Samara’s POV Habang pabalik na kami ni Melecio sa event area ay nakasalubong ko si Ryder na palabas sa isang hotel room. Nagulat ako dahil kahit nakita niya ako ay hindi niya manlang ako pinansin. Kasunod nitong lumabas sa hotel room na ‘yun ang tila tigre niyang ina na si Ma’am Amara. Tumingin pa nga sa akin ito tapos bigla niya akong inirapan. Bigla akong humawak sa braso ni Melecio dahil sa takot sa kaniya. Pakiramdam ko ay napagalitan na naman si Ryder ng mama niya kaya hindi maipinta ang mukha nito kanina nang makasalubong ko. “Nasabi ko na ba sa ‘yo na medyo hawig mo ang Amara na maldita na ‘yun?” Napatingin ako kay Melecio nang sabihin niya ‘yun. Anong pumasok sa kokote niya at sa dinami-rami ng babaeng makakamukha ko pa ay ang bruha pa na ‘yun? Napangiwi tuloy ako. “Kilabuta