Samara’s POV Hapon pa lang ay narito na kami sa Lia’s hotel. Isa itong five star hotel na talaga namang kilalang-kilala dito sa buong Pilipinas. Nang dumating kami kanina ay talaga namang napapanganga ako. Ang sosyal-sosyal kasi talaga ng buong design ng paligid. Ang bango-bango rin. Binigyan kami ng tag-iisa room dito bawat model. Kasalukuyan nang matatapos ang makeup ko ngayon. Hawak-hawak ko ngayon ang litrato ng pamilyang Ortega. Narito sa litrato sina Donya Ara, Don Mario, Ma’am Amara, Sir Sam at ang binatang si Ryder. Anak ata si Ryder nila Ma’am Amara at Sir Sam. Itsura pa lang nila ay mayaman na mayaman talaga. Ang ganda ng lahi nila. Kahit matanda na si Donya Ara ay mukha pa rin itong bata pa. Ganoon din si Don Mario na hawig pa ni Ian Veneracion. Nagpapasalamat ako sa kanila dah