempre, anak ito ng Guild Master. Ngunit, nang makita ito sa mismong labana ay parang hindi ako makapaniwala na sobrang inosente nito at ayaw ng mga tao sa kaniya. Sobrang galing niya humawak ng espada at napaka-kalmado nito sa kanilang sitwasyon ngayon. Tila ba na parang wala lamang sa kaniya ang nangyayari. Ang astig niya tignan. Kailan pa kaya ako magiging katulad ni Ely? Kaya pala lagi niyang sinasabi na magiging maayos lang ang lahat, na wala kaming dapat ikabahala dahil nandiyaan naman siya. Kaya pala kahit na anong sitwasyon kami napupunta ay kalmado lamang ito lagi. Iyon pala ay dahil may angkin itong kakayahan na ngayon ko lang nasaksihan. Ang kakayahan na sa tingin ko ay kayang pumatay ng mga ilang daang halimaw na kagaya nitong misyon namin ngayon. Napa-iling na lamang ako at nanatiling nakatayo rito. Tinapos na ng dalawa ang mga natira pang kalaban atsaka napa-upo sa sahig. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mukha nito na para bang buong araw silang nakipag-away. Natawa na lang ako ng bahagya sa kanilang naging hitsura. Lalapit na sana ako nang bigla akong makaramdam ng kilabot. Agad kong inilibot ang aking paningin at doon nakita ang isang malaking lobo, sa sobrang laki nito ay parang kailangan ko pa tumingala para lang makita ang mukha nito. Hindi ito kagaya sa mga na una naming naka-away. Sa tingin ko ay ito iyong pinuno nila. Nakatingin lamang siya sa aking mga kaibigan na nagpapahinga. Agad akong tumakbo patungo sa mga ito nang makita rin itong tumatakbo patungo sa kung saan silang dalawa. "Watch out!" Sigaw ko. Napatingin naman ang dalawa sa akin na para bang nagtataka ngunit agad kong inilabas ang aking espada at pinoprotektahan sila. Itutusok ko na sana ang espada rito ngunit agad itong umiwas. Tila ba alam na niya ang gagawin ko. Mabilis itong tumakbo patungo sa isang parte ng gubat ngunit agad din bumalik na may itim na enerhiya sa kaniyang kamay. "Teka, wala akong narinig na isang halimaw na may kapangyarihan,"rinig kong sabi ni Ely, "Tulunga ka na namin." Ano?  Ibig bang sabihin nito ay mas malakas pa ito sa inaakala namin? Ano na ba ang gagawin namin? Dito na lang ba magtatapos ang lahat?  No. Hindi maari. Gusto ko ay matapos ko ang misyon na ito na matiwasay. Gusto ko pang gumala sa bayan at makilala ang mga tao roon. Gusto kong magkalap ng mga impormasyon patungkol sa rason kung bakit kami biglang inilipat dito sa hindi ko malamang dahilan. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang buong enerhiya ko na dumaloy sa aking katawan. Sa pagkakaalam ko lang ay lahat ng mga bagay na gusto ko at iniisip ko pa lang ay talagang mapapasakamay ko. Kung kaya ay nais kong subukan ang mga ito. "Tayo ang aatake sa kaniya, Val,"rinig kong sabi ni Ely. Ngunit, agad kong iminulat ang aking mga mata at tumingin sa kaniya ng bahagya. "Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala,"sabi ko at naglakad na patungo sa halimaw na nag-aabang din sa akin. "What are you thinking?!" Sigaw ni Alessia, "May balak ka bang magpakamatay? Sinabi na nga ni Ely na ngayon niya lang nakita ang ganiyang klaseng halimaw. Hindi natin alam ang kakayahan ng isang halimaw na iyan, maari mong ikamamatay kung sosolohin mo ito!" Alam ko naman iyon. Hindi na naman iyon nakakagulat. Ngunit, alam ko at may tiwala ako sa sarili ko na makakaya ko ito. Na wala akong dapat katakutan at kaya ko itong paslangin agad.  "Huwag kang mag-alala, Alessia. Hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko kung sa tingin ko ay hindi ko kaya. Pagtiwalaan mo lang ako,"sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Nanatili lamang ang aking atensiyon sa mga mata ng halimaw na nasa aking harapan. Nang halos ilang metro na lang ang layu namin ay agad akong tumigil. "Hindi ko inaasahan na sa unang misyon ay isang malakas na kalaban ang aking makakasalamuha,"bulong ko at ngumisi, "Ngunit, kung ihahalitulad kita sa lion na na nakalaban namin noon ay walang-wala ka lang." Unti-unti kong binitawan ang aking espada at itinuon ang aking kamay sa kaniya. "What the hell are you doing, Valerie?!" Sigaw muli ni Alessia. Hindi ko na lamang siya pinansin at mas lalong itinuon ang aking atensiyon sa aking kamay. Nang maramdaman ko muli ang malakas na enerhiya na dumadaloy rito ay agad kong inisip ang wolfs bane na pumapalibot sa aming dalawa. Nang dahil doon ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata habang pinapakiramdaman ang mainit na enerhiya sa aking katawan. Doon ko naramdaman ang unti-unting pagyanig ng mga lupa at paglabas ng mga halaman na alam kong ayaw na ayaw niya. Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ng halimaw na ito habang aligaga kung saan ito dadaan.  "Handa ka na ba?" Tanong ko rito habang nakangiti. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito at ang pag-taas ng kaniyang kamay na may mga mahahabang kuko. "Kung kanina mo lang 'yan ginawa ay hindi pa sana huli ang lahat,"bulong ko. "Silver spikes!" Sigaw ko at kasabay nito ang paglabas ng mga spikes na gawa sa pilak na nagmula sa lupa at langit, "Aim!" Magkasabay na bumagsak at tumusok ang ilang daang mga silver spike sa halimaw na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay. Kitang-kita ko rin ang pagkawala ng itim na enerhiya na pumapalibot sa kaniyang kamay. Kasabay din nito ang pagkawala ng mabigat na pakiramdam sa buong kagubatan. Tila ba sinasabi at pinapakiramdam nito sa akin na natapos na namin ang aming misyon. Iyong wala na kaming dapat ipag-alala at maari na kaming magpahinga. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang makita ko ang pagsinag ng araw sa aking mukha. Hudyat na na tapos ko na talaga ang misyon ko. Agad akong bumagsak nang maramdaman ko ang matinding pagod sa aking katawan. Siguro ay na ubos na ang aking mana at kailangan ko na magpahinga. Ngunit, kahit ganoon ay hindi mawala sa aking labi ang ngiti. Alam kong sa wakas ay natapos namin ang unang misyon ng walang nasaktan. "Valerie!" Sabay na sigaw nilang dalawa. Naramdaman ko na lang paghawak ng isang malamig na kamay sa aking braso. "Sira ka!" Sabi ni Alessia, "Magpahinga ka na muna at mamaya na tayo mag-uusap. Talagang kukutungan kita." Tumango na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata. Sa wakas ay makakatulog na rin ako. Nagising ako dahil sa mahihinang tawanan mula sa aking paligid. Nasaan ba ako? Hindi ba at nasa kalagitnaan ako ng labana? Teka.. Oo na pala, nanalo ako at na patay ko 'yong halimaw na iyon, ngunit kahit ganoon ay sobrang sakit naman ng aking ulo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa aking ang langit na sobrang ganda. Ang mga bituin na patuloy na kumikislap sa langit na tila ba ay ngumingiti sa akin at binibigyan ako ng comfort. Kahit saan talaga kami mapadpad, kaparehong-kapareho pa rin kami ng makikita tuwing gabi. Isang marahas na hangin ang aking ibinuga bago tumayo sa aking hinihigaan. Napadaing pa ako sa sakit ng aking ulo kaya napahawak ako dahil dito. "Aray,"bulong ko. Natigil naman ang tawanan sa paligid at nakita ko na lang ang dalawa kon kaibigan sa aking harapan. Masama ang mga titig nito sa akin na para ba ako nitong papatayin sa galit. "Ano?" Tanong ko rito. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kanina?" Inis na tanong ni Alessia. "Oo,"tugon ko rito, "Pero ayaw mo 'yon? At least, safe na tayo at na tapos na natin ang ating misyon. Ano ba ang problema doon?" "Wala naman,"sabi ni Alessia, "Walang problema bruha ka." Isang malakas na batok ang aking na tamo mula sa kaniya. Kitang sobrang sakit pa ng ulo ko at binigyan pa ako ng ganito. Masama ko lamang itong tinignan habang hinihimas-himas ang aking ulo. Naiintindihan ko naman na nag-aalala lamang siya, pero sumosobra na rin ang babaeng 'to. Kapag talaga hindi ako makapagpigil ay talagang babatukan ko siya ng sobrang lakas, iyong tipong sasakit talaga ito ng ilang araw. "Tigilan niyo na 'yan,"saway ni Ely at tumingin sa akin, "Kamusta ang pakiramdam mo?" "Sobrang sakit ng ulo ko,"tugon ko sa kaniya. Mabuti pa itong isa at matino.  "Buti nga sa iyo,"tugon nito at masama akong tinignan. Akala ko pa naman ay matino, iyon pala ay kapareho lamang siya ni Alessia. Hay naku. "Ano na naman? Alam ko naman na kaya ko iyon patayin,"sambit ko, "Isa pa, hindi naman ako aatake kung alam kong hindi ko kaya." "Alam ko iyon,"tugon ni Ely, "Walang Gold Rank ang hindi kaya iyong mga ganoong bagay, ngunit, bilang isang taong nagmula pa sa ibang mundo at walang alam sa kapangyarihan. Siguro naman ay hindi mo alam kung ano ang magiging resulta nito." Unti-unting lumaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.  "Alam mo?" Gulat na tanong ko. Tumango lamang si Ely atsaka ngumiti. Kitang-kita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Alessia at sumisipol na lumayo sa pwesto namin. Mukhang umiral ang kadaldalan ng babaeng ito habang tulog ako ah? Hindi ko talaga ito mapagkakatiwalaan ng mga pribadong impormasyon. Kahit kailan talaga. "Huwag ka na magalit kay Alessia. Isa pa, hindi ba at kaibigan mo ako? Hanggagn kailan mo balak itago ito?" Tanong ni Ely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD