Melecio’s POV Napahiya ako kay Samara. Kaya heto, para makaiwas sa eksena na ginawa ko kanina ay nagtimpla na lang ako ng milktea para ibigay sa may-ari ng patatakan ng damit na si Tata Ador. Hapon na rin naman at babalikan ko pa ang ilan sa pinagawa ko roon. Bago ako umalis, pinuntahan ko muna siya sa silid niya. Nang magalit kasi ako kanina ay nagtatakbo siya sa bedroom niya. Ang buong akala ko kasi ay nilagyan niya ng bawang ang niluto niya kanina. Na ang totoo naman pala ay wala. Ibig sabihin ay natural pala ang lust na nararamdaman ko kanina. Nasanay na kasi ako na kapag nakakaramdam ako ng pag-iinit sa katawan ko, at nabubuhay ang ari ko ay alam kong tinatamaan na ako ng lust. Kakaiba itong ngayon, dati naman ay hindi ako ganito. Kapag gusto naming mag-s*x ni Jordyn ay pinapakain