One Last Chance-4
Napatingin na lang si Richard sa karamahin dahil sa nakakahiya nilang eksena, may mga taong nagbubulungan at pinag-uusapan na sila.
Richard hold his gf hand at pinisil pisil ito.
"Baby, please calm down. Pinagtitinginan na tayo ng lahat, ayaw kong isipin nila na masama ang pagkatao mo," aniya.
Galit na iwinaksi ng dalaga ang mga kamay ng kanyang nobyo mula sa pagkakahawak sa kanya.
"Ano ba! Wag mo nga akong hawakan," singhal pa n'ya sa nobyo.
Kitchie cross her arms sabay rolyo na naman ng kanyang mga mata.
"You know Richard, mas mabuti pang umuwi na tayo dahil nakaka-bwesit na!" dugtong pa n'ya at kinuha ang kanyang bag at padabog na naglakad paalis.
Walang nagawa ang binata kundi ang sundan ang kanyang nobya. Habang naglalakad si Richard ay hindi n'ya magawang i-angat ang kanyang mukha dahil lubos s'yang nahihiya sa mga taong hindi pa rin nagaalis ng tingin sa kanila.
Kasalukuyang nasa sarili na n'yang kotse si Kitchie at nahahabag s'ya sa kanyang ginawa sa kanyang boyfriend.
Sinabunutan ng dalaga ang sarili n'yang buhok, at napatingin s'ya sa boyfriend n'ya na matamlay na nagbubukas ng sarili din nitong kotse. Hindi napigilan ni Kitchie ang kanyang sarili, lumabas s'ya sa kanya kotse at mabilis na yumakap at isinubsub ang kanyang mukha sa likuran ng kanyang nobyo.
Walang salita ang lumabas sa mga labi ni Kitchie, subalit sapat na ang mga yakap na 'yon para maintindihan ng binata kung ano ang nais na iparating ng kanyang nobya.
Kinalas ng binata ang mga braso ng dalaga na nakayakap sa kanya.
sabay harap at gawad ng halik sa noo nito.
"I understand baby," sabi pa ni Richard. "Mahal kita, kaya kahit na sumpungin ka sa harap ng maraming tao ay okay lang, ako lang naman dapat ang umintindi sa'yo at hindi sila," sambit pa n'ya sa sobrang sweet na tono na punong puno ng pagmamahal.
Nagu-guilty si Kitchie sa kanyang ginawa.
Walang dudang mayroon s'yang mabait at mapagmahal na nobyo. Tama ang mga bulungan ng mga tao kanina na napaka-swerte na n'ya. Hindi nga n'ya lubos maisip kung bakit napaka-maldita n'ya rito kung minsan.
Richard never raise his voice sa kanya kahit kailan, she always received his kiss kapag tinutuyo s'ya at nilalambing pa s'ya nito kahit kasalanan pa n'ya. Naiisip n'ya tuloy minsan na baka hindi hindi s'ya karapat dapat rito. Naiintindihan naman n'ya na kung bakit habulin ang oras nito kaya ito nalelate minsan sa bawat pagkikita nila.
Richard owned a Car business, at isa si Richard sa pinakamayamang batang negosyante. Isa ring investor si Richard at nagpapatakbo pa ng Castillo Resort sa Pilipinas. Kaya kulang pa nga ang araw nito sa sobrang dami ng trabaho. Hindi tuloy maisip ni Kitchie kung bakit hindi n'ya magawang i-appreciate ang effort ng kanyang nobyo kahit na lagi itong late ay never pa rin s'ya nitong hindi sinipot.
"I-im sorry kanina," bigkas pa n'ya sa nobyo.
"Okay lang 'yun, tara na let's go home," tugon naman ni Richard.
Nang maging matiwasay na ang isat isa at nagkapalagayan na ng loob ay maayos na naghiwalay ang dalawa.
Si Richard ay bumalik sa kanyang opisina kahit na late na ng gabi, babalikan n'ya ang mga trabahong naiwan n'ya para lang sa kanyang nobya.
Habang si Kitchie naman ay dumeretso ng club upang kitaan ang dalawa n'yang kaibigan.
"Oh, ayan na pala s'ya!"sambit ni Waren, ang bakla n'yang kaibigan.
Umupo si Kitchie kasama ng dalawa at para itong merong dinadalang mabigat na saloobin.
"Oh, Kitchie, bakit para kang nalugi sa ganyang itsura mo," natatawang sambit ni Nadya.
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga.
"Eh kasi… nag propose ulit sa akin si Richard," aniya.
"Anong sagot mo?" tugon naman ni Nadya.
"Hay, 'yon na nga ang pinaghihimutok ko. Tinangihan ko ulit ang alok n'ya,"
"What!" bulalas ni Warren at napahampas ito sa kanilang mesa dahilan upang nagsitilapon ang laman ng kani-kanilang mga baso.
"Oh, I'm sorry. Pero Kitchie naman, ilang beses ng nagpropose si Richard sa'yo, halata naman na mahal ka ng tao. Ano pa ba ang hinahanap mo? Mayaman si Richard gaya mo at there is no chances na magiging tutol ang mga magulang n'yo kapag pinakasalan n'yo ang isat isa.
Ano ba talaga ang big deal mo!? Ano pa ba pa ang hinahanap mo," na i-estress na anas pa ni Warren sa kaibigan.
"Oo nga Kitchie, ano pa ba ang bumabagabag sa'yo," sambit naman ni Nadya. " Bakit lagi mo na lang nirereject ang boyfriend mo, kawawa naman 'yung tao. Nasasaktan din 'yun Kitchie no! Ano ka loka!?"
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kitchie, at maging ang sarili n'ya mismo ay gulong gulo na at hindi na rin n'ya maintindihan.
"Richard is a best man naman," sagot n'ya sa dalawa. " Pero, his always late kapag nagkikita kami at…"
hindi na naipinagpatuloy ni Kitchie ang dapat n'yang sabihin ng putulin na ito ni Warren.
"Late! 'yan lang ang problema mo Kitchie? D'yos meyo marimar gaga ka. Buti nga 'yan lang ang problema mo, alam mo Kitchie, napakaganda na ng relationship mo with your boyfriend. At napakaganda rin ng problema mo dahil late lang ang bf mo. Tsaka kana mag himutok kapag 'yang boyfriend mo ay nauntog at nag sawa na sa'yo,"sabi pa ni Warren.
"Kitchie, Richard deserve more better," dugtong pa ni Nadya. " Kung hindi mo s'ya kayang intindihin at unawain, marami namang babae d'yan na pwedeng ipalit sa'yo Kitchie. Linawin mo 'yang sarili mo, dahil kung hindi. Masasaktan at masasaktan mo lang si Richard,"
"And that's the point nga," tugon naman n'ya sa dalawa." Pwede s'yang mag girlfriend ng iba pero, his not a man. Nagrereklamo ako dahil kung sakali na maghiwalay kami ay magiging best man naman s'ya para sa iba,"
Lumagok si Warren ng alak at hinawakan ang baba ng kanyang kaibigan at mariing tinitigan n'ya ang kaibigan n'yang si Kitchie sa mga nito.
"Kitchie, nagrereklamo ka hindi dahil sa gusto mong maging best man si Richard para sa iba. Nagrereklamo ka dahil gusto mo s'yang maging best man para sa'yo, ang problema nga lang ay bulag ka at hindi mo makita ang halaga ng nobyo mo. Hindi ka satisfied sa kanya, may hinahanap ka pang iba, 'yan ang totoo. Goodluck sa reklamo mo, sana tama ang pinuputak mo. Dahil pag 'yan nawala sa'yo, kawawa ka, pag 'yan minahal ng iba at nagmahal ng iba, talo ka."
Matagal bago naka-imik si Kitchie, at ang mga katagang 'iyon ay dala dala pa rin n'ya hanggang sa pag uwi. Nakaupo ngayon ang dalaga sa malambot n'yang kama at may malalim na iniisip. Alam n'yang totoo ang mga i-winika ni Warren sa kanya. She wants her boyfriend to be a perfect man for him at hindi s'ya kuntento sa kung ano ang ipinapakita ni Richard sa kanya ngayon. Pero teka, ang isiping magmamahal si Richard ng iba ay ang bagay na hindi n'ya matanggap. Pero isang tanong ang namumuo sa kanyang puso at isipan. "Para ba talaga s'ya para sa kanyang nobyo, o, kailangan na n'yang mag desisyon?"