Chapter 21

2614 Words
Isang matamis na ngiti lamang ang ibinigay ko rito atsaka siya binigyan ng pera. Bigla naman nagbago ang kaniyang ekspresyon at napalitan ito nang ubod ng saya. Kapag talaga pagkain ang pinag-uusapan iba ang epekto sa babaeng 'to, minsan ay napapaisip na lang ako kung ano kaya ang mangyayari sa kaniya kapag isang buong araw itong hindi pinakain ng mga magulang niya. "Ayan ba ang kaibigan mo?" Tanong ni Ely na nasa aking likuran. Oo nga pala, nandito pala itong bagong kakilala ko. Muntikan ko na tuloy makalimutan dahil kay Alessia. "Pabili nga po isa,"sambit ni Alessia. Ibinaling ko ang aking paningin kay Ely atsaka tumango.  "Ito si Alessia, ang nag-iisang kaibigan ko simula pa noong mga bata pa kami,"pagpapakilala ko rito habang tinuturo ang babaeng bumibili ng pagkain, "Tsaka ko na kayo ipapakilala sa isa't-isa ng pormal kapag natapos na ito sa pagbili ng pagkain. Oo nga pala, kumain ka na ba?" "Hindi pa,"tugon nito, "Aayain ko nga sana kayo na kumain na muna bago mamasyal. Hindi magandang ideya na gagala tayo sa bayan na walang laman ang tiyan. Oo nga at marami namang paninda sa tabi-tabi pero, mas lalaki ang gastos niyo kapag ganoon." Sabagay ay tama nga naman ito. Infairness, magaling mag-isip itong si Ely. Practical din siya pagdating sa paggamit ng pera. Kung siguro si Alessia pa ang tinanong ko ay paniguradong sasabihin niyang gagala na muna kami bago kumain. Hindi naman siya masiyadong magastos pero kapag pagkain na kasi ang pinag-uusapan ay wala na iyon para sa kaniya. Kaya nitong ubusin ang kaniyang allowance para lang doon. "Sige, kumain na lang muna tayo,"sabi ko, "Ngunit, wala kasi kaming alam na lugar na kung saan may masasarap na pagkain." Tumawa lamang ng mahina si Ely atsaka kumindat, "Ako ang bahala sa inyo. Sa tagal ko ba naman dito ay alam na alam ko na kung ano ang pasikot-sikot sa buong bayan. Dadalhin ko kayo sa isang pagkainan na panigurado ay hindi kayo magsisisi." "Salamat,"tugon ko rito. Tumango lamang ito sabay tingin sa paligid. Tila ba mayroon itong hinahanap, siguro ay ito 'yong kaibigan niya na kanina pa niya hinahanap na hanggang ngayon ay wala pa rin. Hinayaan ko na lang muna ito at tinignan si Alessia na abala sa pagtingin sa pagluto ng kaniyang pagkain. Kung tutuusin ay ngayon ko lang kilala itong si Ely. Hindi ko pa talaga alam kung anong klaseng personalidad meron siya o kung mabait ba ito o hindi. Wala rin akong alam kung maganda ba ang motibo nito sa amin o hindi, ngunit kahit ganoon ay wala naman kaming ibang maasahan kung hindi siya. Kung titignan ay mukha naman siyang maasahan, pero sabi nga ni Alessia. Don't judge the book by its cover. Ayaw ko muna itong husgahan, hahayaan ko munang lumipas ang araw na ito tsaka ko sasabihin kung ano ba talaga siyang klaseng tao. Kung mapagkakatiwalaan ko ba ito o hindi, hindi ko maaring ibaba ang guard ko. Dapat ay lagi akong handa sa ano mang pwede niyang gawin. Mukha pa naman itong malakas at makapangyarihan. Sa tingin ko nga ay wala lamang ako kumpara sa kaniya. "Tapos na ako!" Sigaw ni Alessia at lumapit sa akin, "May sobra pa naman isa, sa iyo na lang." Tinaggap ko naman ang ibinigay nitong pagkain sabay hila sa kaniyang kamay. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tenga habang nakatingin kay Ely na abala pa rin. "May kasama tayo ngayon,"sabi ko, "Huwag kang pilosopo at huwag kang gagawa ng mali. Hindi ako sigurado kung gaano ito kalakas. Papakilala ko rin kayo sa isa't-isa mamaya, sa ngayon ay sumunod ka na lang sa kung ano man ang pupuntahan natin." "Saan mo ba kasi 'yan, napulot?" Tanong nito. Napa-irap na lamang ako sa kawalan at malalim na bumuntong hininga. "Huwag ka na lang magtanong, kumain ka na lang. Baka umakyat na naman 'yang insekto mo sa tiyan patungo sa utak mo, hindi ko pa naman kayang kontrolin ang isang Alessia na may saltik sa utak,"sabi ko sabay irap sa kaniya. Ngumuso lamang ang aking kaibigan at akmang hahablutin sana ang aking pagkain nang agad ko itong tinago sa aking likod at benelatan.  Agad naman akong umayos ng tayo nang bigla ko na lang narinig ang isang mahinang tikhim sa aming harapan. At nang tignan ko ito ay si Ely pala, nakatingin na ito sa amin habang nakangiti. "Pasensiya ka na,"sabi ko, "Ganito lang talaga kami magbiruan. Abala ka kasi sa pagtingin sa paligid, baka hinahanap mo kaibigan mo kaya hindi ka na lang namin inistorbo." Tumawa lamang si Ely sa sinabi ko sabay taas sa kaniyang kamay hanggang sa may dibdib niya at winawagayway. "Sa katunayan niyan at wala lang naman iyon, sinisigurado ko lang na walang kaguluhan na nagaganap dito,"paliwanag niya, "Handa na ba kayong dalawa?" Tumango lamang kami atsaka sinundan na ito. Ano kayang ibig sabihin nito na sinisigurado lamang niya na walang kaguluhan na nagaganap sa bayan? Mataas ba ang posisyon ni Ely? Bakit kailangan pa niya bantayan ang mga tao? Mukhang kailangan ko yata itong tanungin ah? Hindi naman sa nangengealam pero parang ganoon na nga. Gusto ko lang kamo malaman kung ano talaga siya. Habang naglalakad kami ay patuloy lamang sa pagkain itong kaibigan ko. Samantalang ako naman ay itinabi ko muna ang ibinigay ni Alessia at napapatingin sa paligid. Sobrang daming tao ngayon, karamihan sa kanila ay bumibili ng mga pagkain at iba pa. Meron ding mga nagtitinda sa tabi-tabi na mas lalong nagpapaka-gulo sa paligid. Tipikal na merkado. "May bagong gulay kami ngayon, presko pa at bagong pitas!" Sigaw ng isang ale. "Preskong isda kayo riyan!" Sigaw naman ng isa.  Sobrang dami nilang paninda. May ibang prutas pa nga akong nadaanan na ngayon ko lang nakita. Kulay pula ito ngunit parang isang cucumber, tapos may isa rin na kulay dilaw na apple. Ang angas nga eh, hindi ko alam kung ano ang lasa no'n pero parang gusto kong tikman. "Medyo magulo talaga ang lugar na ito,"biglang sabi ni Ely at tumabi sa amin, "Dito kasi minsan nagtitinda ang mga taong galing sa ibang bayan. Tinitinda ng mga ito ang mga produkto nila mula roon." "Hindi ba malayo ang ibang bayan dito?" Tanong ko. Impossible naman kasi na ititinda nila ang mga ganiyang klaseng produkto rito tapos ang layo ng bayan nila. Hindi ba at lugi sila masiyado? Hindi ko alam kung magkano ang bayad kapag papasok sila rito at ang transportation pa. "Malayo,"tugon niya, "Ngunit hindi naman sila lugi sa kanilang mga paninda. Sa katunayan niyan ay lahat ng paninda ng mga taong 'to ay bihira lamang sa bayan. Minsan nga ay pagkarating pa lang nila rito, ubos na agad." "Ang galing,"manghang sabi ko. Hindi ko inaasahan na ganoon kapatok ang mga prutas at gulay o iba pang mga pagkain ng ibang bayan dito. Siguro nga ay may iba't-ibang kakayahan ang bawat lugar, kung kaya ay kinukuha nila ang chance nila na ito para itinda ang mga produkto nila sa bayan na walang mga ganoong klaseng produkto. Win-win lang din. "Kaya asahan mo na lang talaga na ganito kagulo at iba-iba ang mga kasuotan ng mga tao,"sabi ni Ely, "Tuwing lunes at martes talaga mas maraming tao rito. Iyon kasi ang mga panahon na bagong dating ang mga produktong paninda nila. Ngunit, huwag kayong mag-alala, sa oras na makalampas tayo rito ay tahimik na naman ang lugar." "Bakit ganoon?" Tanong ko rito, "Sabi niyo ay tahimik na ang lugar na pupuntahan natin kapag nakaluwas tayo rito. Ano ang ibig sabihin niyo doon?" "Ang buong bayan ay hinahati sa iba't-ibang seksyon, mga pagkainan o tavern, mga nagtitinda, guild at iba pa. Ayon sa mga namamahala, talagang ginawa nila ito para maiwasan ang lugar na kung saan puro gulo,"paliwanag niya, "Naiintindihan niyo ba?" Tumango lamang ako bilang tugon. Kung gayon, ang ibig niyang sabihin ay kung saan ka nararapat doon ka lang talaga. Kunwari, isa kang negosyante na may restaurant, talagang doon ka lang sa area na kung saan mayroong mga restaurant, o kaya ay trading place. Pero hindi kaya masiyadong lugi ang mga negosyante kapag ganoon? Hindi naman sa against ako sa ginawa nila pero parang ang unfair. "Oh malapit na tayo,"sabi ni Ely at na una nang maglakad.  Pero sabagay, sa kanila lang naman iyon. Naiintindihan ko naman na kaya nila ginagawa ito ay para maging matiwasay ang pamumuhay ng mga tao rito sa lugar. Ayaw naman siguro ng mga namamahal na sa baba ng isang hotel ay isang palengke.  Paano na lang ang mga taong gustong makapagpahinga? Pero hindi possible dahil nga sa sobrang ingay sa baba?  Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa aking kaibigan na bigla na lang nitong hinawakan ang aking braso at ngusong nakatingin sa akin. "Gutom pa rin ako,"biglang sabi ni Alessia, "Hindi ko alam na kukulangin pa pala ang isang serving ng pagkain na iyon. Akala ko pa naman ay sapat na dahil sa dami." "Malapit na naman daw tayo sa kakainan natin. Tiis ka na lang nang kaunti, makakarating din tayo roon. Okay?" Sabi ko at nginitian ito.  Lumipas ang halos ilang minuto ay nakarating na rin kami sa harap ng isang dalawang palapag na gusali. Sa katunayan niyan ay simple lamang ito pero maganda, gusto ko tuloy pumasok. "Adventurer's Restau,"basa ko rito. "Akala ko ba ay walang wikang english dito? Bakit parang halos lahat yata ng mga lugar o signage nila ay nakasulat sa english?" Tanong ni Alessia sa tabi ko.  Napailing na lang ako sa kaniya, "Tanong mo sa namamahal sa bayan." Pumasok na si Ely kaya sumunod na rin ako. Bumungad naman sa amin ang malamig na loob na para bang mayroon ditong aircon. Nakakamiss. "Maligayang pagdating sa A.R,"bati ng isang babaeng nakasuot ng isang mahabang damit na hanggang paa. May malaking ribbon ito sa likod na nagbibigay cuteness sa kaniyang kasuotan, may suot-suot din ito na apron na may malaking bulsa sa harap. "Oras mo pala ngayon, Maria?" Tanong ni Ely rito. Lumaki naman ang mga mata ni Maria at napatingin kay Ely. "Ely!" Sigaw nito, "Buti naman at naisipan mo na bumisita rito. Akala ko ay wala ka nang balak na bumalik pa sa restau, ilang beses ka ng hinanap sa akin ni boss. Alam mo naman 'yon." "Miss naman niya ako agad,"natatawa nitong tugon, "Oo nga pala. Kasama ko ngayon ang mga bago kong kaibigan, gusto kasi nila kumain ng masarap na pagkain kaya dito ko sila dinala. Pasalamat kayo sa akin at mahal ko kayo." "Ang sabihin ay gusto mo na naman malibre sa pagkain,"tugon ni Maria at tumingin sa amin. Isang matamis na ngiti ang kaniyang ibinigay bago ito tumango, "Huwag kayong makikinig sa kung ano man ang sasabihin niya sa inyo. Manloloko 'yan." "Maria!" Sigaw nito. "Siya! Siya! Sundan niyo na ako at ibibigay ko sa inyo ang pinakamagandang pwesto sa aming pwesto,"ani nito at kumindat muna bago kami tinalikuran. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ely bago tumingin sa amin at ngumiti ng mapait, "Hayaan niyo 'yong babaeng 'yon, doon kayo huwag makinig,"ani nito at sumunod dito. Mukhang hindi naman masama si Ely. Sobrang malapit kasi nito sa ibang tao at parang lagi itong nakabantay sa paligid. Siguro nga ay isang kilalang adventurer itong taong 'to, iyon nga lang ay hindi niya sinabi sa amin. Matanong ko na lang siya mamaya pagkatapos namin kumain, sa ngayon ay uunahin ko muna na punuin itong tiyan ko dahil sobrang gutom na gutom na gutom na ako.  Habang nakasunod kami kay Maria ay hindi ko mapiglan ang mapatingin sa paligid. Marami-rami ring tao ang nandito. Mukhang sikat nga itong restaurant na ito at binabalik-balikan talaga.  Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa isang pwesto na kung saan ay katabi lamang ng bintana. Sa labas ng bintana ay ang isa sa mga pinakamagandang hardin na aking nakita sa buong buhay ko. Sobrang daming bulaklak at iba-iba pa ang kanilang mga kulay. Kung titignan ay mahahalata mo talagang alagang-alaga ito ng nagmamay-ari ng hardin. Sino kaya 'yon? "Ito na ang pinakamagandang pwesto sa buong gusali,"sabi ni Maria, "Ngayon ay mamili muna kayo ng gusto niyong pagkain. Babalikan ko rin kayo pagkatapos. Ely, alam mo na naman kung ano ang talagang patok sa restaurant kaya ikaw na bahala sa mga bisita mo." "Sabi mo eh,"sambit ni Ely at kinuha ang isang papel. "Kung hindi mo aayusin, alam mo na naman siguro kung ano ang mangyayari mamaya. Hindi ba?" Nakangiting sabi ni Maria. Unti-unting lumaki ang mga mata ni Ely at agad na umiling. "Oo na! Ako na ang bahala sa kanila, basta huwag na huwag mong tatawagin si Boss. Baka hindi na ako makaalis sa lugar na ito, kailangan ko pa sila samahan!" Halos pasigaw na sambit ni Ely at tinulak si Maria. "Ayusin mo lang,"ani nito at tuluyan ng umalis. Halos manlumong umupo muli si Ely atsaka ibinigay sa amin ang menu. "Pwede kayo pumili ng mga pagkain diyan,"ani nito at tinuro ang papel, "Ang pagkain na patok na patok talaga sa kanila ay itong pancake at mga lutong baboy na pagkain. Magaling talaga ang kanilang punong tagapagluto. Hindi ko ito sinasabi dahil binantaan ako ni Maria, pero sinasabi ko ito sa inyo bilang isang kustomer dito." "Ganoon ba talaga ito kasarap?" Tanong ni Alessia, "Kung sabagay ay marami nga namang tao rito." "Kilala ang restau na ito bilang isa sa mga mayroong masasarap na pagkain na matitikman mo sa bayan. Binabalikbalikan nga ito ng mga ilang dayuhan,"kwento niya, "Sabihin niyo lang sa akin kung may na pili na kayo at tatawagin na natin ang bruhang iyon. Kaya minsan ay ayaw kong bumalik dito dahil mapupuno lamang ako sa asar ng mga nagta-trabaho sa lugar na ito." Natawa na lamang ako sa kaniya atsaka pumili na. Dahil nga sa breakfast at lunch na namin ito, pagkatapos ay kailangan pa namin ng lakas para mamaya. Mas mainam siguro kung heavy meal ang pipiliin ko. Kailangan ko rin ng sweets for dessert, hindi maari na ayon lang ang kakainin ko. Magwawala talaga ang aking tiyan. "May na pili ka na ba?" Tanong ko kay Alessia. Kanina ko pa kasi ito napapansin na sobrang tahimik at parang ayaw magsalita. Baka wala rito ang gusto niyang kainin.  "Nalilito kasi ako kung ano ang pipiliin ko,"tugon niya, "Gusto ko sana ito pero gusto ko rin 'to, tsaka ito rin atsaka ito. Nalilito talaga ako kung ano, hindi naman natin pwedeng orderin lahat dahil panigurado ay mauubusan na tayo ng pera kapag ganoon." Tama nga naman ito, pero kung talagang gutom siya ay pwede naman siguro 'yon. "Hindi ba at adventurers naman kayo?" Tanong ni Ely. Sabay na napatingin kami ni Alessia rito at tumango, "Kung gayon ay wala kayong dapat ipag-alala. Pwede naman kayo kumuha ng mga simpleng misyon sa Guild. Mga baguhan pa lang naman kayo kaya bibigyan nila kayo ng simpleng misyon pero magandang ang gantimpala." "Ganoon ba?" Tanong ko rito. "Pwede ko kayong samahan bukas kung gusto niyo. Total, pareho lang naman tayo ng tinitirhan at isa pa, wala rin naman akong gagawin bukas,"paliwanag ni Ely. "Wala ka bang mga tinatanggap na misyon?" Nagtatakang tanong ko rito. "Meron naman,"ani niya, "Mamaya na natin pag-uusapan 'yan. Ipapakilala ko naman sa inyo kung sino talaga ako at kung anong klaseng tao ako. Sa ngayon ay tawagin na muna natin ang babaeng 'yon. Gutom na rin ako eh." Natawa na lamang ako sa kaniya atsaka tumango. Itinaas ni Ely ang kaniyang kamay at tinawag si Maria. Sinabi na namin sa kaniya ang gusto naming kainin na labis naman niyang ikinagulat dahil sa dami nito. "Sigurado ba kayong mauubos niyo 'to?" Tanong ni Maria. "Mukha ba kaming busog?" Tanong ni Alessia. Iba talaga epekto ng gutom sa babaeng 'to. Masama niyang tinignan si Maria na mabilis na tumakbo patungo sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD