Chapter 16

2617 Words
Lumipas ang ilang pangminuto ay bumalik na rin si Wayne. Dala-dala nito ang dalawang makakapal na mga papel na hindi ko alam kung para saan. Hindi pa ito agad lumapit sa amin bagkos ay marami pa itong pinuntahan sa loob ng silid. Nilibot pa nito ang ilang bawat parte ng silid at may kinuha sa mga shelf. Hindi ko man alam kung ano ito pero parang sa tingin ko ay ito 'yong mga papel na tinutukoy nilang pipirmahan namin. Tahimik lamang akong nakamasid sa kaniya habang abalang-abala pa rin ito sa kaniyang ginagawa. Medyo nahihilo na ako kakatitig sa kaniya kaya ibinaling ko na lang sa iba ang aking atensiyon. Doon na hagip ng mga mata ko ang nakatitig kong kaibigan na si Alessia. Para bang may gusto itong sabihin sa akin pero hindi niya magawa. Siguro ay dahil na rin sa nandito sila Heneral. Siguro ay sobrang importante nito at ayaw niyang marinig nila Heneral. Maari ring tungkol ito sa mga sinabi nila. Hindi ko man alam kung ano ang gusto niyang sabihin pero tinanguan ko lamang ito. Tila ba sinasabi ko sa kaniya na ayos lang kung sasabihin na niya sa akin mamaya. Hindi naman kailangan na ngayon na agad, buong buhay na naman kami magsasama o mas mainam na sabihin na hanggang sa makauwi kami. Iyon lang ay kung possible ba. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang sinabi nila kanina. Impossibleng bigla na lang naglaho ang mga ito, iyong wala man lang kahit isang bakas na na iwan. Siguro ay sa kalagitnaan ng kanilang labanan ay lumabas ang portal na nagdala sa kanila rito. Pagkatapos noon ay naging resulta ito sa pagbalik nila sa aming mundo.  As much as possible, ayaw kong mag-isip ng negatibo. Gusto ko isipin na mayroon pa kaming pag-asa na makabalik sa aming mundo. Ang alam ko lang ay may paraan pa. Hindi naman kami malilipat dito sa walang kwentang dahilan o kaya ay dahil gusto lang nila. Alam kong may rason kung bakit ito nangyayari. At hindi na ako makakapaghintay na malaman ito sa pagdating ng panahon. Kamusta na rin kaya ang iba ko pang mga kaklase? Sana lang ay ligtas sila kung saan man sila napadpad. Sana rin ay kaparehong mundo lang din kami dinala ng portal. Para kung mangyari man iyon ay maaring mag-group muli kami at gawin ang nararapat gawin. Iyon ay ang tanggapin ang misyon na kung saan nawala ang mga taong taga-ibang mundo na kagaya namin. Hindi ko man alam kung nasaan na rin sila, pero ramdam ko naman na buhay pa ang mga ito. Impossible rin na mamatay ang mga iyon. Sila pa? Sobrang tigas ng mga ulo ng mga iyon, isa pa, karamihan sa kanila ay mga mahihilig din sa ganitong klaseng genre. Kaya alam kong alam na nila kung ano ang basic at ano ang dapat gawin.  Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi makaramdam ng excitement. Alam kong magiging epic ang araw kapag nagkita-kita na kaming lahat. Ano na kaya ang katayuan namin sa mga oras na iyon. Labis naman ang aking pagkagulat at bumalik ako sa aking katawan nang biglang may ibinagsak sa aming harapan. Doon ko nakita ang isang sobrang kapal na mga papel na hindi ko alam kung para saan. Ibinaling ko ang aking paningin sa taong nasa gilid ko na humihingal. May dala-dala itong dalawang ballpen atsaka inalahad sa amin. Agad ko itong kinuha at ibinigay ang isa sa aking kaibigan. Binigyan muna namin ng oras si Wayne bago magsalita. Mukhang pagod na pagod ito kakahanap ng mga kailangan bago kami makakapapag-rehistro ah? "Ito ang mga dapat niyong pirmahan bago niyo makuha ang ID niyo,"paliwanag ni Wayne, "Siguro mga limang papel lamang dapat iyan ngunit paulit-ulit na kinopya. Kailangan ko pa kasi bigyan ang ibang mga tao sa papel na iyan. Hindi ko naman maisa-isa na sabihin sa inyo kung ano 'yan pero sinisigurado ko na ligtas ang lahat ng impormasyon tungkol sa inyo." Wala naman talaga kaming dapat ikabahala sa sarili namin. Alam naman namin na wala silang sapat na impormasyon patungkol sa kung sino talaga kami. Isa pa, sigurado rin ako na ang mga nakasulat sa mga papel na nandito ay tungkol lamang sa rules and regulations bilang isang adventurer, tipikal na mga nakalista sa isang kontrata. Tinignan ko muna si Alessia atsaka tumango. Sinimulan ko ng basahin ang isang pahina bago ito pinirmahan. Bawat pahina ay mayroong dapat pirma, hindi ko alam kung bakit kailangan may ganito pa pero wala naman kaming magagawa. Patuloy lamang ako sa pagbasa at pagpirma hanggang sa umulit na muli ang mga nakasulat.  Totoo nga talaga ang sinabi niya na kailangan niya rin bigyan ang ibang tao ng kontrata. Napa-iling na lamang ako at nagsimula na muli sa pagpirma. Halos lumipas ang halos dalawang oras bago ako na tapos. Ibinaling ko ang aking paningin kay Alessia na ngayon ay nakasandal na sa kaniyang upuan habang umiinom ng tubig. Aba? Ang bilis naman yata niya matapos? Mukhang hindi yata nito binasa ang mga nakasulat ah? "Tapos ka na ba, Val?" Tanong ni Rizy. Tumango lamang ako atsaka sumandal na rin sa aking upuan. Agad naman itong kinuha ni Wayne upang tignan kung na pirmahan na ba ang lahat. At halos ngumanga ako nang isahang paglipat lamang nito at na tapos na rin. Mabilis nitong inilagay sa isang tabi ang mga papel at kinuha ang isang parang jewelry box. Dalawa pa nga ito at inilagay sa aming harapan. "Sa loob ng kahon na iyan ay ang inyong ID,"ani nito, "Sa oras na may na tapos kayong misyon ay ibigay niyo lamang iyan sa mga namamahala. Sila na ang bahala na tatatak doon, hahanapin din ito ng Merchant guild para sa mga binenta niyong mga bagay. Sa paraan na iyon ay magkakaroon kayo ng listahan ng mga na gawa niyo habang nandito kayo." Kinuha ko agad ang kahon at binuksan. Agad naman akon mapangiti ng makita ang isang ID card na sobrang ganda. Para itong gawa sa ginto. Para tuloy akong may gold atm card, sobrang nakakayaman tignan. "Salamat po,"sabi ko at ngumiti. Tumango lamang si Wayne atsaka tumalikod na. Kasabay nito ang pagtayo nila Rizy at Heneral sa kanilang upuan. "Ngayon na tapos na kayo at ganap na na isang adventurer, muli ay binabati ko kayong dalawa,"sabi ni Heneral at inilahad ang kaniyang kamay. Mabilis ko naman itong tinaggap at nag-hand shake. "Salamat po sa inyong gabay,"sabi ko. Ganoon din ang ginawa ni Alessia nang bitawan ko ang kamay ni Heneral. "Pwede na kayong umalis at magpahinga,"dugtong ni Rizy at ngumiti sa akin, "Hindi madali ang inyong nilakbay kung kaya ay sigurado akong pagod na pagod na kayong dalawa." "Sobra,"sang-ayon ni Alessia, "Ngunit bago iyon ay may kailangan muna kaming daanan." "Ganoon ba? Saan naman?" Tanong ni Heneral. "Kailangan pa po namin pumunta sa Merchant Guild,"sabi ko, "Sa katunayan niyan ay sa kanila talaga kami na una na pumunta. Tapos ay sabi nila, hindi raw namin mabebenta ang mga gusto naming ibenta hangga't wala kaming ID." "Kaya pala,"ani nito, "Oh siya! Humayo na kayong dalawa. Baka mas lalo kayong gabihin. Mag-iingat na lamang kayo." Tumango lamang kami at nagpasalamat bago nagpaalam. Sa wakas at tapos na rin kami sa aming ginagawa. Hindi na rin sasakit itong ulo namin kakahintay kung kailan matatapaos ang pagsusulit. Sa oras na ito ay kailangan na lang natin bumalik sa Merchant Guild at ibenta itong crystal. Sa oras na matapos iyon ay pwede na kaming maghanap ng pwedeng panatilihan at doon matulog at magpahinga. Ngayon lang ako na sabik na humiga sa isang malambot na kama. Ang tanong, may kama ba ang lugar na ito o wala? Isang marahas na hangin ang aking ibinuga bago nagpatuloy sa paglalakad. Labis naman ang aking pagkagulat nang bigla na lang akong nabangga sa isang matigas na bagay. Nang itaas ko ang aking paningin ay doon ko lang na pansin ang isang pader.  Ayan kasi tanga-tanga. "Hindi ko naman alam na mahilig ka pala humalik sa dingding, Val,"pang-aasar ni Alessia. Inirapan ko lamang ito at mabilis na naglakad na paalis. Tumatawang sumunod lamang ang aking kaibigan hanggang sa tuluyan na kaming makalabas. Inis na inis pa rin ako sa nangyari. Medyo marami kasing tao sa hallway kanina kaya impossibleng walang nakakita. Napahiya tuloy ako, ito pa nga ang unang beses ko sa bayan na ito pero may kahihiyan na akong ginawa. Mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad hanggang sa makababa na kami. "Ayaw mo talaga tumahimik?" Asar kong tanong dito, "Alam mo na nga napahiya ako tapos tawa ka pa nang tawa riyan." Inis na inis na talaga ako sa babaeng 'to. Pagod na pagod na nga ako tapos dadagdagana niya pa. Alam ko naman na na pahiya ako sa nangyari kanina pero tumahimik na siya! "Kasi naman,"ani nito habang tumatawa pa rin, "Alam kong wala kang boyfriend, Val. Hindi mo naman kailangan makipag-halikan sa pader. May unan naman, mas malambot 'yon." Dahil sa inis ay mabilis akong lumapit dito at hinila ang tenga. Ayaw niyang matahimik kaya dadalhin ko na lang siya sa Merchant Guild sa brutal na paraan. "Aray!" Daing nito ngunit hindi ko pa rin pinapansin, "Aray naman, Val! Teka lang! Titigil na." Hindi ko pa rin ito pinapakinggan at nagpatuloy na sa paglalakad. Halos lumipas ang ilang minuto bago ako nakarating sa harap ng Merchant Guild, kung titignan sa labas ay hindi na ito gaanong karaming tao kumpara kanina. Sakto na lamang silang lahat at napaka-tahimik na rin. Binitawan ko na rin ang tenga ng kaibigan ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Na una na ako rito at hinayaan ko na lang siya sa likod. Lumipas ang ilang sandali at nakapasok na rin ako. Inilibot ko ang aking paningin at doon nakita si Ritya na nakikipag-usap sa isang tauhan. Dahil nga sa ayaw ko munang ma-istorbo ito ay tumayo lamang ako sa gilid habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko na alam kung nasan si Alessia at bahala na siya roon. Ang akin lang ay gusto kong matapos na ito. Wala ng laman ang isip ko kung hindi ay puro pahinga. Ngayo nga ay habang nakatingin ako sa mesa, iniisip ko na agad ang aking kama. Siguro, sa lahat ng nangyari sa akin ngayon. Isang bagay lamang ang namimiss ko. Iyon ay ang aking pinakamamahal na higaan. Ang aking malambot na higaan at malambot na unan. Ang malamig na aircon at samahan mo pa ng electric fan. "Hoy!" "Ay Kama!" Sigaw ko. Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa taong nanggulat sa akin at masama siyang tinignan. Si Alessia lang pala. Natatawa na naman ang mukha nito. Alam kong gusto na naman niya akong pagtawanan dahil sa naging reaksiyon ko pero hindi ko rin siya masisisi kung bakit niya pinipigilan. Isa pa, sino ba naman ang taong may gustong makurot sa tenga habang hinihila, hindi ba? "Bakit?" Tanong ko rito. "Alam kong pagod ka na at pinagpapantasyahan mo na ang kama, pero kanina pa kasi kumakamay si Ritya. Wala ka naman sigurong balak na paghintayin iyon, hindi ba?" Tanong nito. Doon ko lang ibinalik ang tingin ko sa gawi ni Ritya. Wala na itong kausap at naglalakad na ito patungo sa direksyon namin. Ganoon na lang pa talaga ako nag-phase out? Nakakahiya. Hindi ko man lang siya makawayan pabalik. Umayos na ako ng tayo habang nakangiti rito. Ayaw kong ipahalata sa kaniya na labis na ang pagod na nararamdaman ko. Lumipas ang ilang sandali at nakarating na rin ito. Isang matamis na ngiti ang kaniyang ibinigay bago ito magsalita. "Kamusta? Tapos na ba ang inyong pag-rehistro?" Tanong nito. "Tapos na,"tugon ko at ipinakita sa kaniya ang ID namin. Kitang-kita ko naman ang gulat sa kaniyang mga mata nguniti agad din ngumiti. "Mukhang mahirap ang pinagdaanan niyo ngayong gabi ah?" Tanong nito, "Hali na kayo at sundan ako. Papadaliin ko lamang ang ating pag-negosasyon para makapagpahinga na kayong dalawa. Alam kong hindi madali ang pagkuha niyo sa dalawang ID na iyan." Labis man ang pagtataka ay sumunod na lang kami sa kaniya. Paano niya nalaman na sobrang hirap ng pinagdaanan namin? Hindi kaya ay alam ni Ritya ang espesyal na pagsusulit na iyon? Kung ganoon ay mabuti naman. Akala ko ay matatagalan pa kami rito bago makakapagpahinga. Siguro nga ay may kaibahan ang bawat ID sa mundong ito. Gaya sa school ID, iba-iba ang kulay ng ID sa bawat kurso. Iba rin ang desinyo ng ID lace. Kung kapareho ito sa mundo namin, ibig sabihin ay iba rin ang ID ng mga taong katulad ko sa mga taong taga-rito. Ngunit, maari ring iba ang ID ng mga taong kumuha ng special test na pinagdaanan namin kanina. Ay, Ewan ko. Bahala na nga sila. Umakyat na kaming tatlo sa ikalawang palapag. Doon ay sinimulan na namin ibenta ang aming item. Muli kong inilabas ang crystal na ito at pinakita sa kaniya. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha. Ngunit, sobrang saya ko rin na sa wakas ay magkakaroon na ako nito,"ani niya at ngumiti, "Ngayon, sasabihin ko sa inyo kung bakit ganito na lang ito ka importante at kung gaano kapanganib ang buhay niyo kapag nalaman ng mga kapwa adventurer ang tungkol dito." Tumango lamang kaming dalawa ni Alessia at umayos ng upo. Tila ba pinapahiwatig namin na handa na kaming makinig sa kaniya. "Sa katunayan niyan ay ang item na ito ay isa sa mga pinakabihirang bagay na matatagpuan sa kagubatan. Hindi rin madali ang pagpatay sa mga hayop na nagtataglay nito. Ito ang bagay na kung saan ay tinatawag na double crystal, ang double crystal ay siyang crystal na tutulong sa gumagamit na doblehin ang kaniyang kapangyarihan. Maari ka rin nitong tulungan upang mas lalong lumakas. Maraming tao na ang gustong mahanap itong crystal, ngunit sa kasamaang palad ay lagi lamang silang tinatakasan ng mga halimaw,"paliwanag ni Ritya, "Isang napakalaking milagro talaga para sa amin ang ginawa niyo. Kung kaya, ang ibabayad ko sa inyong dalawa ay tamang presyon lang din para rito." "Magkano po ba iyan?" Tanong ko sa kaniya. "Tatlong Pladno at Sampung libong ginto,"sabi niya. Halos mapanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Sa aking pagkakaalam, ang pladno ay isang uri ng pera na mas mataas pa sa ginto. Ang isang pladno ay katumbas ng halos dalampung ginto. Hindi ko inaasahan na ganito pala ito kahalaga, kung alam ko lang ay sana hindi ko na lang ito benenta. Ngunit, kung hindi ko naman ito ginawa ay wala rin. Wala kaming lugar na pananatilihan ni Alessia. Wala kaming pwedeng gamitin para ibili ng pagkain. Hindi ko rin alam kung saan na kami pupulutin sa mga oras na iyon.  Siguro naman ay makakahanap pa kami ng mga katulad ng halimaw na iyon. Babalikan na lang namin ang gubat kapag lumakas na kami pareho. Iyong tipo na wala kaming dapat ipag-alala. "Ayos ba?" Tanong nito. "Sige,"sabi ko at tumango. Mabilis na ngumiti nang malapad si Ritya at tumango. Inilahad nito ang kaniyang kamay na agad kong naman itong tinaggap. "Nagagalak akong makipag-negosasyon sa inyong dalawa,"ani nito, "Ito na ang bayad para sa Double Crystal." Kasabay ng sinabi niya ay ang paglabas ng isang pouch na sobrang laki. Sa tingin ko ay nasa loob ang mga ginto at pladno na sinasabi niya. Mabilis ko naman itong hinawakan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang itong nawala sa aking kamaya. "Oh?" Sabi ni Ritya, "Mukhang alam mo na rin ang kapangyarihan ng pagtago ng mga gamit sa katawan." Pagtago ng mga gamit sa katawan? Paano iyon? Hindi ko nga alam na possible pala iyon eh. Ngumiti lamang ako sa kaniya at tumango, "Salamat po." Saad ko bago nagpaalam na sa kaniya.  "balik kayo!" Sigaw nito. Sa wakas ay makakahanap na rin kami ng pwedeng tulugan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD