One Last Chance 3
Sa office naging mag isa at naninibugho ang puso ni Kitchie matapos s'yang talikuran at iwan ng binata. And now
she regret everything. Sobra s'yang minahal ni Richard noon at sobra s'ya nitong inalagaan. Pero sinayang n'ya lang ang pagmamahal na 'yun, and now, she's trying to win the past. Walang tigil ang pag agos ng luha ni Kitchie mula sa kanyang mga mata habang inaalala ang mga nakaraan. Mga nakaraang kanyang pinagsisihan.
29months ago. Kitchie and Richard Flash back story.
Sa isang eleganteng restaurant nakaupo si Kitchie at bakas na sa kanyang mukha ang pagkabagot at pagkainis dahil sa kanyang kasintahan na si Richard.
"Sh*t! His late again!" malditang sambit ni Kitchie sa kanyang isipan habang hindi na mapakali ang kanyang mga paa na nais ng umalis sa naturang restaurant.
Nakapatong ang mukha ni Kitchie sa kanyang isang palad habang tumataas na ang kanyang isang kilay dahil sa inis. Oras na kasi pero wala pa ito. "Lagi ka na lang late, bwesit!" mahinang sambit n'ya.
Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at pinairap ang kanyang mga mata.
Maya't maya lang ay sa wakas dumating na ang binata, may bitbit pa itong isang magandang pungpong na bulaklak para sa kanya.
"Baby, I'm sorry kung na late ako," sabi ng binata at humalik sa pisngi ng dalaga subalit inilayo nito ang mukha nito mula sa kasing. Hindi na lang pinansin ni Richard ang kasungitan ng dalaga, kaya umupo na lang s'ya sa upuan.
"Lagi ka nalang late! Susme Richard! maging responsableng boyfriend ka naman!" singhal pa nito sa may kataasang tuno.
Nagtinginan naman ang Ibang mga taong nakaranig sa gawi nila.
Nailang naman ang binata sa reaction ng iba, dahil halatang hindi maganda ang mga titig ng mga ito sa kanila at nakakaistorbo rin sila sa momento ng iba.
Hinawakan ni Richard ang kamay ng kanyang nobya at pinisil pisil upang suyuin Ito.
"Baby, hinaan mo naman 'yang boses mo. Nakakahiya sa ibang taong nakakarinig," malumanay na sabi pa n'ya rito.
Isang irap lang ang natanggap ni Richard mula sa kasintahan at halatang badmood pa rin ito.
"May surprise ako para sa'yo baby," aniya sabay kindat sa kasintahan upang kilitiin ito at ng makaramdam din ng kaunting kilig.
Isang senyales ang pinakawalan ni Richard at lumapit sa table ng magkasintahan ang tatlong taong may dala -dalang violin at tinugtugan sila ng mga ito ng napaka-sweet na musika.
Subalit markado pa rin sa mukha ni Kitchie ang inis.
Isa na namang sinyalis ang pinakawalan ni Richard sabay lapit ng mga staff ng restaurant na may kanya-kanyang mga bitbit at agad na bumuo ng formation sabay ipinakita ang mga letrang nakasulat na dala ng bawat isa.
"Will you Marry Me?"
Nanlaki ang mga mata ni Kitchie at agad s'yang napatayo at napahawak pa sa kanyang dibdib sa labis na gulat matapos mabasa ang mga 'yon.
Nakangiti naman si Richard na tumayo mula sa kanyang kinauupuan sabay abot ng dala n'yang bulaklak sa kanyang kasintahan, habang pinupuno ng magandang musika ang kanilang mga tenga.
Lumuhod si Richard sa harap ng kanyang nobya at binuksan ang maliit na kahon na naglalaman ng maganda at mamahaling singsing.
Hindi naman mawala-wala ang pagkakatitig ng dalaga kasintahan at hinihintay n'yang ibuka nito ang bibig nito.
At halos lahat ng mga tao sa loob ng restaurant ay nag sitingan na sa kanila. Talagang agaw attention ang kanilang sweet na eksena.
"Kitchie, my baby. Buong puso kong hinihiling na sana maging akin ka na ng lubusan, that I can completely owned you, and have you, hangad ko ang makasama ka hanggang sa pagtanda Kitchie. Baby, Will You Marry Me?" sambit ni Richard sabay pag iba naman ng itsura ng dalaga.
May katagal muna bago nakaimik ang dalaga, habang ang mga tao sa paligid ay ibinubulong ang katagang "Yes,yes, yes" sambit ng karamihan kinikilig pa ang iba.
Maliwag ang mukha ng binata habang nakatingin sa dalaga at hinihintay ang mahalagang sagot nito.
Humigpit naman ang pagkakahawak ni Kitchie sa isang pungpong na bulaklak sabay hampas sa pagmumukha ni Richard.
Sa paglapat ng mga bulaklak sa mukha ni Richard ay parang tumigil ang kanyang mundo, pakiramdam n'ya ay para siyang yelo na natutunaw sa sobrang hiya at kabiguan. Isang munting luha ang namutawi sa gilid ng mga mata ni Richard, subalit pinilit n'ya na huwag magpakita ng kahinaan sa harap ng lahat. At buong pagkalalaki pa rin n'yang tingala ang kanyang kasintahan na nakatayo sa kanyang harapan. Galit pa rin ang dalaga at nag aapoy na ito sa sobrang pagkainis.
"Ang lakas ng loob mong humarap sa harapan ko, at mag propose! Nge ang kitain ako sa tamang oras na pinag-usapan ay hindi mo magawa. Anong klaseng boyfriend ka ba ngayun? At kung tatanggapin ko 'yang alok mo, anong klase kang fiance ka sa hinaharap ha!" maririin nitong sabi habang nandidilat ang kanyang mga mata.
Mga matang mas nagpasikip ng puso ng binata, pero mas pinili n'ya pa ring tumayo at niyakap ang kanyang kasintahan ng sobrang higpit. Habang ang mga taong nasa paligid naman ay nagulat sa ginawa at inasal ng dalaga, may ibang naiinis at gustong manakit dahil ginawa nito sa binata.
"Papakasalan ka na nga ayaw mo pa!"
"Ang swerte mo na nga tanga-tanga ka pa!"
"Ay, Akin ka na lang pogi,"
Mga samot saring kumento ng iba.
"I'm sorry kung binigla kita, I'm sorry kung pinaghintay kita, I'm sorry kung masyado akong mabilis. We are having our 4 years of love today, kaya naisip kong mag propose at yayain kang lumagay na sa tahimik." paliwanag pa nito ng nakayakap sa kasintahan.
Habang si Kitchie naman ay umiirap pa rin ang mga mata, Imbes na humingi rin ng paumanhin ay malakas pa n'yang I-tinutulak ang binata palayo sa kanya.
"God Richard! Propose? Talaga ba? Pang ilang propose mo na ba ito? Hindi ka pa ba nadadala? Pang ilang ulit na ba kita tinanggihan ha? It's your 4th attempt Richard, and my answer is still "No!" Damn it Richard! Hindi ka pa pwedeng maging fiance ko dahil hindi ka pa responsableng boyfriend! Everytime na may date tayo, you're always late! At palagi kang busy, busy ka sa negosyo mo at appointments! God Richard! You should not bring those reasons dahil may kumpanya din ako, and my company and people needs me too! Pero on time akong dumarating everything na magkikita tayo, but look at you!? Laging late, laging may rason! At kung ano ano pa! Sh*t! Be a man, kahit paminsan minsan lang!