Samara’s POV
Maaga akong nagising. Nasanay na ako sa ganoon dahil sa palaging kong pagpasok ng maaga sa trabaho. Binuksan ko ang bintana ng kuwarto ko. Sinalubong ako ng maaliwalas na hangin. May nakita akong naghuhuntahan sa labas. Ito ‘yung mga matatandang tao na maagang nagigising para makipaghuntahan sa kapwa nila matatanda. May nakita rin akong binatilyong nagtitinda ng pandesal. Gusto ko sana siyang tawagin, kaya lang ay wala talaga akong kapera-pera ngayon. Paborito ko kasi sa umaga ang pandesal na isinasawsaw sa mainit na kape. Kahit walang palaman, isasawsaw lang sa kape ay sarap na sarap na ako. Huminga na lang ako nang malalim para malanghap ang sariwang simoy ng hanging tuwing umaga. Amoy ko mula rito ang mga bulaklak ng sampaguita sa kabilang bahay. Ang iba, natatakot kapag nakakaamoy ng bulaklak ng sampaguita sa paligid nila…ang ibig sabihin kasi raw niyon ay may malapit na kaluluwa ng patay sa paligid. Ako naman, iba ang pakiramdam ko kapag nakakaamoy ng ganoon. Natutuwa ako kasi ang bango-bango talaga ng bulaklak ng sampaguita. May tanim kasi ang tita ko ng ganoon sa bakuran nila. Isa ‘yun sa mami-miss kong amoyin kapag umaalis ako papunta sa trabaho ko. Sobrang bango kasi niyon tuwing umaga dahil lahat ng bulaklak ay sa umaga na bumubuka.
Paglabas ko sa room ko ay nakita kong sarado pa ang pintuan ng katapat ng room ko, na room ni Melecio. Tulog pa siguro siya. Mukhang sanay itong matulog ng hanggang tanghali. Naku, hindi na ‘yan puwede kapag nag-open na siya ng business.
Hindi ko alam kung bakit nairita ako sa ayos ng mga halaman niya nang makarating na ako sa garden. Para sa akin ay hindi tugma ang mga pagkakatanim niya ng mga halaman. Saka, parang kulang. Kalbo at malalamya ang halaman at bulalak na binili niya. Hindi ito maganda sa paningin. Walang maaakit ng customer si Melecio kung ganito kapangit ang ambiance rito.
May naisip ako. Lumabas ako para maglakad pabalik sa bahay ng tita kong dragon. Kapag ganitong oras, wala kasi siya sa bahay niya. Namamalengke na ‘yun. Tapos ang dalawa naman nitong anak na mga pinsan ko rin na mga malditang dragon ay kapwa na ring pumasok sa kani-kanilang trabaho. Marami akong alagang halaman at bulaklak sa garden ni tita. Alaga rin ‘yun ng tita ko, pero ako ang mas napamahal sa mga ‘yun, dahil ako lang din naman ang nagdidilig at nagpapaganda sa kanila sa tuwing wala akong pasok. Alam kong miss na rin ako ng mga alaga kong halaman kaya hindi naman siguro masama kung isasama ko na rin sila sa bahay ni Melecio. Ang makukulay at magagadang halaman doon ay nababagay sa garden ni Melicio. Nang sa ganoon din ay gumanda nang tignan ang paligid doon. Mas nakaka-attract kasi ang place kapag maganda ito. Ganoon ang balak kong gawin ngayon para matuwa naman sa akin si Melicio. Tila kakampi ko ang tadhana ngayong umaga dahil wala pang gising sa mga kapitbahay dito nang makarating na ako sa bahay ng tita ko. Hindi nagkakandado ng gate si tita. Ang pinto lang ang sinususi niya kaya madali rin akong nakapasok sa loob ng garden niya. Pagdating ko roon ay mabilis akong pumutol ng mga magagandang halaman at bulalak. Bahala nang magalit ang tita ko. Ganti ko na lang din ito sa lahat-lahat nang kahayupang ginawa niya sa akin. May nakita akong sako. Doon ko nilagay ang mga kinuha kong halaman. Halos napuno ko ang sako ng iba’t ibang halaman. Lahat ng klase ay kinuha ko para sulit ang pagka-inis ni tita kapag nakita niyang ganito na ang garden niya.
Pagbalik ko sa bahay ni Melecio ay agad na akong nag-umpisa. Lahat ng gilid ng garden ay tinaniman ko ng mga halaman na alam kong nagiging puno. ‘Yung mga halaman naman na namumulaklak ay nilagay ko sa makikita ng mga tao kapag nagpunta dito sa harap ng magiging milktea shop ni Melicio. Hindi ko pa man natatapos ang ginagawa ko ay nai-imagine ko na sa isip ko ang magiging itsura nito kapag naglakihan na at lumago na ang mga halaman.
“W-wow!” Muntik kong mabitawan ang hawak kong halaman nang biglang magsalita si Melecio. “Saan galing ‘yang napakaraming halaman? A-ang ganda, Samara! Kahapon pa ako naiinis sa pagpapaganda dito. Mukhang hindi na ako mahihirapan pa at inayos mo. Napasaya mo ako,” sabi niya habang nakatingin sa akin. Naka-topless na naman ito. Umagang-umaga eh, ang sarap-sarap niya agad tignan. Umiling na lang ako para ibalik ang atensyon sa halaman na tinatanim ko. Baka kasi kung ano na naman ang isipin niya kaya tinititigan ko na naman siya nang matagal.
“Alaga ko itong mga halaman sa bahay ng tiyahin ko. Bumalik ako roon para kuhanin sila at dalhin na rin dito. Actually, ang tamlay nga kanina ng garden mo. Hindi ko rin nagustuhan ang ayos mo kaya ginawan ko na ng paraan.” Sakto, tapos na ako kaya inikot ko na ang tingin ko sa buong paligid. Kahit ako ay namangha rin sa nagawa ko. Oo, lanta pa ang iba pero mabilis namang mabuhay ang mga ito kapag nagdaang ang ilang araw.
“Oh, kape ka muna.” Nagulat ako nang abutan ako nito ng kape. “Tikman mo ang kape na ‘yan. Isa ‘yan sa kasama sa coffee menu natin dito sa milktea shop ko.”
Tinikman ko ang ginawa niya. Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa kaniya habang napapangiti. “Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong kasarap ng kape. Nakakapunta ako sa iba’t ibang coffee shop dito malapit sa atin, pero kakaiba itong gawa mo. Ang sarap! Hindi ako maalam sa mga kape pero parang alam ko ang pangalan nitong ginawa mo sa akin.”
“Oh, sige nga. Anong tawag sa kape na ‘yan?” Ngumiti siya. Ngayon lang siya ngumiti nang ganitong parang masaya talaga. At masasabi kong guwapo talaga ito.
“Nalalasahan ko kasi ang chocolate, milk, coffee at whipped cream kaya maaaring ang tawag dito ay Café mocha? Tama ba?”
Nakita kong mas lalong pa siyang napangiti. “Wow! Really? Hindi ka talaga maalam sa kape pero halos lahat ata ng sangkap niyan ay nasabi mo.” Tumawa siya. ‘Yung tawa na may tunog na. Biglang bumagal ang tingin ko sa kaniya. Naka-focus ako sa napakaganda niyang ngiti. Wala na. Ito na ang umpisa. Ganitong-ganito ako noon sa ex-boyfriend ko. “Ubusin mo na at hindi masarap ang kape kapag malamig na,” sabi pa niya kaya nagbalik na ako sa wisyo. Hindi ko na rin sinayang ang akin. Nasarapan talaga ako sa gawa niya kaya naubos ko ang café mocha ko.
“Nawala ang pagod ko dahil dito. Maraming salamat, Melecio,” sabi ko.
“Be ready, marami pa akong ipapatikim sa iyo. Iisa-isahin ko ‘yan dahil malapit na malapit na tayong magbukas.” Tila iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niyang marami pa raw siyang ipapatikim sa akin. Kasama ba roon ang katawan niya? Joke. Nakakasura. Simula talaga nang makita ko na ang lahat-lahat sa kaniya ay hindi ko na maiwasang pagnasahan siya. Hindi naman ako ganito pero bakit pagdating dito kay Melecio ay tila naging malibog na ang tingin ko sa sarili ko.
“Mukhang mabubusog ata ako ngayong araw,” sabi ko. “Anyway, siguro ay dapat na nating pagandahin din ang kulay nitong harap ng bahay mo para mas maging attracted pa itong shop mo sa mata ng ibang tao. Ganoon din ang gate. Dapat makulay, gaya ng mga halaman at bulaklak na tinanim ko.”
“Iyan nga ang magiging trabaho natin ngayong araw, bukod sa pagpapatikim ko sa iyo ng mga coffee at milktea. Habang nagtatrabaho tayo ay magta-try akong magtimpla ng mga ititinda nating kape at milktea, parang magiging mirienda natin iyon sa tuwing magugutom tayo. Kaya naman maghanap ka na ng luma mong damit na hindi mo na gagamitin dahil mapupuno ang katawan natin ng pintura.”
“Okay, gagayak na ako. Sayang ang oras, Melecio. Gusto ko nang magka-work. Wala kasi talaga akong kapera-pera ngayon.”
“Teka, baka gusto mong humiram muna ng pera?”
“Naku, hindi na. Maghihintay na lang muna ako na magka-work. Hindi ako sanay ng may utang.”
“Ikaw ang bahala.”
Umakyat na ako sa itaas. Naghanap ako ng damit na puwede nang itapon pagkatapos kong gamitin. Isang lumang dress na puti ang nakita ko. Ito ‘yung sinira ng mga langgam. Marami na kasi siyang butas-butas sa tela. Nang time kasi na matapunan ko ito ng cake ay hindi ko agad nalabhan. Ayun, pinutakte siya ng lagim. Sa sarap ng cake, pati tela kinain na rin ata nila dahil ang dami ng maliliit na butas dito eh.
Paglabas ko sa harap ng bahay ay nadatnan kong nag-uumpisa na si Melecio. Kinukulayan na niya ng puti ang dingding. Sira-sira at butas-butas na t-shirt din ang suot niya. Butas pa ang gawing harap ng dibdib niya kaya kita ang n*pple niyang kulay pink na masarap dilaan. Nakita kong napatitig na naman siya sa akin. Mula sa mukha ay lumakad ang tingin niya papunta sa hiwa ng dibdib ko.
“Really, Samara? Magpipintura ng ganiyan ang suot mo?”
“Ayos lang ito. Itatapon ko naman na rin ito dahil butas-butas na.” Hindi pa rin siya matigil sa pagsulyap sa dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang. Kahapon, naiilang ako dahil medyo hindi ko pa kuha ang timpla niya. Pero nang makita ko ang lahat-lahat sa kaniya ay tila parang gusto ko nang magpaubaya sa kaniya. Siguro ngayon, kung aayain niya akong mag-s*x kami ay baka mapapayag niya ako.
“Oh, siya, mag-umpisa ka na sa gate. Ikaw na ang bahala riyan. Kayang-kaya mo na ‘yan at mukhang creative ka naman,” utos niya kaya lumapit na ako sa gate. Sumunod naman siya sa akin para isunod ang mga pintura na gagamitin ko. Nagulat pa ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Tinanggal niya ang panyo na nakalagay sa ulo niya at saka niya ‘to itinali sa leeg ko. “Maraming dumadaan na tao rito. Lalo na ang mga kalalakihan. Kapag nakitang luwa ang dibdib mo ay baka mabastos ka pa” sabi niya kaya natameme ako. “By the way, bago mo gamitin ang mga makukulay na pintura, puro puting pintura muna ang ipahid mo sa lahat para kapag nagkulay ka na ng iba ay mas maganda at malinaw ang paglabas ng pintura,” paliwanag niya kaya tumango na lang ako.
Nang pabalik na siya sa ginagawa niya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya nang ilagay niya sa akin kanina ang panyo niya. Pakiramdam ko tuloy ay safe ako kay Melecio dahil sa ginawa niya sa akin. May care na siya sa akin. Sa simpleng ginawa niya ay napahanga niya agad ako. Kanina, habang tinatali niya ang panyo sa leeg ko ay nakuryente ako habang dumidikit ang kamay niya sa balikat at mukha ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nangyayari ‘yun kapag in-love ako.
Ganoong kabilis? Gusto ko na agad ang lalaking ito? Dalawang araw pa lang? Wait, love ba ito o libog lang?