Samara’s POV Nagpunta kami ni Lucia sa park malapit sa pizza-han na pinanggalingan namin. Nakipag-usap muna ako sa kaniya nang saglit. Pinakita ko rin sa kaniya ang litrato ni Melecio. Umiling siya nang makita niya ‘to. “Hindi ko kilala ang lalaking nasa litrato,” sabi niya. “Siya kasi ang lalaking sinasabi ko sa ‘yo na gaya mo ay may allergy din sa bawang,” sabi ko naman sa kaniya. “Naglilibog din siya kapag nakakakain ng bawang?” tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay. “Yes, dahil sa bawang ay ilang beses nang may nangyayari sa amin,” pag-aamin ko sa kaniya. Natawa tuloy siya dahil sa sinabi ko. “Dati may boyfriend din ako. Alam niya ang tungkol sa allergy ko. Kaya lang ay hiniwalayan ko na dahil inaaraw-araw ang paggamit niya ng bawang sa akin. Araw-araw tuloy kaming nagse-