Melecio’s POV Hindi maalis ang tingin ko kay Samara habang pinagmamasdan ko ito. Nagluluto siya ngayon ng adobong mani. Tama nga ako. Gusto niyang pulutan ‘yun. Mabuti na lang at sanay siyang magluto ng ganoon. Simula nang marinig ko ang kuwentuhan nila Cleo kanina tungkol sa kung paano makipag-s*x si Samara sa kaniya ay napaisip ako kung gaano ba talaga ito kagaling sa kama. Tila nahawa ako nang pagkademonyo ng isip ni Cleo. Tila pati ako ay gusto na rin siyang matikman. Alam kong mali, pero curious talaga ako. Wala naman sigurong mali. Pareho kaming single, ang tanging pinoproblema ko lang ay wala kasing kami. Hindi kami magkarelasyon kaya sigurado akong hindi ko siya maaaring tikman. Tumingin siya bigla sa akin kaya napaiwas agad ako. “Melecio, anong gusto mo? Pork sisig o tofu?”