Chapter 36

1815 Words
Bahagya akong napakamot sa aking ulo dahil sa sinabi nito. Alam ko naman na mali ang magtago ng mga bagay sa mga kaibigan mo, ngunit, kahit ganoon ay hindi rin naman ito naging madali para sa akin. Hindi ako makaimik dahil sa sinabi nito. Nahihiya akong harapin siya dahil sabi ko pa nga sa kaniya ay isa akong kaibigan na kaya niyang pagkatiwalaan. Ngunit, heto ako at nagtatago ng ilang bagay sa kaniya. Guilty ako sa nagawa ko pero hindi naman talaga ito madaling sabihin. Hindi pa namin alam kung ano ang kahihinatnan namin dito kapag nalaman ng lahat na galing pala kami sa ibang mundo. Labis ang lungkot na aking naramdaman at napayuko.  "Anong klaseng mukha 'yan?" Tanong nito. Unti-unti kong tinignan ang mukha ni Ely habang malungkot na tinitigan ito. Labis naman ang aking pagtataka nang makita siyang naka-ngiti lamang sa akin. "Pasensiya ka na at tinago namin sa iyo ang tungkol sa nangyari,"sabi ko, "Hindi ko kasi alam kung paano ito sasabihin sa iyo. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa amin kapag sinabi namin sa iyo ang tungkol dito. Nasa isip ko kasi ay baka palayasin kami sa bayan kapag nalaman nila ang tungkol doon." Ang kaninang masayang ekspresyon sa kaniyang mukha ay bigla na lang napalitan ng isang malungkot na ekspresyon. Alam ko at tanggap ko ang galit na nagmumula sa kaniya pero hindi ko naman inaasahan na maging ganito ang kaniyang ekspresyon. Isang marahas na hangin ang kaniyang ibinuga at tumabi sa akin. Imbis na tignan ako nito ay tumingala lamang ito sa langit at ngumiti. "Naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan ninyo,"tugon nito, "Ngunit, hindi naman siguro ibig sabihin noon ay hindi niyo na ako pagtitiwalaan sa ganiyang klaseng bagay." Bigla na lang kumirot ang aking puso dahil sa aking narinig. Alam ko iyon, alam ko na na mali ako tungkol sa bagay na iyon. "Alam niyo ba, pinangarap ko talaga ang may makilalang tao na galing sa ibang mundo,"kwento nito habang nakatingin pa rin sa langit. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi nito. Ano ang ibig niyang sabihin tungkol sa bagay na iyon? Tanggap ba nila ang mga taong galing sa ibang mundo? Bakit parang wala lang yata sa kaniya ang sinabi ko, iyong tipong parang normal lamang na marinig mula sa akin o sa amin ang tungkol sa pinaggalingan namin.  Iniwas ko na lamang ang aking tingin at napatingin sa langit. Ngunit, kahit nalilito ako at sobrang dami ng aking katanungan, nanatili na lamang akong tahimik at hinintay ang paliwanag nito. Gusto kong hayaan muna itong sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin. Ayaw kong disturbuhin ito sa kaniyang kwento, tsaka ko na ipapaliwanag ang side ko kapag na tapos na niyang sabihin ang lahat. Medyo nacu-curious na rin ako sa ibig nitong sabihin patungkol sa sinabi niya. Iyong pinangarap niyang may makilalang tao na galing sa ibang mundo. Gusto kong malaman na kung bukod sa amin ng mga kaklase ko ay may mga tao pa bang na dala na rin dito. "Noong bata pa ako ay laging na kwe-kwento ng aking ina ang tungkol sa mga taong nilipat dito sa mundo, mula sa ibang mundo. Ayon sa kaniya ay marami raw ang mga ito at siyang magliligtas sa amin sa kapahamakan. Kita niyo naman siguro, hindi ba?" Tanong nito at huminga ng malalim, "Iyong mga halimaw na kusa na lang kumikilos ng walang namumuno sa kanila. Noong mga unang panahon ay sobrang matiwasay pa nitong mundo namin. Walang gulo at malayo sa mga halimaw, ngunit ng dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang lumitaw ang isang taong nag-disturbo sa mga nilalang na tahimik na nagpapahinga sa isang kagubatan." Kaya pala. Ayon pala ang rason kung bakit mayroong mga halimaw dito. Akala ko ay given na ito sapagkat may mga kapangyarihan naman silang lahat. Given na ito dahil kapag may kapangyarihan, may kalaban talaga. "Ginagamit lamang namin ang aming mga kapangyarihan noon para mabuhay. Ginagamit namin ito sa pagtatanim, paghuli ng mga hayop na pwedeng gawing pagkain at iba pa. Hindi na pasok sa isipan ng lahat na magagamit pala namin ito sa labanan,"paliwanag ni Ely, "Sobrang daming nangyari sa loob ng ilang taon, at kasama na roon ang pagdating ng mga taong galing sa ibang mundo. Sila raw ang pinaka makapangyarihan sa buong mundo. Sila ang naatasan na tapusin ang kasamaan na nagsimula nitong ilang taon na ang nakalipas." "May mga taga-ibang mundo ba na na una sa amin?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lamang si Ely atsaka ngumiti ng mapait. Para bang may tinatago ito sa akin at ayaw niya lamang sabihin, siguro ay dahil mahirap para sa kaniya ang sabihin ito sa aming dalawa. Baka may na gawa ang mga na una sa amin na ayaw nilang mangyari muli o ma discourage kami na tapusin ang talagang dapat naming paggampanan. "Ganoon ba,"bulong ko. "Sa katunayan niyan ay may buong storya pa talaga ang tungkol sa mga katulad niyo. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung ano at kung saan ito nagmula. Gusto ko man ikwento sa inyo ang lahat pero limitado lamang talaga ang aking kaalaman,"paliwanag nito at tumingin sa akin, "Pasensiya ka na at hindi ako makatulong sa inyo. Alam kong gusto niyo kumalap ng mga impormasyon pero tanging iyon lang talaga ang kaya kong ibigay. Wala na akong ibang alam bukod doon. Simula kasi noong umalis si ina ay wala ng nagkwe-kwento sa akin." "Ayos lang,"tugon naman ni Alessia at tumabi sa akin, "Hindi naman rin naman namin inaasahan na malalaman namin ang lahat sa isang tao lang. Alam kong may ilang bagay pa kaming dapat pagdaanan bago namin malaman ang buong detalye ng aming misyon." Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi dahil sa sinabi nito. Sa totoo lang ay may point naman talaga si Alessia. Sino ba ang tanga na tao na aasa na malalaman niya ang buong storya sa isang bagsakan lang? Kahit ako ay hindi ko kayang isipin na possible iyon. Limitado lang naman talaga ang kaalaman ng bawat tao. "Oo nga,"pagsa-sang-ayon ko, "Isa pa, kung ito talaga ang kapalaran namin ay kailangan na lang namin itong tanggapin. Hindi naman kasi pwedeng sabihin namin na ayaw na namin. Sa ngayon, nais lang namin tapusin ang lahat ng misyon na kaya namin, tulungan ang mga taong nangangailangan at mabuhay dito." Hinawakan ko ang kamay ni Alessia at ganoon din ang kamay ni Ely. Lipat-lipat lamang akong nakatingin sa kanilang dalawa at ngumiti. "Basta para sa akin ay kasama ko kayong dalawa,"dugtong ko, "Pasensiya ka na rin talaga Ely kung tinago namin sa iyo ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko ito sasabihin sa iyo." Ngumiti naman itong si Ely at hinawakan ang aking kamay. Tinignan niya rin si Alessia sa aking gilid, "Ayos lang iyon. Naiintindihan ko naman, sa katunayan niyan ay wala kayong dapat ipag-alala kung malalaman man ng ibang tao na galing kayo sa ibang mundo. Baka nga, kapag ginawa niyo ito ay maging importanteng tao pa kayo sa buong bayan." Agad na lumaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Sa lahat ng ayaw ko ay iyon ay ang maging center of attraction. Gusto ko lang manirahan sa mundong ito na normal at hindi espesyal. Ayaw kong sa tuwing maglalakad kami sa bayan ay nasa amin ang lahat ng buong atensiyon. Lagi kami nilang pagtitinginan at pag-uusapan. Iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Natatakot talaga ako sa mga ganoong klaseng bagay dahil panigurado, kaunting pagkakamali mo lang ay malalaman na ng lahat. Kaunting pagkakamali mo lang ay huhusgahan ka na agad. Kaunting pagkakamali mo lang ay baka may magawa pa ang mga tao sa iyo. Mabilis akong umiling sa kaniya at agad na itinaas ang aking kamay hanggang sa dibdib at winagayway. "Huwag na huwag mong sasabihin sa mga tao ang tungkol sa amin,"natatakot na sabi ko. "Here comes the scaredy cat,"bulong ni Alessia at tumawa ng mahina. Mahina ko itong siniko at masamang tinignan. Bahagya naman itong napa-daing sa ginawa ko at masama akong tinignan. "Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Ely. Hindi na lamang ako umimik at bumuntong hininga, "Basta huwag mo na lang sabihin sa kanila. Iyon ang pinaka-ayaw ko,"tugon ko. "Bakit nga kasi?" Tanong muli nito. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumayo na. Ayaw kong sabihin sa kaniya na nahihiya ako. Baka asarin pa nila ako dahil ayon ang kahinaan ko. Naglakad na ako papunta sa harap ng bone fire at nagpa-init. Nilapit ko ang aking mga palad na sakto lamang ang layo para maramdaman ko ang mainit nitong pakiramdam. Ang sarap. "Gusto mong sabihin ko sa iyo?" Rinig kong sambit ni Alessia. Agad akong lumingon sa kaniya at masama itong tinignan. Tila ba pinagbabantaan itong kapag sasabihin niya kay Ely ay pupugutan ko siya ng ulo. Tumawa lamang ng mahina si Alessia at muling tumingin kay Ely na labis ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Alessia,"tawag ko rito at masama siyang tinignan. Hindi lamang ako nito pinansin at sinenyasan si Ely na lumapit. Labis man ang pagtataka ay unti-unti itong umusog hanggang tuluyan na itong nakalapit. Kitang-kita ko ang mapang-asar na tingin ni Alessia habang sinasabi kay Ely ang tungkol sa dahilan kung bakit ayaw kong malaman nila. Inirapan ko na lamang ito at muling tumayo para maghanp ng pagkain. Sakto naman na nakakita ako ng isang pot na may lamang soup. May dalawang piraso pa nga na isda na para bang sinadya talaga na iwan dito. Agad ko itong kinuha at umupo na sa harap ng apoy. Nagsimula na akong kumain at hinayaan na lamang ang dalawan mag-usap sila doon. Ilang sandali pa ay kitang-kita ko ang unti-unting paglaki ng mga mata ni Ely at lumipas lamang ang ilang sandali, bigla itong tumawa ng malakas at tumayo na rin.  Hindi ko na lamang sila pinansin at itinuon sa pagkain ang aking atensiyon. Bahala kayo riyan. Aasarin niyo na naman ako. Patuloy lamang akong kumakain dito nang muling tumabi silang dalawa sa akin. Ngiting aso naman itong kaibigan ko na si Alessia habang sinusundot ang aking pisngi. Hindi ko pa rin ito pinapansin at kumuha ng isda at isinubo ito sa aking bibig. Bahala ka riyan, wala akong pakealam sa inyong dalawa. "Hoy, pansinin mo na kami,"natatawang sabi ni Alessia. "Hindi naman sinabi ni Alessia na takot ka lang na mapunta sa iyo ang buong atensiyon ng mga tao,"saad naman nitong si Ely. Masama kong tinignan si Alessia at muling nagpatuloy sa pagkain. "Ayaw mo no'n? Mas sure tayo na hindi na sasabihin ni Ely sa iba ang tungkol sa atin. Aware siya na ayaw natin na maging center of attraction kaya tatahimik lamang siya,"bulong naman nitong si Alessia. "Oo nga!" Pagsa-sang-ayon naman nitong si Ely ngunit may ngiting aso pa rin sa kaniyang mga labi. Inirapan ko lang ang dalawa atsaka tumayo na. "Manahimik kayo riyan at layuan niyo ako, I'm busy,"sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD