Chapter 49

2523 Words

Melecio’s POV Ang ilan sa mga co-model ni Samara ay umuwi na nang hapon na ‘yun matapos ang photoshoot nila. Ang ilan kasi sa mga ito ay may ibang event pang pupuntahan kaya nagmamadali sila sa pag-uwi. Kahit sina Ced at Jana ay umuwi na rin agad dahil may aasikasuhin pa sila. Iilan lang ang natira; Ako, si Samara, si Jaro, si Costin, si Katerina at si Sherika. Nag-aya si Jaro na uminom kaya narito kami malapit sa tabing-dagat. Nakapalibot kami sa isang bonfire na ginawa nila Costin at Samara kanina. Katabi ko si Samara, pero hindi ko trip na ang katabi niya sa kaliwa ay si Jaro. Kaninang hapon ko pa kasi’ng napapansin na patingin-tingin ‘to kay Samara. Madalas pa niya itong lapitan at kausapin. Minsan, hindi ko tuloy mapigilang mainis. Tinatawag ko tuloy siya para lang malayo sa lalak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD