Hera's POV "Hindi iyon pagpa-panggap. It's all true. You look really gorgeous tonight, Hera." Napatulala ako dahil sa sinabing iyon ni Vaun. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko o gagawin ko. O kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko. Ito ang pinaka unang beses na naka tanggap at naka rinig ako ng papuri mula sa isang lalaki. Tila para bang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit ganito? ano ang nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Pero siguro ay dala lang rin ito ng pagka-ilang at pagka-hiya ko. Tama, walang kung anong ibig sabihin ito. Hindi ko siguro kailangan na intindihin pa ito. Mabait na tao si Vaun at napaka gentleman rin niya, normal lang siguro sa kaniya ang mag bitaw at mag sabi ng ganoong papuri sa ibang tao. Wag kang mag is