Samara’s POV Alas dos na ng madaling-araw pero dilat pa rin ang mga mata ko. Hindi ako makatulog dahil sa dami nang nainom kong coffee at milktea kanina. Talagang ginawa ni Melecio ang lahat ng flavor na ititinda niya para miriendahin namin. Ako ang ginawa niyang taga-judge kung masarap ba o hindi ang mga gawa niya. Kaya naman imbis na mapagod kami sa pagpipintura kanina ay naging hyper tuloy kami parehas sa sari-saring matatamis na nainom namin. Ang ending, ito, pa-umaga na pero, dilat pa rin ang mga mata ko. Naisip ko, siya rin kaya ay gising pa ngayon? Kasi, pareho lang kaming maraming nainom kanina eh. Saka, tiyak na mas marami siyang nainom dahil kapag may sumusubra ay siya pa ang umuubos niyon. Ang galing nga niya. Ang sasarap ng mga flavor na nakuha niya na galing pa sa ibang bansa