Melecio’s POV Ilang araw na ang nakalipas simula nang may mangyari sa amin ni Jordyn. Mabuti na lang at okay na kami ni Samara. Natuwa kasi ito nang i-date ko siya sa mall. Nagwaldas talaga ako ng pera para sa kaniya nang araw na ‘yun. Kumain kami sa isang mamahaling restaurant pagkatapos naming manuod ng sine. Hindi naging maganda ang kain namin doon dahil maya’t maya siyang nilalapitan ng mga nakakakilala sa kaniya. Kaya pagkatapos naming kumain ay binili ko siya ng pang-disguise. Balanggot at saka sunglass. Pagkatapos ay binili ko rin siya ng mga books. Mahilig pala siyang magbabasa ng books kapag gabi, lalo na kung may insomnia daw ito. Nang pumasok siya sa bilihan ng mga makeup ay nagpaalam ako sa kaniya na aalis muna para magbanyo, pero ang totoo ay palihim akong pumunta sa isang